Hinablot niya ang braso ko at pwersahang pinaharap sakanya. I met his dark eyes filled with rage. Ma-drama kong ipinaikot ang mga mata ko at humalukipkip.Lumalaki na naman ang mga butas ng kanyang ilong. Palakihin niya pa! Hindi ko makita ang usok na tandang inis na inis siya!
Gusto ko pa sanang makipag-chikahan kay CJ kaso parang nang-hahamon ng away si Hermideo rito. Ina-angasan niya ito at panay ang ismid niya. Ang lakas pa ng loob na sabihin dun sa street food vendor na ako ang mag-babayad nang kakainin niya. Ang kapal ng mukha niya!
Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang tapusin nalang ang natitira kong kikiam sa plastic cup ko, hindi na rin kumain pa si CJ dahil pinapakiramdaman nalang niya si Hermideo na talagang niyayabangan siya. My gosh...
Ni-hindi man lang ako nakapag-paalam sakanya nang maayos dahil umaaligid si Hermideo sa amin. Panay pa ang flex niya ng kanyang biceps, aanhin naman namin ang biceps niya? Gumamit muna siya ng tawas para naman mabawasan ang kaasiman niya. Charot.
"Ilang linggo na baga ang lumipas bakit wala pa ring progreso ang pag-tulong mo sa akin para makuha ko ang loob ni Reign?!" He spat angrily. "Malapit na ang pasukan! Ano? Panay nalang ba—" I snorted, cutting him off. He frowned at me.
"Deo, diskarte mo na 'yon kung paano mo siya makaka-usap para mapa-lapit ang loob niyo sa isa't isa! That's not my part anymore. It wasn't my plan na maging creepy stalker tayo! Hindi nga dapat natin siya ini-stalk dahil masama 'yon! That's so creepy! I already taught you the basics for you to get her attention. Kailangan mong maging—"
Pagak siyang natawa at pumameywang na umiigting ang pangang sandaling umiwas ng tingin bago niya ako hinarap, mas iritado at desperado ang mga mata.
"Maginoo! May prinsipyo sa buhay! Magalang! Ano pa? Putang inang 'yan! Pinaglololoko mo lang ba ako—"
I massaged the bridge of my nose. "So napipilitan ka lang bang bagohin ang sarili mo? Hindi mo kaya? May isa pang gusto ang mga babae sa isang lalake na gugustohin nila, ang maging totoo sila sa sarili nila! Pero hindi ko alam kung magugustohan ka ba niya dahil..."
He anticipated my choice of words as he gritted his teeth.
"Kung ngayon pa lang na hindi mo ako ginagalang, sa tingin mo ba—"
"Bakit naman kita gagalangin?" Kunot noong tanong niya. Seryoso ba siya sa tanong niya?
Hindi ko tuloy mapigilang matawa. "Deo, mas matanda ako sa'yo! Baka nakakalimutan mong nasa twenties na ako—"
"Parang hindi naman, isip bata ka baga." He tsked and rolled his eyes. My lips parted. Huh? Ako? Isip bata? Well, minsan talagang isip bata ako. Ano naman?
"Still! Dapat nga Ate ang tawag mo sa akin—"
"Ate? O Kuya? Alin baga sa dalawa?" He grinned mockingly. Sinimangutan ko siya.
Dinala niya ako sa kwarto niya dahil inutosan ko siyang ipakita niya sa akin ang kanyang hitsura habang suot ang uniform. Inuto ko na naman kasi siyang nakaka-dagdag points ang mga lalakeng naka-uniporme sa mga sweet girl na katulad ni Reign.
Speaking of Reign, parang nakaka-halata na si ateng na may mga sumusunod sa kanyang mga naka-disguise shoplifter look. Gosh! Ang creepy naming dalawa ni Hermideo, ginawa niya akong stalker!
Kinilabutan ako at ipinilig nang maalala ang mga kahihiyan naming dalawa na nangyari dun sa Watsons. Buti nalang ay hindi na nasundan pa ang kanyang pagiging OA sa pag-hawak ko sakanya dahil in character na siyang in a relationship kami sa mga sumunod na oplan-stalking-Reign-mission niya, na dinamay lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...