Lucky I'm In Love with My Best Friend : Chase of Love.
Chapter III
Naging mas malapit pa kami ng matapos ang 2nd quarter at magbago ang seating arrangement ayon sa gusto naming makatabi. Mas madalas na kaming mag-asaran, magkwentuhan at magharutan. Mas masarap pala na magkabestfriend na lalaki. Walang inggitan. Walang agawan ng crush. Eh paano kung sa kanya ako magkacrush?
Totoo. Masaya akong kasama sya. Masaya akong nakakukulitan ko sya. Masaya akong magkaibigan kami. Dahil doon di ko na namalayan kung kelan at paano nagsimula na magkacrush ako sa kanya. Nagkacrush ako sa kanya ng palihim. Nung una, akala ko kagaya lang yun ng mga naging crush ko dati. Lahat man alam nya about sakin, sa nararamdaman ko para sa kanya wala syang ideya. Ayokong sabihin sa kanya kasi nahihiya ako. Natatakot din ako na baka magiba ang pakikitungo nya sakin. Mailang sya. Kaya kahit parang trinaydor ko sya na kinikilig na ko kapag magkasama kami at hindi na basta kaibigan ang tingin ko sa kanya, sinubukan ko ding pigilan yung nararamdaman ko. Ayokong gamitin ang pagkakaibigan namin sa pansarili kong kaligayahan. Sinubukan kong umiwas. Pero dahil kahit sya, sanay na sobrang malapit kami. At kung magkatabi na kami sa upuan ngayong quarter. Posible pa kaya yun?
"Bakit ba nagagalit ka nanaman? Ang aga-aga. Ano nabasted ka nanaman kay Harry Potter? Halika ka nga dito." pang aasar nya sakin.
"Excuse me. Iba na crush ko no. Tsaka wag mo nga itabi yung upuan ko sayo. Manghihiram ka lang nanaman ng crayons ko. Di ba bawal ng manghiram?" kasulukuyang may ginagawa kami nung na art activity sa subject ng mama ko.
"Paano mo alam?" pangaasar nya. Napatingin ako sakanya ng masama.
"Ruler kaya hihiramin ko. Pahiya ka nanaman. Pahiram na ah." sabay kuha nya sa bag ko. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa kanya ng araw na yun. Ang ginawa ko imbis na hayaan ko na sa kanya ang ruler, nakipagagawan pa akong makuha sa kanya yun.
"Aaaaaarrrrrrrrraaaaaaaayyyyyyy!" Napasigaw ako ng malakas ng tumama yung siko ko sa may upuan na nagbigay ng malakas na kuryente sa buo kong braso. Na kumuha naman ng atensyon ng adviser namin.
"Andrya?! Ano ba yan? Tapos na ba kayo sa pinapagawa ko? Hanggang ngayon lang yan. Pag hindi nyo yan natapos di ko na kukuhanin yan." galit na sabi ng teacher namin.
"Ikaw kasi eh. Hmp." sisinisi at inambahan ko ang katabi ko na natatawa-tawa pang nakayuko para hindi makita ng teacher namin. Hinatak ko ang upuan ko palayo sa kanya.
"Sorry na. Bati na tayo. Masakit ba?" sabay hawak sa siko ko na nakuryente sa pagkakaumpog.
Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi nya at kung bakit bigla-bigla nawala ang sobrang pagkainis ko sa kanya. Pagakatapos din nun ay parehas naming mabilis na tinapos ang pinapagawa samin para maipasa namin ito sa oras. Bati na kami.
Madalas naging ganito ang takbo ng buhay namin araw-araw. Ikinakagalit ko ang kahit anong simpleng bagay, aasarin nya ko, sa huli susuyuin nya ko. Favorite ko yung huling part. Wag lang sana sya makahalata na ginagawa ko yun in purpose.
Isang araw, lunch break. Nasa room pa kaming dalawa. Di ko matandaan kung bakit di pa kami naglulunch ng oras na yun. Siguro isa yun sa mga routine namin. Baka may pinagaawayan nanaman kami. Na baka umabot na ng break ang buong proseso. Ang natatandaan ko lang, naghahabulan kaming dalawa sa buong room ng macorner nya ko sa isang pader. Ganito yung itsura namin, nakasandal ako sa pader at sya hawak-hawak nya ang kamay ko at idinikit ito sa pader. Kung ang naiimagine mo eh para akong nirerape nun, TAMA ang pagiimagine mo. Sobrang awkward. Wala pa man sa isip ko yun ng mga panahon na yun, pero alam mo kung anong nasa isip ko?
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romansa"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...