"Bitch, may fault ka rin naman pala. Alam mo naman na baliw 'yung Lucio na 'yon, eh, inuna mo pa ang magpa-sarap! Gosh!" Ipinaikot ni Sophia ang kaniyang mga mata sa akin, tamad siyang sumandal sa upuan at sumisimsim sa mango shake niya."I'm not surprised na 'yon ang binoyfriend mo after David. He's hot and definitely your type. Handsome, bulky, and tall," Puna niya, may konting ngisi sa mukha. "Halata ko naman na may something sa inyong dalawa before pa. Parang aso na laging nakasunod sa'yo, tapos 'yung mga tinginan niya sa'yo nung birthday mo sa Legazpi... obvious na obvious! As in, hindi niya maitago. Ikaw din, kung makatingin ka dun sa dalawa nung girl na kasama niya, parang magiging Godzilla kana sa selos," Gosh? Bakit ba ang dami niyang napapansin? Best friend ko talaga ang bilat na 'to. Alam na alam na niya ang likaw ng bituka ko.
Napanguso ako sa sinabi niya. Pero sa totoo lang, tama lahat ng sinabi niya.
Walk out ang eksena ko kahapon sa ospital. Hindi ko na nga lang pinansin 'yung mga bulungan ng mga marites at chismosa naririnig ko that time, wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Ang dami ko nang problema at drama sa buhay, ayaw ko na dagdagan pa kung pakikinggan ko sila.
Inihatid naman ako ni Eros sa bahay kahapon at sinabi ko sa kaniya ang gusto kong mangyari. He protested against my decision but I was already on the verge of losing my mind.
I have been feeling so lost lately. Pulbos na pulbos na ang puso, at gusto ko munang huminga sa lahat, kahit sandali lang. Ang dami ng nangyayari, parang wala na akong matakbuhan.
Nais ko sanang magpahinga mula sa mga alalahanin at sumisigaw na damdamin na tila kumakabig sa akin pababa. Sa bawat araw, parang may dalang bagyong nagwawala sa aking isipan, at ang tanging nais ko lang ay makatagpo ng katahimikan, kahit sa maikling sandali.
Ang mga problema ay tila nagsasalu-salo, at ako'y nauubos na. Sobrang hirap magpatuloy, at nakakapagod na laging nakangiti sa harap ng iba, kahit na ang totoo ay ang bigat na dinadala ko. Kaya naman, sa bawat pagkakataong makahanap ng tahimik na lugar, ang puso ko'y nag-aasam ng kaunting pahinga mula sa kaguluhan ng buhay. Gusto ko lang sanang marinig ang sariling boses ko, ang mga pangarap at pag-asa na tila nalimutan ko na.
Kumakain kaming dalawa ngayon sa Hills and Garden, at chinika ko sa kaniya ang lahat ng mga nangyayari. Sa ngayon, siya pa lang ang masasabihan ko ng mga problema ko sa buhay.
I just had to rewind sometimes, balikan ang mga alaala at damdamin na tila nahuhulog sa aking isipan. Ang bawat pag-uusap namin ay parang isang pahina ng aking kwento na kanyang binubuksan, at sa tuwing nagtatanong siya, ramdam ko ang pag-unawa at malasakit na hindi ko maipaliwanag.
Sa mga simpleng salita niya, nakakahanap ako ng lakas at inspirasyon, at sa mga sandaling iyon, parang ang mundo namin ay nagiging mas maliwanag. Wala akong ibang maasahan kundi siya, at sa bawat tawa at hikbi, nagiging mas magaan ang mga pasanin ko.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya mataray niya akong tinaasan ng kilay.
"O, bakit? Did I say something wrong ba? Tama naman ako, ah. Kaya nga tayo nasa Camsur para makausap mo ang pamilyang 'yon."
Uminit ang mga pisngi ko. Shucks? Dapat hindi ko nalang sinabi sa kaniya ang ginawa namin ni Hermideo sa suite ko, makulit kasi 'tong si Matet at pinilit ako kung ano ang ginawa namin at kung bakit ko kasama ko siya. Hindi naman sa detailed pag-spill ko, sinabi ko lang na nagchukchakan kami. Bakit ba? Eh, tigang na ako nun, si Uno rin.
Hindi namin napigilan ang aming mga nag-aalab na mga damdamin.
"Pero kaloka, ha? Super toxic naman pala ng mga Marasigan. I cannot! Kapag nabuntis talaga ako ni Eros ay tataguan ko siya ng anak—"
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...