Lucky I'm In Love with My Best Friend : No Ordinary Cinderella Story.
Chapter VIII
JS Prom. Isa yan sa mga mahahalagang event para sa isang high school student. Hindi para sa akin. Hindi ko hilig ang mag-party. Siguro ang hinihintay nyo, may mangyayaring total transformation sa akin. May isang fairy godmother na babaguhin ang gown na suot ko. At sa venue papasok ako na parang Prinsesa. Makukuha nito ang atensyon ng aking Prince Charming. Malolove-at-first-sight sya sa akin at yayain na isayaw ako. At ang pinakasweet sa lahat, magki-kiss kami dun sa aming magical place. At sa gabing din na iyon, itatanghal ako bilang Prom Queen o kahit Prom Princess. Ikinalulungkot ko pero walang ganung nangyari. Sa fairytale lang siguro mangyayari ang bagay na yun. Sa fairytale na kung saan si Cinderella ang bida at hindi si Andrya.
Chocolate fountain. Yun lang ang ikinatuwa ko sa Prom. Pag katapos naming kumain ay pinatayo ang lahat ng kababaihan at kalalakihan para hanapin ang mga kandidato para sa kokoranahan na Prom King and Queen at Mr. and Miss Jr./Sr. Prom. Anim na natatanging studyante ang hinahanap na karapatdapat na kokoronahan sa gabing ito. Sa dami ng magaganda na naroroon, alam ko naman nawala akong pag-asa.
Tinawag ang lahat ng mga napili na kandidato. Pinaakyat at pinalakad ang bawat isa sa stage habang ang mga hurado naman ay abalang ngiiskor sa bawat titulo na pinaglalabanan. Tunay namang nag-gagandahan at nag-gagwapuhan ang mga napili. Ngunit isa lang ang nakakuha ng aking atensyon. Isang pamilyar na mukha na kung saan hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ulit nakita. Si Kuya Jinn. Hindi ko akalain na papayag syang sumali. Oo, gwapo at may itsura talaga sya. Pero likas na mahiyain yun eh. Eh bakit eto ngayon, lumalakad sa may stage dala ang pinakamagandang smile at ang pinaka-confident na lakad. May isang part sa puso ko ang masaya. Pero may isang part din sa puso ko ang nasasaktan habang yung ibang mga babae tumitili para sa kanya. Pero dahil gusto ko syang manalo kaya tumili din ako para suportahan sya.
"Kuya ko yan!!!" sigaw ko. Ng hindi sa kalayuan, may sumigaw din,
"Ex ko yan!!!!" Si Paula. Nag freeze ang puso ko. Sya yung girlfriend ni Kuya Jinn dati nung first year pa lang kami. Yung dahilan bakit pilit kong kinalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Break na pala sila. Kelan pa? May isang parte sa puso ko ang nabuhayan. Teka, baka may pag-asa pa ang fairy-tale namin.
Hindi ko namalayan. Si Kuya Jinn na pala yung nanalo bilang Mr. Jr. Prom. Mas malakasan na tilian at sigawan pa ang narinig ko. Dito, mabilis din na namatay yung kung anu man yung nabuhay kanina.
Sa dami ba naman ng tumitili na yan, mapansin pa kaya nya ko? Napaka labo. Ngayon pa na Mr. Jr. Prom sya. Ngayon pa na break na pala sila ni Paula. Lalong mas dadami ang hindi magkandarapa na babae na maging boyfriend sya. At ayoko sumama sa bilang ng dami na yun. Mahal ko sya pero hindi ako katulad ng ibang babae. Teka parang may mali. Mahal? Kelan pa? Kanina lang? Nung nalaman kong wala na sila ni Paula? Yung may kung anung nabuhay sa puso ko nung nalaman ko yun? Yun na ba yun? Oo na Andrya! Aminin mo na! Aminin mo na sa sarili mo na mula pa noon, iba na talaga ang nararamdaman mo para sa kanya. Pinipilit mo na ipinapaniwala sa sarili mo na crush lang yun dahil natatakot kang ilabel yun ng iba bukod sa crush. Pero hindi. Hindi sapat na tawagin yun na pagmamahal. No Andrya, kalimutan mo na. Wag mo ng guluhin yung puso mo. Matagal ng tapos yun. Matagal mo ng nakalimutan kung ano man yun. Ito ang realization ko ng mga oras na yun.
Umupo lang ako buong magdamag sa party. Sumayaw ng konti. Nasiyahan na din ako sa panunuod kay Paris na nasa gitna ng stage at nakikipag-showdown sa ibang nagsasayaw. Pero hindi ko hahayaang maging simpleng araw lang ito para sa akin. O kahit hindi na sakin, kahit para sa mga kaibigan ko lang. Sa nakikita ko naman, hindi na kailangan ni Paris ang tulong ko. Si Kloe. Kasama si Paris, gumawa kami ng paraan para maging special ang gabi na ito kay Kloe. Hinanap ko ang greatest crush nya na sa mga panahon na yun ay nasa huling taon na sa high school. So kung hindi pa kami gagawa ng paraan ngayon, hindi na kami mabibigyan ng iba pang pagkakataon. Si Gio. Hinintay namin syang lumabas ni Paris sa cr at kinausap kung pwede nya bang isayaw si Kloe. Kilala naman nito si Kloe kaya hindi kami nahirapan at dahil likas na mabait at gentleman ito, ay nainitindihan nya na "aayain nya si Kloe", at di basta aayain lang dahil hiniling namin. Hindi nga kami nabigo sa aming plano. Isa yun sa mga hindi namin makakalimutang magkakaibigan. Isa yun sa mga pinakasweet na nagawa ko para kaibigan ko.
Hinanap din namin si Robert para naman kay Paris. Nagsayaw din ang dalawa. Nagisip din ang dalawa kong kaibigan na hanapin yung special guy para sa akin. Si Kuya Jinn daw. Nagulat ako. Bakit sya ang naisip ng mga kaibigan ko. Sa dami ng naging crush ko bakit sya ang naisip nila. Siguro dahil alam ng mga kaibigan ko na "iba" sya sa lahat ng naging crush ko. Alam nila ang pilit kong tinago at pilit kong nililimot na nararamdaman para sa kanya. Time's up. Tumunog na ang malaking orasan. Kailangan ng umuwi ni Cinderella.
Gabi na at hinihika na din si mama. Hindi nya na ko kayang hintayin. Ayaw din naman nya na iwan ako at hayaan akong mag-isang umuwi. No choice kung hindi umuwi at sumabay na din ako sa kanya pauwi. Nagpaalam na ako kela Kloe at Paris. Nalulungkot ako. Yung nabuong pag-asa sa akin kanina, nawala ng tuluyan. Kahit konti hindi naging katulad ni Cinderella ang gabi ko. Walang fairy godmother. Walang Prinsesa. Walang Prince Charming. Walang magic dance. At walang magic kiss.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...