Lucky I'm In Love with My Best Friend : Just Like A Song, We're In Tune.
Chapter II
"Kuya Jinn, ano ba yung lyrics nung kanta na to?" yan ang madalas kong itanong sa kanya. Sasagutin naman nya, may kasamang pagkanta pa. Di ko itatanggi maganda ang boses nya. Mataas pa ang boses nya sakin at talent nyang manggaya ng kung sinu-sinong singer. Napahanga talaga ako. Dati, di ko pinapansin yung lalaki na may laging tutok-tutok ng electric fan, at ang lakas-lakas ng boses na kumakanta ng "Total Eclipse of the Heart". Siguro dito na nagsimula kung saan kami naging magkaibigan dahil hilig ko din ang pagkanta. Natatawa pa ko nung nahihiya akong nagtanong sa kanya na "bading ka ba?".
Hindi ko sya napapansin dati. Hindi ko talaga siya kilala, aside sa sya yung kinakainisan ko noon na nanalo na presidente ng klase. Hindi ko nga alam na graduate din pala sya ng school namin. Hindi ko naman naririnig ang pangalan nya at sa 8 taon ko sa St. Mark's Institute, never naglandas ang buhay namin. Ngayon lang. Patas lang dahil daw kahit anak ako ng teacher di din nya ako kilala. Nung first day akala nga nya kapatid ko si Mama. Saka nya lang nalaman nung naging close kami na anak pala ako ng adviser namin. Seriously?!
Nagkakasundo kami sa halos lahat ng bagay kahit pati sa pangaasar sa iba naming kaklaseng lalaki. Madalas ko din syang sabihan ng mga sikreto ko. Nasasabi ko sa kanya ang lahat ng bagay ng hindi ako nakakaramdam ng pagkahiya o pagkailang. Di nagtagal naging close kami. Sya ang naging sabihan ko ng mga kung anu-anong bagay. Tungkol sa mga crush ko, mga problema and anything-under-the sun. Sya ang unang lalaking nasabihan ko ng mga bagay-bagay na hindi ako nailang. Naging napaka kumportable para sa amin ng mga bagay-bagay. Sa kanya ko na nga din sinabi ang lahat ng heart-aches ko dun sa previous crush ko na si Harry Potter. Mga hinaing ko sa buhay. Mga kalokohan ko. Mga kamalditahan ko. Na minsan nga, mas madami na syang alam kumpara sa mga kaibigan kong babae. Sya din ang naging kakampi ko sa lahat ng away ko. Sya ang kauna-unahang boy-bestfriend ko. Ang Kuya Jinn ko.
Siguro part ng buhay ng teenagers nun na may tawagan kayo ng mga kaibigan mo. Bukod sa mga barkada kong babae na madalas kong kasama, may grupo din ako na kung saan "ate" ang tawagan namin dahil magkakakulay kami. Parehas kasi kaming maiitim. Naging kaibigan din namin si Jinn dahil pasok din sya sa requirement. Doon na nagsimula na tawagin ko na din sya ng "Kuya". Kasali na si Jinn sa kapatid namin pero sa aming magkakaibigan ako lang naman ang tumawag sa kanya ng Kuya. Siguro kasi naattached na ko sa friendship namin simula pa noon kahit bago pa sya napasama sa grupo.
Masaya. Makulit. Kakaiba ang nabuong pagkakaibigan sa aming dalawa. Masaya at masarap maging kaibigan si Jinn. Madalas man kaming mag-asaran, pero pag may kaaway na ako sya ang takbuhan ko. Masarap pala yung feeling ng may tagapagtanggol ka. Nabuhay akong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Matapang ako dahil alam kong walang magtatapang na awayin ako dahil alam nilang anak ako ng teacher. Napapaiyak ko pa nga ang mga kaklse kong lalaki. Pero noon yun. Nung magkakasing tangkad lang kaming magkaklse. Di ko na din magagawang magsumbong na parang bata sa mama ko na nagkataon na teacher din naming lahat. Pero dahil sa pagkakaibigan namin ni Jinn naramdaman kong safe and protected ako na hindi ko naramdaman noon. Ganito lumalim ang pagkakaibigan namin.
Bago magsembreak, nakagawian na doon ginaganap ang taunang intramurals. Nagmeeting ang buong klase sa padating na event kasama ang aming adviser. Pinagusapan namin ang uniform na gagamitin, ang mga kaklase ko na kasali at ang muse at escort na magrerepresent sa buong section. Dahil wala kaming muse at escort sa klase, kailangan na naming magbotohan. Pero isa sa mga kaklase ko ang nakaalala sa sinabi ng adviser namin noong nagbobotahan pa lamang kami. Napa face-palm ako tuloy bigla. Oo nga pala at ako ang nanalong muse noon. Kita samin ng mama ko na hindi namin gusto ang mga ngyayare pero dahil mapilit ang mga kaklase ko, wala ng nagawa ang adviser/mama ko kung hindi ipakuha ang sukat ko para sa ipapagawang uniform.
Ayaw nya akong ilaban dahil hindi lang sa mapayat at ang liit-liit ko eh ang itim-itim ko pa. Ayaw din nya dahil alam nyang maasikaso yun. Ayaw ko din noh! Dahil orange ang napili nilang kulay ng uniform! Kamusta naman yun di ba? Pumayag na lang kaming dalawa ng may isang nagsabi na "Ms. pumayag na po kayo, maganda naman po si Andrya eh." Sige pag natalo tayo hindi ko na kasalanan.
Dumating ang intramurals week, pero walang Andrya na lumaban para sa muse. Isa sa mga kaklse ko na kaibigan ko din ang pumalit sa pwesto ko. Naging madali lang ito, dahil magkaparehas naman kaming maliit yun nga lang mas maganda sya sakin dahil maputi sya at mas mataba sa akin. Ok lang sakin dahil nanalo naman ang kaibigan ko. Champion kami sa lahat ng larangan. Mula sa basketball hanggang sa badminton. Magagaling talaga ang mga kaklase ko.
Plinano ng mama ko ang hindi ko pagpunta. Sa totoo lang handa naman akong lumaban pero nataong kailangan ko ng umuwi at magbakasyon sa lola ko sa Cavite. Nagkataon din na naging isang ganap na dalaga na ako ng panahon na yun.
Pagkatapos ng dalawang linggong sembreak, balik eskwela na. Kailangan na din naming makaisip ng mama ko ng idadahilan kung bakit ako absent noon. Lalo na sa pinakamahigpit naming teacher sa science na may attendance pala ang intramurals week. Lageng kasi akong maagang nagbabakasyon. Noon pa man pinagpapaalam na ako ng mama ko sa mga teachers ko na hindi ako papasok ng intramurals. Hindi naman ako sumasali ng sports dahil asthmatic ako. Pero iba na ang usapan ngayon.
Pinatayo ako ng science teacher namin at hindi nya ako hinayaang umupo hangga't hindi ako nakakapagbigay ng magandang rason sa pagka-absent ko. Pinatawag pa nga nya ang adviser namin at pinagpaliwanag din kung bakit ako absent. Ang totoo, pinagtitripan lang nya kaming dalawa. Pumunta ang mama ko sa room at kinausap ang science teacher namin. Tahimik na natatawa-tawa lang ang mga kaklase ko at ako na naiwang nakatayo. Nagbulungan lang silang dalawa. Ng biglang sinabi ni Miss Franco "ah girl's talk pala". Napaisip ang lahat.
Alam ko ang ibig sabihin nun. Isa din sa nakainitindi ng ibig sabihin nun ay si Kuya Jinn. Hindi ko naman sa kanya sinabi yun dahil nga para samin "pang girl's talk lang yun". Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan naintindihan nya ang binigay na clue ng teacher namin. Kaya nung pinaupo ako, di nya na naiwasang tanungin at asarin ako. "Dalaga na ang kapatid ko. May menstruation na." Nahihiyang itinanggi ko yun. Pero inamin ko din naman nung huli. Nagkatawanan pa nga kaming dalawa dahil kami lang apat ng mama ko at ng science teacher namin ang nagkainitindihan at nakakaalam ng rason bakit ako umabsent.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...