Kumakalabog ang dibdib ko sa inis sa punyetang Hermideo na 'yon. Go! Kantutin niya si Madame Bertud sa washroom, binabawi ko na na maganda ang babaeng pakarat na 'yon. Gosh! Ipinapa-mukha niya sa akin na dry ang sex life ko? So what!But true naman. Virgin pa kasi ako. Hihi.
Antagal naman kasi akong ligawan ni Eros, halata namang may feelings siya sa akin. At may feelings din ako sakanya. Torpe talaga. Hinihintay ko nalang na umamin siya sa akin, payag naman akong magpa-ligaw sakanya. Huy! Charot lang!
But seriously, no matter how I liked Eros as a person, hindi ko nakikita sa sarili ko na magiging boyfriend ko siya. Wala pa naman din sa isip ko na pumasok ulit sa relasyon. At lalong ayaw kong ma-involve sa lalaking mabango ang pangalan sa publika at kilala ang pamilya.
Like hello? General ang lolo? Governor ang tatay? Their family is into politics!
Kaya ayos na sa akin na friends lang kaming dalawa. Crush crush lang gano'n. Hihi.
Umingos ako nang naalala ko na naman ang walang modong kapatid ni Eros.
At kung laitin ako ng kapatid ni Hermideo parang kilalang-kilala na niya ako? Sumbong ko kaya siya ngayon? Na may kinakasta siyang babae sa loob ng washroom?
Should I remind him kung paano niya ako tingnan sa palengke noon? Siguro nung time na 'yon, hindi pa niya ako kilala. At paniguradong iyong lolo nila ang dahilan kung bakit niya nalaman na part ako ng rainbow community. That old man has a big mouth! Eme.
He'll surely get in trouble if ever na isumbong ko talaga siya! Ipa-rehab ulit nila nang tumino na talaga! Chariz lang.
Isang beses kong nilingon ang Hacienda bago ako umirap ng bongga. I rolled my beautiful big doe eyes with poise and graciousness. A good looking bitch don't gonna worry. Ano naman kung bading ako? Ano naman kung tinatago ko espada ni panday sa thong ko?
At least hindi ako kaladkarin! Well, minsan lang. Hindi ko ba aminin?
For sure na binabarurot na niya ang chararat doon. Mabuntis niya sana tapos maging bakla ang anak niya! Para naman maunawaan niya ang nararamdaman namin kapag minamaliit kami o binabastos dahil lang sa aming kasarian.
Sinalubong ako ni Eros na nag-aalala ang gwapong mukha. It must have been evident on my facial expression so I cleared my throat before smiling m at him.
"Bakit?"
"It's nothing, uh, si Hunter—"
May biglang umakbay sa akin na braso kaya napa-baling ako rito. Dumaan ang iritasyon sa mukha ko pero agad iyong nawala nang makita ko ang hitsura ni Hunter na malaki ang ngisi habang naka-tingin kay Eros na kunot na kunot ang noo at salubong ang makakapal niyang kilay.
"Heard you're looking for me, Reese? Bakit?"
"Ah, kasi—"
Bumaba ang mga mata sa akin ni Hunter at bumilog ang mga mata niya at umawang nang bahagya ang kanyang bibig. He stared at my face so intently that I had to move and was about to push him because he was too close, hindi na ako kumportable lalo na nang mas inilapit niya ang kanyang mukha pagkatapos yumukod.
I grimaced when he pulled me even closer using his arm, kasi nga naka-akbay siya sa akin, as he scanned my face with his stunned eyes. Tinulak ko ang kanyang pisngi gamit ang hintuturo ko. Feeling close naman 'to!
Pero keri na, pogi naman siya tapos yummy rin wny katawan. Pwede na maging kalaplapan. Chariz!
Malandi ba ako? Crush ko pinsan niya tapos ngayon sasabihin ko na pwede siyang maging kalaplapan?
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...