XVI: The Boy I Can't Resist.

40 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Boy I Can't Resist.

Chapter XVI

Nakamoved on na kami ni Kloe kay EJ. Pinagtatawanan na lang namin pag nakikita namin sya. Kasama na lage nito ang bagong gf nya. Si Racquelle. Sinagot na pala sya nito. Asar na asar hindi lang kami pero pati ang mga kaklase namin sa kanilang dalawa. OA kasi ang PDA ng mga ito. Walang ginawa kundi magkilitian kahit sa room. Bitter na kung bitter. Oo sige naiinggit na kami kung naiinggit pero hindi dahil kay EJ. Kung hindi dahil wala kaming lovelife.

Nagbago na ang mga crush namin. Si Kloe kay Dony na. Si Kimmy kay Angelo na mula sa kabilang section. Si Emily may boyfriend na sobrang pogi. Si Kizzes naman ay inirereto sa kaibigan ng boyfriend ni Emily. Si Paris kay Rob na ulit. Si Robert, remember? Sya yung kaklase din namin nung 3rd year na nakasayaw ni Paris nung prom. At ako?

"Kuya Jinn ang panget naman ng drawing mo. Mas maganda yung sakin." inaasar ko lamang sya. Gumagawa kami nung ng plates sa TLE.

"Anong sabi mo?" napatigil ito sa ginagawa.

"Sabi ko ang panget ng drawing mo!" ulit ko.

"Ah. Panget pala." nilukot nito ang ginagawa at saka biglang tumayo.

"Hala! Kuya Jinn bakit mo nilukot? Ipapasa na to ngayon!!" nagulat ako sa ginawa nito. Napikon ko sya, for the 1st time.

"Sabi mo panget diba? Oh ayan." Yun lang at umalis na ito at nagpaalam sa teacher namin na mag-cr. Kitang kita yun ng mga katabi namin. Pinipilit kong ayusin yung gawa nya pero sa pagkakagusot nito ay hindi na talaga ito maipapasa. Hindi talaga ito nagbibiro. Pagkabalik nito ay may dala na itong softdrinks.

"Kuya Jinn, sorry na. Inaasar lang naman kita eh." pagsosorry ko. Medyo natatawa-tawa pa ko. at hindi ko sinseryoso ang "pagkapikon" nya baka kasi ginu-good time lang ako nito.

"You win this time." napikon talaga ito. Hindi na biro yun.

"Hindi naman talaga panget eh. Sorry na. Ipapasa yan ngayon eh, anong ipapasa mo?"

"Edi Wala. Nilukot ko na. Panget sabi mo diba?" halatang wala na nga talaga tong balak gumawa.

"Hindi naman totoo yun eh." naiiyak na ko. Hindi ko talaga akalain na mapipikon ito.

"Ha? Di ba Rose sabi nya panget daw gawa ko??" natatawa-tawang tanong nya sa katabi namin na nakakita sa mga nangyayari kanina. Um-oo ito. Yun lang at tumalikod na ko. Naiyak na ko. Naiinis ako dahil naghanap pa talaga ito ng kakampi para lang mapamukha sakin na ang sama-sama ko. Nilukot ko din ang ginawa ko dahil basa na din ito ng luha. Tinapon ko yun sa basurahan. Nakita nya din ang ginawa ko. Nakita nya din na namumugto na sa luha ang mga mata ko. Wala din ako maipapasa ng araw na yun. Natatawang nakatingin lang sya sakin habang iniinom ang softdrinks na binili kanina sa canteen.

Ang damuho! Napakagaling talagang mang-asar. Pag naman sya inasar, napaka-pikon. Yo win this time? Huh! Hindi talaga sya magpapatalo eh! At hindi nya talaga tinanggap ang sorry ko. Pero pag sya, ang bilis-bilis ko tanggapin ang sorry nya! Bwiset!!!

Uwian na. Pagkadating sa bahay kumain lang ako at ginawa ko agad ang plates na hindi ko natapos. Ginawa ko din si Kuya Jinn. Bwiset na bwiset talaga ako dahil hindi ko naman ito matiis. Tinext ko ito,

"Hoy! Wag ka ng gumawa ng plates mo. Nagawa na kita. Wag mo sayangin ang pagod ko!! Pag gumawa ka pa, hindi talaga kita mapapatawad! Good nyt!"

Nagreply agad ito. 

"Glt pa din? Hahaha! Ok sabi mo eh! Haha! Tnx! Lab u!! See u tom! Nyt!! ;)"

Lab u your face! Pagkatapos mo ako pagtripan! Isasampal ko talaga sayo to bukas! Mas maganda naman talagang gawa ko sayo! Hindi naman ako nagreply sa text nya. Humanda talaga ito sa akin. Ito naman ang pahihirapan ko bukas dahil buong araw ko itong hindi kakausapin.

Kinabukasan. Sa flag ceremony ay wala ito. Mukhang may balak pa ito umabsent. Hindi ako mapalagay. Hindi ako makakaganti. Halos matatapos na ang first subject ng dumating ito. Hindi agad ito umupo sa tabi ko. Umupo muna ito sa likod. Pagkalabas lang ng teacher ito umupo sa upuan nya. Padabog kong binigay sa kanya ang ginawa ko kagabi.

"Wow! Nakafolder pa talaga para hindi magusot. Infairness ang ganda ng gawa mo, talagang malinaw. Mukhang diin na diin oh. Siguro galit na galit ka nung ginagawa mo to..."

Pinanlisikan ko lamang sya ng mata. Wala akong balak patulan to kahit pa pasigaw pa yun o ano. Tumalikod na ko. Baka masaksak ko ito ng lapis pag hindi ko ginawa yun. 

Pinakita nito ang drawing sa isa naming kaklase.

"Maganda ba? Gawa ko yan."

"Kapal ng mukha mo! Gawa ko yan! Yung gawa mo nilukot mo kahapon kasi sabi ko panget. Napikon ka! Wag kang maniwa.." wala naman pala itong kinakausap. Napahiya nanaman ako.  

Lalo sya natawa.

"Sabi ko na nga ba eh, you'll fall into that. Akala wala ka talagang balak magsalita eh. Haha! Sorry na! Bati na tayo! Ikaw kasi eh mangaasar ka lang, yung wala pa ko sa mood. Tapos hindi mo naman pala ko matitiis." natatawa-tawa pang paliwanag nito.

Ah ganun? Kailangan pa palang magset ng appointment pag aasarin sya. Samantalang ako, lage nya ko bwinibwiset. Kahit kailan nya matripan.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang lage nyang nababasa ang nasa isip ko. Nainis ako dahil hindi pala ako makakaganti ng bongga. Mas nainis ako sa huli nyang sinabi. Totoo kasi to. Hindi ko sya kayang tiisin. Yung sabi ko na buong araw hindi ko sya kakausapin, wala pa atang 3rd subject magkabati nanaman kami. Hindi ko talaga sya kayang tiisin. Half hour na nakabusangot at mamaya-maya ay matatawa na lang ako sa mga pagpapatawa nya. Hirap kaya magpigil ng tawa! Ewan ko ba. Agree din ako kung ang iniisip mo ngayon ay para kaming ewan. Haha! :D

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon