XVIII: The Break Time.

38 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Break Time.

Chapter XVIII

Kung magkakaaway man kami ay madali din naman itong naayos. At may kakaiba kaming way para ayusin yun.

Breaktime. Magkakasama kami ng tpopang LL sa room, nagkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang ginagawa ang project namin na ipapasa sa araw na yun. Nakiupo din si Kuya Jinn. Hindi lang para makisali sa kwentuhan pero para bwisitin din ako. Iniiwasan ko ito. Malamang, asar-talo nanaman ako sa sakanya. Hindi ko naman mapaalis to dahil eto na ang bida ng kwentuhan. Tawa ng tawa sila Paris sa mga kwento at kalokohan nito.  

Irap at busangot lang ang emote ko.

"Tingnan nyo tong kaibigan nyo, ang haba ng pagkakanguso pero sa totoo, pinipigilan lang nyan matawa sa mga jokes ko." natatawang pangaasar nito.

"Huh! Whatever." and the best irap award goes to Andrya.

"Away-bati kayo. Para kayong magboyfriend kung mag-away. LQ? Kanina lang ang sweet-sweet nyo. Baka sa huli kayo din magkatuluyan ah." si Kimmy yun. Magaling din tong mang-asar lalo pag dating saming dalawa palibhasa ay sinasabi nito na may gusto nga daw ako kay Kuya Jinn, indenial lang daw ako. Madalas kasi sya ang topic namin pag nagkakwentuhan kami.

"Hindi na oy. Tatanda na lang akong dalaga. Para akong naghanap ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko kung nagkataon. Sa dami ng babae nyan?"

"Sobra ka Andre. Hindi ako babaero ah. Madami akong naging girlfriend pero hindi ko pinagsasabay sabay." paliwanag nito.

"Parehas din yun. Napakasweet mo eh diba?" may pagka-sarcastic na pagkakasabi ko. Kasi madalas nya nga kong asarin, at ganun sya maging sweet.

"Naku. Oo. Kung ikaw din ang mapapangasawa ko.." tumigil pa ito para tumawa. "Pag bumisita sa bahay natin si Mama Ed, itatanong nya "asan ang anak ko?" tapos magugulat sya pag kita nya sa kwarto, nakabitin ka patiwarik." tumawa pa ito ng malakas. "tapos sabihin nya "hala, bakit naging paniki ang anak ko??" baka hikain si Mama Ed hindi sa galit kundi sa kakatawa. Akala nya naglalambingan tayo di nya alam magkaaway talaga tayo. Ganun ako kasweet." mahabang pagkwekwento nito na nagpatawa sa lahat. 

"Ah ganun ah!" at isang malakas na hampas ang bingay ko sa kanya. Umalis ako sa sobrang pagkapikon at umupo sa lapag at dun pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Magbati na kasi kayo Andre." pangaasar pa ng mga kaibigan ko.

Maya-maya ay nagulat na lang ako ng may bumuhat sakin mula sa likod. Isipin mo na ang itsura ng pagkakaupo ko nun. Yung upo na nakadikit ang mga tuhod mo sa chest part mo. Para akong teddy bear na binuhat ni Kuya Jinn.

"Ano ba kuya Jinn?!!! Makikitaan ako!" Buti na nga lang ay may shorts ako. Pinagtinginan na din kami ng iba naming kaklase. Tawa naman ng tawa ang mga kaibigan ko. Ibinaba din ako ni Kuya Jinn.

"Oh ano di mo ko papansinin??"

"Hindi talaga! Manigas ka!"

"Ah ganun ah?" mabilis na binuhot nya ko ulit at sa pagkakataong yun hindi na ko makikitaan para wala ng dahilan na ibaba nya ko ulit unless makipagbati nga ko sa kanya. Binuhat nya ko na para lang kaming bagong kasal na mag-asawa. Yung buhat ng lalaki sa babae papasok ng bahay hanggang makarating sa kwarto. Pero dun imbis papasok ng kwarto, ako inilabas ni Kuya Jinn sa hallway at akmang ihuhulog nya ko sa baba. Nasa 2nd floor ang room namin. Ihuhulog nya daw ako kung hindi ko sya kakabatiin. Nagtitili ako. Humingi ako ng saklolo mula sa mga kaibigan ko pero natatawa lamang ang mga yun.

Pinagtitinginan na kami hindi lang ng mga kaklase namin, kundi pati ng ibang studyante kahit yung mga 1st year students sa baba.

"Oo na bati na tayo!!!" sigaw talaga yun. Hindi naman ako natatakot dahil alam ko namang hindi nya ko ihuhulog. Sa higpit ng hawak nya sakin? Nahihiya lang ako dahil pinagtitinginan na kami.

"Gusto mo talaga yung nahihirapan ka eh!" ibinaba nya na ko. At pumasok na kami ng room dahil tapos na ang break time. Natapos na din ang "break time" namin ni Kuya Jinn.

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon