Prologue

5K 107 8
                                    




"Reese!"

I was busy applying a lip tint on my lips when my bitch of a friend nudged me annoyingly. Bwiset naman! Ang bastos talaga ng ugali kahit kailan. Muntikan na tuloy akong mag-mukhang clown. Napa-iling nalang ako sakanya habang nangungunot ang aking noo'ng nag-concentrate ulit sa paglalagay ng lip tint sa aking mga labi.

"Oh?" I asked nonchalantly and gave her a quick glance after applying my favourite lip tint on my lips, my right brow arched at her. She was sipping on her mocha frappe and her bitchy face tells me that she did that on purpose, to mess up with what I was doing. Hayop na 'to!

"Nabasa mo ba iyong post ni anes? Halatang ikaw ang pinaparinggan, ha?" Aniya sabay maarteng ipina-ikot ang mga mata. She's scrolling on her phone and I couldn't also help but roll my eyes. Nag-post na naman si Princess. At ako talaga ang pinapatamaan niya at ng mga alipores niya. Dedma lang tayo at hindi natin ibaba ang level para patulan sila. Gosh! I will never stoop that low. I am not a kid anymore. Gosh!

"Oo! Kanina ko pa nabasa. Social climber raw ako at inasar pa akong batang hamog—" Ni-hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sumabat na siya sa sinasabi ko.

"Which is true naman, Mhie. Anyways, may pills kapa ba? I'll order na kasi tonight. Isabay ko na 'yong sa'yo. Bayaran mo nalang ako if may pera kana."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hayop! Hindi ko napigilan ang sarili kong hilahin ang kanyang buhok. Suminghap siya at napa-aray bago ako tiningnan, matalim ang tingin.

"Shuta ka! Ako ang best friend mo at hindi ang tampalasan na iyon!" Naiinis kong sabi kaya ngumuso siya, pinipigilan ang sariling matawa.

She smirked. "Sorry na nga." Sarkastikong aniya kaya napa-iling nalang ako at ibinalik sa make up pouch ang lip tint bago ako tumingin sa labas. Nasa loob kami ng Starbucks at hinihintay na tumila ang ulan. Madilim na ang langit kaya tiningnan ko ang relo kong pink na Hello Kitty sa aking palapulsuhan. Sa tiangge ko lang ito nabili! Ang cute kasi.

"Ano? May pills kapa ba?"

"May pang isang linggo pa ako kaya oo, isabay mo na ako. Bilhan mo na rin ako ng pampa-fresh. Sobrang stressed ako these days!" Pinaypayan ko ang aking sarili.

"May tubo ito ha?"

Inirapan ko siya at tumango nalang. Habang nag-oorder siya ng aming HRT ay may lumapit sa aming mga kakilala from school. Natapos nalang ang chikahan ay hindi pa din tumitila ang ulan. Walang katapusan! Leche!

"Reese, ano daw Instagram mo? Tinatanong ng kaibigan ko?" Tawa ni Tan bago hinawakan ang kasamahan niya na hindi ko kilala sa magkabilang balikat. Namula ang mukha ng lalaki at kumawala sa hawak ni Tan. Kakalapit lang nila sa pwesto namin at amoy ko na agad na may pakay talaga silang dalawa. Susmaryosep!

Kaklase ko si Tan sa Education. Agad kong natanto na sa Engineering department itong kasama niya dahil sa lace ng ID nito nang mapa-baling ang mga mata ko doon.

Hindi ka naman cute, Kuya, para umarte ng ganyan sa harapan ko. Charot! Cutie naman siya, hindi ko nga lang type. Mapili lang talaga ako sa mga lalake. I have types too, you know?

Dedma.

"Hi, Reese. I'm Art." Aniya sabay lahad ng kamay na agad ko namang tinanggap. I gave him my socials too. Kung momol buddy lang ang hanap niya ay gora ako. Sino ang first kiss ko? Walang iba kung hindi si David, ang best friend ko slash naging ex-boyfriend. High school kami naging magka-sintahan. Things didn't work between us so we just remained as friends. We are not toxic, until now, magkaibigan pa rin kaming dalawa.

But after our break up, wala na akong ibang naka-relasyon. Some men just don't swing that way and I understand.

Naalala ko na naman si Sophia, ang chararat na 'yon. Miss ko na rin siya. Jusko! Kaming tatlo ang magkakasama noon sa St. John the Apostle Academy nung Elementary kami. Ako, siya, at si David.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon