"Naging tapat nga ba talaga sa sambayan si Governor Hermilando Mara—" Agad na nilipat ni Sophia ang channel sa TV dahil ayaw niya raw manood ng mga balita, kaya hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ng babaeng reporter sa national news.Makalipas ang Pasko at Bagong Taon, nandito pa rin ako sa ospital, nag-re-recover.
Pero kaya ko nang maglakad-lakad; nakatayo na rin ako nang maayos. Magaling na ang bali ko sa ankle. Naka-arm sling na lang din ako para sa aking elbow na na-fractured at dislocated, at kaya ko na ring gumamit ng banyo nang mag-isa, hindi tulad noon na inaalalayan pa ako ni Mama at ng mga kapatid ko.
Kahapon, nagdala si Mama sa akin ng palabok mula sa Hills and Garden. Bigla kong naalala ang mga bonding moments namin ni David noong natikman ko ang palabok. Si Sophia, ang childhood best friend ko, ay muling bumalik sa aking alaala. Palagi kasi kaming tumatambay sa Hills and Garden pagkatapos ng klase, doon kami kumakain ng meryenda habang nagchi-chikahan.
Hindi niya alam na naaalala ko na siya. Ayaw kong ipaalam sa mga nagmamahal sa akin na unti-unti nang bumabalik sa akin ang mga alaala. Gusto kong maalala ang lahat, kahit gaano pa sila kalapit sa akin, kahit gaano pa nila ako kamahal.
Dahil din sa palabok na iyon, naalala ko sina Papa, Mama, at ang mga kapatid ko. Malaki ang kahulugan ng Hills and Garden sa akin; ito ang aking kabataan. Dito masarap ang pagkain, at dito ko sine-celebrate ang aking birthday at ang birthdays ng mga kapatid ko.
Gusto kong malaman kung bakit nangyari ito sa akin. Lahat ng nangyari, kung paano at bakit ako naaksidente.
Ipinangako sa akin ni Lucio na dadalhin niya sa akin ang bumangga sa akin upang humingi ng tawad. May lead na raw sila; may nakakita sa ginawang hit and run sa akin noong araw na iyon.
Nakilala ko na rin ang lalaking nagdala sa akin sa ospital upang maagapan ang aking buhay, dahil nag-aagaw buhay na raw ako noong mga oras na iyon sa sobrang kritikal ng aking kalagayan.
God bless his kind soul...
Pero bakit? Ano ba ang ginagawa ko sa lugar na iyon? Ano ba ang ginagawa ko sa Bagasbas Boulevard?
Sinabi ni Lucio na kasama ko ang mga kaklase ko, kumakain sa isang seafood restaurant noon kaya hindi na ako nagtanong pa. Ayaw kong sumakit ang ulo ko at makaramdam na naman ng matinding hilo.
Napansin ito ni Lucio, kaya agad niya akong pinatingnan sa aking psychotherapist, na niresetahan ako ng gamot na kailangan kong inumin para pakalmahin ang aking sarili. Ayaw kong dumaan sa pressure at distress na maaaring mag-trigger ng aking Dissociative Amnesia.
Ipinaliwanag din niya na maaaring pilit na gustong kumawala ang mga alaala mula sa aking isipan at baka mawalan ako ng bait kung hindi ko ito kayang harapin. Natatakot ako; ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong mawalan ng katinuan.
Mas mabuti siguro kung hindi ko na alalahanin ang mga alaala na gustong kumawala sa isip ko. Baka tuluyan na akong mabaliw!
Tumingin si Sophia sa akin at ngumuso. "Are you going to watch the news? I'm just so tired of hearing nonstop issues about the Marasigan family. It's been going on for almost five months after nang maaksidente ka..." Inihaga niya ang likod ng kanyang ulo sa sofa.
Five months?!
May nagawa na sigurong hindi mapatawad, huh?
Ang pamilyang Marasigan...
"Hmm? Ayos lang. Anong mga isyu ang kinahaharap nila?" Kuryusong tanong ko, sabay tusok muli ng cantaloupe at kinain iyon.
"Ang dami, bitch. Tapos wala pang eleksyon, ha? Grabe na ang black propaganda laban sa kanila," lumingon siya sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Isang maliit na ngiti ang kumikinang sa kanyang labi. "Naalala mo si Hermideo? Tinuruan mo siya noong nakaraang tag-init. Si Eros? Na naging crush mo! O kahit isa sa mga miyembro ng pamilyang Marasigan, wala ka bang maalala tungkol sa kanila? Wala bang koneksyon sila sa pamilya niyo?" Sunod-sunod niyang tanong kaya napa-isip ako.
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...