Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Confession.
Chapter XIX
Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, alam kong may nagbago sakin.
Lagi akong masaya kapag kasama ko sya. Hindi kumpleto ang araw ko pag wala sya o pag hindi kami nagkukulitan. Pag kasama ko sya feeling ko Prinsesa ako na may laging special treatment galing sa kanya. Madalas nya man ako asarin at pagtripan pero hindi naman sya pumapayag na may umaway sakin. Alam kong iba ako sa ibang babae sa buhay nya. Alam kong ako lang ang ganito sa kahit ibang mga kaibigan nitong babae. Alam ko yun.
Nangyari na to dati. Ganitong-ganito din yun nung 1st year kami. Nagkacrush ako, naheartbroken, sa huli nagkagusto ako sa kanya. Posible kayang bumalik kung ano man yun? O baka hindi naman talaga nawala? Baka itinago ko lang. Itinago ko dahil hindi pwede. Pero paano kung ngayon, pwede na? Sa mga pinaramdam nya sakin, hindi kaya parehas din kami ng nararamdaman? Special sya sakin. Alam kong ganun din ako sa kanya. Pero paano kung hindi pala? Paano kung magaya din kay Ej? Paano kung ipagtapat ko na sa kanya? Baka mailang sya. Baka magalit sya sakin dahil nagtake-advantage ako sa friendship namin. Baka mag-bago ng friendship namin. Pero paano ko malalaman kung hindi ko gagawin? Wah. Nakakabaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko naman habang buhay itago to. Ayoko na pagsisihan ko sa huli na hindi ko sinabi. Bahala na nga. Bahala na kung ano man ang mangyari.
Desidido na ako sa gagawin ko. May kung anong tapang ang tumutulak sakin na itext sya. Ayokong maulit yung nangyari dati na may chance na ako pero pinanghinaan pa ko ng loob. Ako pa ba? Kelan pa naduwag si Andrya? Wala naman masama na magpakatotoo lang sa nararamdaman. Wala pa din namang namamatay sa pagsasabi ng nararamdaman di ba?
"Hi Kua Jinn. Busy u?" pagsisimula ko.
"Hi Andre! Nope. Y?"
"May gusto sana akong sabihin eh... Magpromise ka na hindi ka magagalit. Magpromise ka na kahit anong mangyari, walang mag-babago satin.." alam ko nagpapaligoy-ligoy pa ko nun. Hindi ko kasi malaman kung paano sasabihin sa kanya eh. Mahirap pala ah infairness. Gulong-gulo na nga sya kung ano-anong mga pinagsasabi ko.
"Andre. Straight to the point please. Pero I promise. What is it you're trying to tell me?"
"Crush kita. 1st year high school pa lang tayo."
"Ah yun lang ba? Ok lang yun Andre! hehe! Crush din kita di ba? :))"
"Ah, hindi kasi yun lang. Mahal na kita." OMG! Kahit ata ako nagulat sa nasabi ko.
"Really???! Kelan pa??"
"Nito lang. Hindi ko din alam kung kelan at paano. Swear to God, hindi ko naman plano to eh. Kahit ako nagulat na yung Kuya ko lang, ngayon mahal ko na. Wag ka sanang magalit..."
"I'm not, actually I admire your courage to tell me your feelings. Thanks for being honest and thanks for trusting me. Don't worry as what I have promised, nothing will change. You'll always be my little Andre. :))" hindi nga ako nagkamali na pagkatiwalaan sya. Matapang kong naamin hindi lang sa kanya pero pati sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko.
Lagi kong iniimagine kung paano kaya ang maging girlfriend nya? Kung saking bestfriend nya, mala-prinsesa na ang treatment. Paano pa kaya sa mga girlfriend nya? Baka pag girlfriend, mala-reyna na. Ang sarap siguro maging reyna ng buhay ni Kuya Jinn. Kung siguro magiging kami, gusto ko kung ano kami nung magkaibigan kami, ganun lang din kami. Walang magbabago. Binubusog ko ang puso ko sa isiping ganito. Dito masaya na ko. At alam kong ako na ang magiging pinakamasayang babae kung magkakatotoo to at hindi hanggang imagination lang.
Wala ngang nagbago. Gaya ng pinangako nya. Pero honestly, gusto ko din na may magbago. Na hindi lang little-sister ang tingin nya sakin. Na mamahalin nya din ako hindi bilang kapatid o best friend. Pero bilang si Andrya.
May dahilan pala kung bakit hindi yun mangyayari.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...