XIII: BestFriendship. What Matters the Most.

44 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : BestFriendship. What Matters The Most.

Chapter XIII

Naibalik namin sa dati ang pagkakaibigan namin ni Kuya Jinn. Pag hindi ang Tropang L.L., ang kasama ko ay si Kuya Jinn ang kaasaran ko.

Tama ang basa mo, Tropang L.L.. Iyon ang tinawag namin sa grupo namin. Ang girl version ng Tropang S.S. Ok lang naman iyon kela Kuya Jinn at kela JV dahil kaibigan din naman nila kami. Ang hindi nila alam, crush talaga ng bawat isa sa amin ang bawat isa sa kanila kaya namin pinangalanan ang tropa namin ng katulad ng sa kanila. Si Kimmy kay Joxel, si Emily kay Renz, si Kloe kay JV, si Paris kay Kuya Jinn, Si Kizzes kay daddy Rei at ako kay Ej.

Tama madalas nanaman kaming magasaran ulit ni Kuya Jinn.

First period, religion subject at ang topic ay mga karahasan dulot ng gyera sa mundo. May kung anung sensitive sa akin about dito at bakit over active ang imagination ko ng oras na yun. Naiimagine ko ang mga dugo at mga laman loob na sobrang pinandidirian ko. At alam kong ayaw ko magnursing dahil takot ako hindi sa dugo pero sa mga internal organs ng patay na tao. Nagsimula yun ng makakita ako ng lalaking naaksidente.

 Umabot hanggang 2nd subject ang asaran na yun. Nakita ako ng teacher namin na namumugto ang mata kaya tinawag ako nito at tinanong kung bakit ako umiiyak. Dun lang tumigil si Kuya Jinn sa pangaasar sakin dahil hindi nya alam na umiiyak na pala ako. Nakatalikod lang kasi ako. Nagulat sya na malaman nya na may dahilan pala ang pagiinarte ko at hindi ako basta umaarte na nadidiri lang. Nagsorry sya ng umaatikabo. Hindi ko din maintindihan kung bakit ako ganun kasensitive ng araw na un. Nung umok ako, pinagtawanan na lang namin ang nangyari.

Madalas kaming magkapikunan ni Kuya Jinn pero sya din naman ang madalas na kasama, kakwentuhan at kabiruan ko lalo nung malaman kong ang bestfriend kong si Kloe ang gusto ni EJ at ngayon ay nililigawan na pala sya nito. Gusto din sya ni Kloe pero dahil crush ko yun at simula pa lang ay may usapan na kami, binasted nya si EJ. Lumayo ang loob samin ni Kloe dahil feeling nya nawalan sya ng kakampi samin ni Paris at ng sabihin din nito na wag nyang sasagutin si EJ.

 Nasaktan ako ng sobra dahil buong akala ko, gusto din ako ni EJ. Masakit na ang bestfriend ko pa ang nagustuhan nya. Ang mas masakit ay yung lumayo ang loob naming magkaibigan sa isa't isa. Nagalit ako kay Kloe dahil sa mga nangyari at kinailangan pa nyang umiwas sa amin at dahil lang sa lalaki ay masisira ang pinagsamahan namin. Nagdulot iyon ng cold war pagitan sa aming magkakaibigan. Lalo itong lumala ng sa aming magkakaibigan ako na lang ang hindi nya pinapansin. Malayo din kasi ang upuan ko sa kanila, at sila naman ay magkakatabi. Tumabi kasi ako kay Kuya Jinn at dun ko pinili umupo pag katapos maglipatan ng upuan. Si Kuya Jinn ang naging kakampi ko nun, ng makaaway ko na din pati si Paris. Pag kasi may kaaway ako, gusto ko lage akong may kakampi at kaaway din nila ang kaaway ko. Sa pagkakataong iyon, si Kloe ang kaaway ko. Ayaw naman ni Paris na kaawayin nya din si Kloe dahil lang galit ako. Dun na nagsimula ang away namin, ako naman ang umiwas.

Ilang araw ng absent si Kuya Jinn dahil may allergy daw ito. Dun ko lang naranasan maOP ulit ng ganun, buong buhay ko. Habang ikaw nag-iisa at nakikita ang mga kaibigan mo na masaya kahit wala ka. Nasasaktan ako at namimiss ko din sila kahit papaano. Unti-unti nakalimutan ko na yung sakit na naramdaman ko kay EJ. Mas mahalaga pa din sakin sila Kloe, pero masakit nun hindi ganun ang nakita ko sa kanila.

Tinext ko na lang si Kuya Jinn. Kahit wala ito, lageng updated ito sa lahat ng mga nangyayari sakin. Alam nya na naheart-broken ako kay EJ at alam din nya ang cold war na namamagitan sa amin ng mga kaibigan ko. 

"Kua, pasok ka na. Miss na kita. Magpagaling ka na agad. OP na ako dito. Huhu. Wala ako makausap. :("

Maya maya ay nag gm na ito sa buong klase.  

"Hi guys, ok na ko. Pasok na ako next day. Thank you sa concern nyo at miss ko na kayong lahat!  

Tropang S.S., miss ko na kalokohan nyo! Basketball tayo pagbalik ko. 

At sa umaaway kay Andre, lagot kayo sakin pag balik ko!"

 Lahat pinadalhan ng text. Nagulat ako sa text ni Kuya Jinn. Natuwa naman ako sa concern at ng special mention pa ako na hindi naman ikinatuwa ng mga kaibigan ko dahil akala nila nagsumbong ako kay Kuya Jinn. Si Paris ang nagalit nun dahil crush nya si Kuya Jinn at ayaw nyang masira ang pangalan nya dito. Hindi naman talaga ganun ang gusto ko palabasin. Tinext ko agad si Kuya Jinn na hindi naman ganun ang nangyayari. Hindi nya daw babawiin yun unless magkabati na kami.

Sinulatan ko sila Paris at Kloe. Sa tropa, silang dalawa lang naman ang nakaaway ko. Labas dun sina Kizzes, Emily at Kimmy. Sinabi ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanila. Nakita kong binasa nila yun at nilukot sabay tapon. Nagalit nga siguro sila sa nangyari.

Pagkatapos ng klase ay mabilis akong lumakad na palabas ng room. Kanina pa ako naiiyak at pinipigil ko lang yun. Hindi ko alam na sinundan pala ako nila Paris at Kloe. Hinawakan nila ko magkabilang kamay. Inaasar lang pala nila ko. Hinihintay lang nila na kausapin ko sila. Dahil ok naman na sila at ako na lang hinihintay nila. Pero mataas daw kasi ang pride ko. Naisip nilang bwisitin ako para kumprontahin ko sila kaya nila ginawa yung kanina. Nang hindi yun ang nangyari, nagulat din daw sila. Ng marinig ko yun naiyak na ko, sa tuwa. Ayaw daw kasi nilang sa papel lang kami magkausap-usap dahil madalas nami-misinterpret lang namin. Nagkausap-usap kami. Nasabi namin ang lahat ng sama ng loob namin at nalaman naming misunderstanding lang lahat. Nagkausap din kami ni Kloe at naayos na lahat. Nalaman ko na galit na din pala sya kay EJ dahil may bago na agad itong nililigawan. Akala din nya na gusto talaga sya nito, yun pala ay playboy pala ito at hindi yung kagaya ng pagkakakilala namin. After nun, pinagtawanan na lang namin ang lahat ng nangyari. Hindi din pala nagalit si Paris dahil sa text ni Kuya Jinn dahil kinausap din sila nito na nalulungkot at namimiss ko lang daw sila. Hindi din pala ito nagselos dahil iba naman na daw ang crush nito. Naclear na lahat at nangako kaming hinding-hindi na ito mauulit at hinding-hindi na kami magaaway dahil sa lalaki. Napatunayan namin na ganun katibay ang pagkakaibigan namin. Ngayon kahit malayo o magkakatabi man kami sa upuan, alam naming ang magandang pagkakaibigan namin ang pinakamahalagang namamagitan sa amin. Hindi mahalaga kung magkakatabi o magkalayo kami basta magkakaibigan kami, tapos. Nawala na ang invisible gap sa amin ni Kloe.

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon