XXVIII: False Hopes.

39 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : False Hopes

Chapter XXVIII

"I take one step away, but I find myself coming back to you. My one and only you."

Hindi ko alam kung bakit lagi na lang, kung kailan ok na ang lahat saka naman nagugulo din ito agad.

"Andre, may sasabihin ako sayo. Dapat mo malaman to.."

Nagkatext daw sila Kimmy at Kuya Jinn. Ako ang napagusapan nila.

"Kim, totoo ba na nililigawan na ni Daryen si Andre?"

"Oo. Totoo! Bakit mo tinatanong?"

"Wala naman. May pag-asa ba si Daryen? May balak bang sagutin sya ni Andre??"

"Crush yun ni Andre eh. Bakit ba kasi? Ano naman sayo kung may pag-asa si Daryen? Dapat din naman yata na maging happy na yung kaibigan namin di ba? Para makalimutan ka na nya at maka-moved on na sya sa heartbreak nya sayo. Sobra kaya syang nasaktan sayo!"

"Minahal ba talaga ako ni Andre?"

"Tanong ba talaga yan?!! Gusto ko na tuloy maniwala kay Andre na manhid ka talaga. Tanga pa. Hindi naman yata nagkulang si Andre na ipaalam sayo yung nararamdaman nya di ba? At hindi mo pinahalagahan yun."

"Hindi totoo yan. Mahalaga sya sakin. Sobrang mahalaga sya sakin. Mahal ko din si Andre. At oo, aaminin ko na mas mahal ko talaga sya bilang kaibigan at bilang little sister ko. Pero nung nakita ko na kasama nya yung Daryen na yun. Nagselos ako. Hindi ko kayang aminin sa sarili ko yun. Lalo sa kanya. Dahil hindi pa pwede. Hindi ko pa kaya. Baka mas masaktan ko lang sya."

"Totoo ba yan!!? Eh anong balak mong gawin?? Teka, kayo pa ni Eliza di ba?"

Eto ang mga nabasa ko sa cellphone ni Kimmy ng ipakita nya sa akin ito.

"Alam mo botong-boto kasi ako kay Jinn para sayo. Ang cute kasi ng lovestory nyo! Kaya hindi ko maiwasang kiligin. Hindi nga ako makatulog kagabi eh. Alam ko namang mahal mo pa din sya eh. Tama ba ko Andre?" Kilig na kilig pa din si Kimmy habang nagkukwento. Fan daw kasi sya ng love team namin.

Ayoko sagutin yun. Sobrang naguluhan talaga ako sa mga nabasa ko. Mahal din ako ni Kuya Jinn? Nagseselos sya kay Daryen? Paano si Eliza?

May isang parte sa puso ko ang natuwa sa mga nalaman ko. Pero hindi ko maiwasang magalit nanaman sa kanya. Gulong-gulo ang puso't isip ko. Ayaw kong maniwala. Ayokong umasa at sa huli, masasaktan ulit ako.

Bakit nya ngayon lang sinasabi to? Bakit hindi nya sakin sinabi? Bakit ngayon nya pa ito sasabihin kung kailan handa na akong kalimutan sya? Anong hindi pa nya kaya? Bakit hindi pa pwede? At bakit ba kung kailan masaya na ko saka nya guguluhin ang puso ko?

Tinext ko sya agad para malaman ko ang sagot sa mga tanong ko.

"Ano yung mga pinagsasabi mo kay Kimmy??! Bakit mo sinabi yun?"

"Kaya nga ba ayaw kong sabihin yun eh. Alam kong sasabihin nya sayo."

"Eh sira ulo ka pala eh! Ayaw mo pa lang ipaalam sakin, eh di sana hindi mo na lang sinabi! Bakit ba ginugulo mo ako? Ayaw mo ba ko maging masaya? Ano bang ginawa ko sayo at bakit mo ako pinapahirapan ng ganito!!"

"I'm sorry Andre.."

"Yun lang ba lagi ang pwede mong sabihin??! I'm sorry!!! I hate you Jinn Deandre to the highest level!!!!!"

Oo. Mahal ko pa din sya. Mahal na mahal ko pa din sya. Walang nagbago dun. Kahit gaano ko itago at pigilan yun, talagang mahal ko pa din sya. Kaya nga ba nung tinanong ni Daryen na "Sino po ba ang pipiliin nyo? Si Jinn Daryen po ba o si Jinn Deandre?" Hindi ako agad nakasagot. Mula nun ay tumigil na ito sa panliligaw. Hindi ko na din ito masyadong nakikita. Lage daw itong absent sabi nila Eimmy.

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon