XXV: Flames to Dust. Lovers to Friends.

34 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Flames to Dust. Lovers to Friends.

Chapter XXV

Kahit paano pilitin natin itago ang isang bagay, lalabas at lalabas ito. Kahit paano natin ito takbuhan, darating ang araw na haharapin natin ito. Dapat nga lang handa ka pag dumating ang araw na yon.

Para sa akin, ito ang araw na yun. Ito ang araw na matagal ko ng pinaghandaan. Ang araw na maguusap na kami.

"Totoo ba yung balita? :)" tinext ko si Kuya Jinn. Dun ko lang naman sya kayang kausapin ng about samin eh.

"Yes, Andre. I'm sorry.." reply nito.

For what? For hiding the thruth? For being so coward to tell me this? For making me fall for nothing and for breaking my heart over and over again?

"Don't be. Actually, I'm happy for the both of you. Sinakto mo talagang wala ako ah! Kaya naman pala ni hindi mo ako nagawang itext nung nadengue ako kasi super happy ka." biro ko sa kanya.

"Hindi Andre ah! Tinetext kita pero hindi ka naman nagrereply."

Ang totoo nun hindi ko talaga sinalpak ang sim card ko nun. Ayaw ko din naman makatanggap ng text mula sa kanya. Kung nag-aalala man sya. Ayoko ng maramdaman na may halaga ako sa kanya.

O baka kasi natatakot talaga akong hindi makatanggap ng texts mula sa kanya?

"Nandyan ka pa ba Andre?" nagtext na ito dahil di ako agad nakapagreply.

"Ay sorry late reply.. Before anythng else, tinext kita kasi i want to tell you na... I'm letting you go. I really want you to be happy. Sorry kung sobrang pinahirapan kita sa mga pangaaway ko sayo. I must say, sobrang namimiss ko din yung dating tayo. Pero hindi na natin mababalik di ba? Pero wala akong pinagsisisihan. Kung mayron man akong pinanghihinayangan eh yun yung hinayaan kong masira yung friendship na meron tayo sa pagiging immature ko. Hayaan mo Kuya, babawi ako. :) hindi naman talaga kami para i-let go ko sya. Gusto ko lang nalaman nya na tanggap ko na lahat.

"I missed you so much Andre. Namiss ko yung kulit mo. :(".

May isang parte sa puso ko na gustong maniwala sa sinabi nya na yun. Ganun din kasi ang nararamdaman ko. Hindi naman namin maitatanggi na naging masaya kami sa company ng isa't isa. Sa mga nakikita ko kasi noon sa mga harutan, kulitan at asaran namin, alam ko  na  naging masaya din sya. Hindi lang ako sigurado. Mas pinili kong wag na na lang magreply sa text nya.

Masaya na ako ng ganito. Yung maibalik namin yung friendship namin. Yung kahit hindi man naging kami, mananatiling magbestfriend kami. Na kahit pa nga anong nangyari, nangyayari at mangyayari, wala ng magbabago.

"Wow Andre ikaw ba yan??!!" ang mga kaibigan ko yun. Gulat na gulat ang mga ito ng makita ang maikli kong buhok.

The day after nakapag-usap kami ni Kuya Jinn, napagpasyahan kong ipagupit na ang mahaba kong buhok. Nagmumukha kasi akong lalong pumayat. Dulot ng pagkakasakit ko at dahil na din siguro sa sobrang haba, naglalagas na iyon. Madalas din na asarin ako nila JV na mukha daw akong poon dahil sa kulot na mahaba kong buhok.

Perfect timing. Sabi kasi ng iba, pag daw brokenhearted ka, magpagupit ka ng buhok. Sign ng pagmove-on at paglet-go mo sa lahat-lahat ng sakit na nararamdaman mo. Naniniwala ako dun.

HIndi naman ako nagkamali sa desisyon ko. Bumagay sakin ang buhok ko. Ang dating hanggang bewang, ngayon hanggang balikat na lang ang haba ng buhok ko. Mas maganda ito ngayon dahil natanggal yung pinakulot ko at lumabas yung natural na kulot nito. Kahit papano nakabawi na din ang katawan ko sa pagkakasakit ko.

Natuwa ako sa mga reaksyon ng mga kaklase ko, mga teachers, at kahit yung mga schoolmates na kakilala ko. Lahat sila nagsabi na bumagay nga daw sa akin ang buhok ko. Isa na dun ay si Kuya Jinn. Ngumiti at um-ok pa ito ng makita kong nakatingin din sya. Nginitian ko lang din ito.

Recess.

"Kulot!!" Napatingin ako sa boses na yun. Si kuya Jinn. Ngumiti ako sa kanya.

"Ngingiti lang? Halika nga dito!" yaya nito na tumabi ako sa kanya. Sa unang pagkakataon mula ng magkaayos kami, ngayon lang ulit kami nagkatabi at nagkakwentuhan.

"Ganda mo! Namiss talaga kita Andre." niyakap ako nito.

"Ikaw lang eh, pinaalis mo kasi ako dito eh." pagbibiro ko. Namiss ko din yung lugar na yun. Namiss ko din talaga si kuya Jinn. 

"Kamusta naman?" tanong nya sakin.

"Ok naman. Maganda pa din." Sagot ko naman. "Kuya. May crush ako.. ang cute nya eh." natutuwa kong ibalita sa kanya.

"Oh talaga!? Sino naman yan??" Sumeryoso ito.

"Matatawa ka, Jinn Daryen ang pangalan nya. Parang pangalan lang natin na pinagsama." Hindi ko alam bakit ko pa nasabi yung panghuli.

"Anong year?" tanong nito.

"First year nga lang! St. Mary. Student ni Mama. Haha!" natatawa ako. Buti na lang ay hindi nito napansin ang sinabi ko kanina.

"Baka ma-child abuse ka nyan!"

"Hahaha! Ano ka ba! Crush ko lang talaga yun!"

"Sige nga pakita mo nga sa akin yan ng makilatis ko!"

Totoong kahit papano nabaling ang atensyon ko sa bago kong crush. Hindi na ako masyadong affected sa "first heart break" ko. Although minsan hindi ko din talaga maiwasan na hindi.

Uwian. Kakatapos lang ng CAT namin. Pauwi na kami ni Kloe. Magkasabay kami dahil hindi na ito nagseservice. Hindi ko expected na may isa pa kaming makakasabay. Actually, dalawa pala.

Nakalabas na kami ng school. Nakita namin si Kuya Jinn. Nakatalikod ito. Kausap si Eliza. Nakita kami ni Eliza. Kinukuha ni Kuya Jinn yung gamit nya. Ok sila na sweet. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Hindi binigay ni Eliza yung bag nya. Yung riffle lang na ginagamit namin sa CAT ang pinadala nya. Nalampasan na namin ang mga ito. Naiwan pa ang mga ito at hindi agad umalis. Mabuti naman. Ayoko silang makasabay.

Pag swine-swerte nga naman. Hindi ako agad nakasakay. Mas kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko na kasama si Kloe. Magkaiba kasi kami ng way nito. Hindi nga ako nagkamali. Naabutan ako ng mga ito. Iisa lang kasi ang way naming tatlo. Mabuti na nga lang ay may dumating agad na jeep. Sumakay ako agad. Nakahinga na din ako ng maluwag ng hindi din sumakay ang mga ito sa nasakyan ko.

May kung anong sting akong naramdaman. Parang bee sting. Hindi nga ganun kasakit pero deadly.

Ok lang naman sa akin yun. Hindi naman agad mawawala yun di ba? Kaya hindi ko aasahan na hindi talaga ako maapektuhan paminsan-minsan. Kahit papano makakaranas talaga ako ng ganitong feeling. Hindi ko dapat madaliin yung sarili ko.

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon