XII: Catch Me, I'm Fallin For You.

44 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Catch Me, I'm Fallin For You.

Chapter XII

Birthday ni Xelestine. Kasama ko nun si Kuya Jinn at ang mga kaibigan nya na mga kaklase din namin. Nandun din si EJ. Kabilang din kasi sya sa Tropang S.S., ang pinakasikat na grupo na kinabibilangan ng mga "popular boys" sa 4th year.

Kinabibilangan ito ng mga boys na popular sa mga babae dahil mga gwapo, kinaiingitan din ng mga lalaki sa galing sa basketball at ibang sports, pati na din mga teachers pag dating naman sa mga kalokohan. Lahat sila kilala bukod sa pagiging "play boy", ay may mga natatanging characteristics na kahuhumalingan talaga ng mga girls.

Si Kuya Jinn. Moreno, ang may "killer smile", Mr. Prom Jr., magaling sa larangan ng pagkanta, approachable at pinakamadaling pakisamahan.

Si JV. Kilala sa kanyang "pink lips", dancesport Champion at Prom King, pinakamalapit sa chicks.

Si Renz. Kilala sa "killer eyes", mayaman, medyo tahinik, pinaka-OC sa katawan.

Si Rob. Simple, math genius, pinakaseryoso.

Si Rei. Maputi, singkit, founder ng grupo, pinakamabait sa lahat.

Si Dony. Kalbo, singkit, kababata ko na anak din ng teacher , officer ng CAT, pinakamakulit.

Si Joxel. Ang may "killer dimples", pinakabigtime, sweet na makulit.

At si EJ. Crush ng bayan, drummer, misteryoso at pinakatahimik sa lahat.

Kaya din click na click sila sa isa't isa ay sa kanilang mga kalokohan at galing magpatawa kung kaya't ganun na lang sila kadaling mahalin ng mga girls. Ang motto nila? "Hindi kami babaero, loveable lang."

Nakababatang kapatid ni Joxel si Xelestine. Invited din ako dahil kaibigan ko din ito. Ipinagpaalam na ako nito sa mama ko kaya ako pinayagan. After classes yun. Gabi na din dahil may CAT din kami. Ipinagpaalam din ako ni Kuya Jinn kay mama na sya daw ang makakasama ko paguwi kaya napanatag na din ang mama ko. Minsan lang din kasi talaga ako makagala. Madalas school-bahay lang ako dahil hindi ko din naman talaga hilig ang maglakwatsa.

Sinundo kami ng sasakyan nila Joxel. Napakalaki ng bahay ng mga ito at talagang masasabi mong mayaman nga talaga. Madaming handa si Xelestine pero hindi din naman ako makakain dahil nahihiya ako. Bukod kasi sa kanya ay ako lang babae sa table namin. Ako nga lang ata ang bisitang babae ng oras na yun dahil nauna na ang ibang mga bisita ni Celestine nung wala pa kami. Panatag naman ako sa mga kasama ko at alam kong higit sa kahit sino, safe ako sa mga kasama ko.

Walang inuman dahil hindi naman nagsisiinuman ang mga kasama ko. Yun ang isang hahangaan mo din sa kanila, wala silang bisyo. Walang nagiinom at walang naninigarilyo. Isang dahilan dahil may allergy si Kuya Jinn. At ang pinakadahilan daw ay nakakapangit ang bisyo. Nakakaitim ng labi at nakakalaki ng tsan. Ganun nila alagaan ang mga kagwapuhan nila. Ni hindi nga daw sila nakikipagbasag ulo dahil malulugi lang daw sila, dahil sa kanila may masisira. Ang tanging bisyo nila ay ang paglalaro ng basketball. At paglalaro ng puso ng mga babae.. naidagdag ko.

"Huy! kumain ka ng kumain! Bakit ka natutulala?!!!" si Kuya Jinn yun na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko pa pala nauubos ang pagkain ko. Katabi ko sya ng oras na yun.

"Subuan mo na nga Jinn" ang sabi ni JV. Matagal yata akong natulala na lahat sila nakatingin na pala sa akin. Pati si EJ.

"Halika nga." pinatulan nito ang pambubuyo ni JV. Pinihit ni Kuya Jinn ang upuan ko para mapaharap ako sa kanya. Sa payat ko madali na lang sa kanya ang gawin ito. Kumuha sya ng pagkain sa plato ko at akmang susubuan talaga ako. Sa pagpupumilit nya at dahil nakatingin sa akin ang lahat, sinubo ko na. Napalaki ang pagkuha nya ng pagkain at hindi kumasya yun ng maayos sa bibig ko.

"Ayan, tataba ka nyan samin." natatawang pangaasar pa nito kaya nagtawanan lahat. Madalas nya talaga ko asarin dahil payat ako. Kakantahin pa nga nito minsan yung "leave me breastless". Isang hampas naman ang ibinalik ko sa kanya habang nilulunok ko yung pagkain sa bibig ko. Nakita kong nakatingin din si Ej. Hindi ko mabasa ang nasa mukha nya. Nakatingin lang ito.

"Oh syempre mas maganda kung si Ej naman ang magsusubo" pangaasar ni JV. Maloko talaga ito.

Hindi ko pa nalulunok lahat ng pagkain sa bibig ko pati ang biro na yun ni JV ng kumuha ito ng cake sa plato nya at ipinapasubo na sakin. Nagulat ako. Nasa tapat ko sya kaya medyo napa-lean pa sya para isubo sa akin yun. Ewan ko pero parang tumahimik ang paligid. Ayoko sana isubo yun pero baka kasi mapahiya at magalit ito pag hindi ko yun ginawa. Narinig ko na lang ang palakpakan pag tapos nun. Nangingiting umupo ulit si EJ sa upuan nya. Habang ako nanginginit ang pisngi ko sa hiya at kilig.

Nagvideoke kami pag tapos kumain at di rin nagtagal ay nagyakag na din si Kuya Jinn umuwi. Iuwi nya daw ako dahil gabi na at baka hanapin na ako sa amin.

Ipinagkatiwala daw kasi ako sa kanya ni mama at ayaw din nyang may masabi ito. Pinauwi na din kami ng mga kaibigan nya ng sinabi nya yun sa mga ito. Ayaw din nilang masira ang tiwala na binigay sa kanila ng mama ko dahil alam nyang sila ang mga kasama ko.

"Ingatan mo yan pare ah." bilin ni Ej bago kami umalis.

"Oo naman, iingatan ko to." sagot ni Jinn na umakbay pa sa akin.

Talagang napatunayan ko na safe talaga ako sa kamay ng mga ito. Ang sarap sa feeling na iniingatan ka ng mga lalaki. May pagkabastos ang pagkakakilala ko sa kanilang magkakaibigan, pero nabago lahat yun ng oras na yun.

Mas malayo ang bahay namin kesa kela Kuya Jinn. Pinababa ko na ito kahit nagpupumilit itong ihatid ako. Nung sinabi kung ok lang ako at kaya ko naman umuwi magisa, ay pumayag na ito. Itext ko na lamang daw sya pagkauwi ko para alam nyang nakauwi ako ng maayos. 9pm na ako nakarating ng bahay at medyo kinakabahan na ako na mapagalitan ni mama. Pag dating ko sa bahay ay laking gulat ko na hindi naman ako pinagalitan. Tinanong lang ako ni papa kung saan ako galing. Si mama na ang sumagot nun.

"Birthday ng kapatid ng kaklase nya na studyante ko. Nung isang linggo pa sya ipinagpapaalam sakin, kinukulit ako, wala namang pasok bukas. Hinatid din sya paguwi ni Jinn." mahabang sagot ng mama ko. Hindi na nagtanong pa si papa kung sino si Jinn dahil akala nya siguro ay babae ito sa pangalan nito.

Naghilamos na ako at naghanda na para matulog. Naalala kong hindi ko pala natext si Jinn. Pinadaanan ko na din ng gm ang mga kaibigan nya at nagpasalamat ako dahil talagang nagenjoy ako.

Sa paghiga ko, pagkatapos magdasal ay inalala ko lahat ng ngyari sakin buong araw. Masaya talaga ako. Masaya ako na nakasama ko ang Tropang S.S., na nakasama ko si Ej at yung subuan nya ko ng cake. Kinikilig pa din ako. Naalala ko din kung paano nya ako ihabilin kay Kuya Jinn.

Masaya din ako na ok na kami ulit ni Kuya Jinn. Ang dami din naming napagusapan at tawa kami ng tawa. Pinahilig nya pa ang ulo ko sa balikat nya nung parehas kaming nakaramdam ng antok. Namiss ko yun. Namiss ko yun dahil ganun din kami kalapit dati. Sa isipin na yun na ako binawian ng antok.

***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon