Chapter 8

1.6K 75 4
                                    




"Mayaman 'yan, gago. Hindi ka papatulan niyan, pinagurado," Halakhak nung medyo malaman na lumapit sa dalawang manyakis niyang mga kaibigan, na may kasamang lalakeng kumakain ng burger. Unlike the rest of his jejemon friends, mestizo siya. Namumula ang kanyang kutis dahil sa init ng araw.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan ang katawan niya. He's also shirtless. May maninipis na buhok sa kanyang ibaba ng kanyang pusod pababa. Aba? May karog na agad. Aside from his handsome face, wait? Handsome? I shrugged my shoulders when my eyes looked up at his face to check if he's really handsome. Okay, I admit it. He's a really good looking guy. Anyways, aside from being handsome, he also has a great figure. Malapad ang kanyang mga balikat at sakto lang ang laki ng kanyang mga muscles sa katawan.

Pero parang ang asim niya?

Naririnig ko tuloy ang boses ni Vienne sa isip ko. I shouldn't judge people just because of what they look like outside. Ika nga niya; Don't judge the book by its cover.

Whatever, supot. Kimi.

Bigla kong naisip ang figure ng kapatid kong si Sergio at ikinumpara sa lalakeng ito, they have the same physique. Baka ka-edaran lang ng mga jologs na 'to ang mga kapatid ko? Gosh! I could never imagine my brothers acting like them. Mga halatang basagulero at tambay!

Mga geng geng dude na pariwara sa buhay. Bakit kaya nila sinasayang ang kanilang life? Hays.

Kumunot ang noo nito at tinanong kung sino ang pinag-uusapan nila. I'm here! Iyong pinagpapantasyahan ng mga kaibigan mo. Eme.

Nginuso ako nung lalakeng kanina pa ako minamanyak. The guy who's eating a burger immediately found my eyes.

Natigilan ako nang magka-titigan kaming dalawa. Wait...

Parang nakita ko na siya? Pero saan nga ba?

Alam kong nakita ko na siya! I just don't remember when. His intimidating dark eyes seeped through my bones because of how intense they were. Bakit parang hinahalukay naman niya ang buong pagkatao ko? Jusko!

Hayae na nga. He's not that important naman. Eme.

"Kasama ang tatay, hindi mo mapopormahan 'yan, Jap." Sabi nung pinaka-matangkad sa kanilang tatlo na kulot ang buhok at payat ang katawan. May tattoo siyang gagamba sa kanyang tagiliran.

"Mga tipo mo, Deo!" Halakhak nung malaman na lalake na tinapik pa ang balikat nito. Oh? Siya iyong Deo?

Deo? Deodorant? Kimi.

I bet they need deodorant, kahit medyo malayo sila sa pwesto ko ay amoy na amoy ko na ang kaasiman nila. Charot!

And are they even whispering? May nalalaman pang palagay-lagay sa tainga ang kamay, dinig na dinig ko naman ang kanilang sinasabi.

"Ano naman, boy? Sa gwapo kong 'to? Tsk!" Umamba itong hahakbang papalapit sa akin ngunit may humarang ditong babae na morena at halos labas na ang kanyang singit sa suot na pekpek short. She wrapped her arms around his nape and kissed him on the lips. Gusto kong matawa nang sumama ang timpla ni intsik.

I put on a resting bitch face, pretending that I don't hear their conversation.

"Babylablab!" Callsign nila 'yon? Ang cringe...

Ganito na rin pala ang mga babae sa Bicol? Kimi. Who am I to judge? I was born and raised here in Bicol.

"Let's go, anak," Umusal si Papa ng pasasalamat sa tindera nang matapos nitong i-abot ang sukli sakanya. Isang beses kong pinasadahan ng tingin ang mga binatilyo, tapos doon sa lalaking may maiitim na mga mata na Deo ang pangalan at nahuli kong naka-titig ito sa legs ko. Oh my gosh? Why is he staring at my beautiful smooth porcelain legs? Ew! May mga babae na silang mga kasama na halatang mga jejemon girls, kasama sila nung babaeng humalik kay intsik sa labi.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon