You have reached the epilogue of this story. Thank you for joining me on this journey. I hope you found inspiration and connection in these pages. Stay tuned for the next installment, where new adventures await! Until next time!———————————————————————————
Content Warning: This story contains explicit scenes, strong language, violence, drug use, and depictions of murder. Reader discretion is advised.
"Sins of the Rebels." Inulit ko ang kaniyang mga salita, unti-unting lumalapad ang ngiti sa aking mukha. Sumilay ang matamis at banayad na ngiti sa kaniyang matatamis na labi, ang kaniyang mga matang hugis-usa at kulay light brown ay marahang pinagmamasdan ang aking mukha, kumikislap sa mga luha ng kaligayahan.
Marahang hinaplos ng kaniyang maliliit at malambot na palad ang aking mga pisngi, dumausdos pababa sa aking panga, na para bang inuukit sa kaniyang isip ang bawat linya ng aking mukha. Sa sandaling 'to, isang matinding init at pagmamahal ang bumalot sa aming dslawa, itinataboy ang mga anino ng nakaraan.
Ang mga lumipas na buwan ay parang mga hininga ng tagsibol pagkatapos ng mahabang, malupit na bagyo. Mas magaan ang hangin, maaraw, na para bang ang bigat ng lahat ng aming pinagdaanan ay tuluyan nang nawala, nagbigay-daan sa pag-asa.
Ang mga sugat, nakikita man o hindi, ay naroon pa rin, mga paalala ng aming mga napagtagumpayan at ng pagmamahal na nanatili sa kabila ng lahat nang nangyari.
"My handsome rebel..." She whispered softly.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, at isang alon ng emosyon ang bumalot sa akin. Ayaw kong makita siyang umiiyak, nasasaktan ako, kahit pa alam kong ang mga luha niya ay dulot ng kasiyahan at ginhawa na magkakasama na kami, wala nang banta, wala nang panganib.
Ang alaala ng trahedyang hinarap naming dalawa noon ay patuloy na bumigat sa aking isipan...
"Ayaw kong nakikita kang umiiyak, misis ko..." Pag-amin ko, ang tinig ko ay nanginginig.
Kumikirot ang puso ko at naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang mga namumuong maiinit na luha na nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga matang nagpahulog sa akin.
Ang mga alaala ng pinagsamahan naming sakit ay mabigat pa rin sa hangin, isang paalala ng lahat ng aming nalagpasan kahit pa nagkahiwalay kami ng ilang taon.
Umiling siya at tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang kanang mata. "Masaya lang ako, masaya lang ako na tapos na ang lahat, Uno... hindi na natin kailangan pang itago ang ating pagmamahalan..."
At this moment, I made a vow to myself that it would never happen again. I would protect her, keep her safe in my arms, and shield her from every danger that lurked out there. No one, and nothing, would stand in the way of our love again.
I couldn't help but admire her beautiful face, framed beneath me. Her beauty was otherworldly, like something only the gods could create. I could feel the eyes of every man in the room on her, captivated, drawn to her like moths to a flame. And while I understood their admiration, a fierce pride swelled inside me as I watched them from a distance.
They could look, but they could never have her. She was mine, and no one, not a single soul, would ever take that from me.
Cian Reese Cansino was all mine. Every part of her.
I leaned closer, gently brushing away a tear that had slipped down her cheek, before capturing her lips with mine in a kiss brimming with passion, love, and promise.
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...