XXIX: A Bookmark in His Life.

58 3 1
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : A Bookmark in His Life.

Chapter XXIX

Napakabilis ng araw, parang kailan lang ay inirereklamo ko ang napakabagal na takbo ng oras pero eto ngayon, magsisipagtapos na kami sa high school.

Marami sa kaklase at kaibigan ko ang nakapili na ng skwelahan na papasukan. Isa lang ang ibig sabihin nun. Nakakalungkot man, pero magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan. Mamimiss ko sila. Kung pwede nga lang na palagyan ng college ang St. Mark's, para dito na lang din sana kami mag-aral ng kolehiyo. Kung pwede nga lang din na iisa na lang ang course na kuhanin namin. Kaso hindi eh. Si Kloe, Kimmy, Kizzes at Emily ay Nursing ang kukuhaning course pero magkakaiba ng schools. Si Paris ay Mass Communication, ako naman ay Psychology.

Magkakahiwalay na din kami ng tuluyan ni Kuya Jinn. Special pa din sya sa puso ko. Gusto ko, magkalayo man kami eh hindi nya makalimutan na may isang Andre na naging parte ng buhay nya. Hindi ko alam, baka din kasi ito na ang huling pagkikita namin dahil paniguradong magkakaroon na kami ng sari-sariling buhay.

Naisip kong bigyan sya ng bookmarks. Hilig nya din daw kasi ang pagbabasa. Pero imbis na bumili na lang ako sa bookstore, ay ginawan ko na lang sya. Personalized bookmarks yun. Tatlo ang ginawa ko at iba-iba ang design nun.

Bookmarks. Isang tanda yun hindi lang para sa librong babasahin nya, pero sana sa tuwing makikita nya yun magiging isang tanda din yun na may isang Andrya ang naging parte ng libro ng buhay nya. In short, wag nya ko makalimutan.

Hindi nya alam na may hidden message dun. Binigyan ko lang sya ng clue.

"Maglalaho pag nasisilayan, Masisilayan pag naglaho."

Parang pag-ibig nya sakin, madalas hindi nya ko napapansin pag may ibang babae pa sa buhay nya. Narerealize nya lang na mahal nya pala ko, pag nawala na ako sa kanya, pag may nagmahal na sa akin na iba.

Glow in the dark ang pinangsulat ko dun sa message. Hindi nya yun mapapansin kung maliwanag pa. Isang maikling tula ang nakasulat at ang mababasa mo dun. Pero pag pinatay mo na ang ilaw, o basta magdilim na, dun lang lalabas ang message. Maiiwan at makikita mo ang mga letrang nakasulat sa glow in the dark na bubuo sa isang mensahe. "I love you 4 ever." Binigay ko yun sa kanya ng Graduation Day.

Kiss sa cheeks. Yun naman ang remembrance ko galing sa kanya. At umuwi akong lutang na lutang sa kilig. *super kilig*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon