Warning: SPGInilapag ko sa mesa ang niluto kong bacon at sunny side up eggs katabi ng fried rice na may hotdog at baloney. Maaga akong nagising ngayon kaya naman ako na ang nag-luto ng umagahan namin. Hindi pala maaga, hindi ako makatulog ng diresto kagabi dahil kay Hermideo!
Ang ending? Putol-putol ang tulog ko kaya nag-pasya nalang akong bumangon at kumilos nang mag-alas kwarto na ng umaga. Thirty minutes lang ata akong bumalik sa tulog pero naalimpungatan ako dahil nanaginip ako na nahuhulog. Gosh.
Gosh! Sinadya niyang ihulog ang baso sa sahig, hindi 'yon aksidente lamang. He's not smart for nothing! He did it on purpose! To describe behind the saying that superstition meant about glass breaking or whatsoever.
Pero ngayon ko pa lang narinig na bad luck pala kapag may nabasag na salamin, o baso. Ni-search ko pa kagabi sa Google ang mga pamahiin dito sa Pilipinas.
The goosebumps I felt last night reading all of those superstitions came back to me again. I hugged myself and let out a shaky breath. Anywho, hindi ko naman sinasabing hindi ako naniniwala sa mga pamahiin.
Naniniwala ako sa pagpag, sa sukob, lalo na sa tabi-tabi po, sa pagkatok ng tatlong beses sa kahoy, dahil uso rito sa probinsya ang mga nuno sa punso o mga nilalang na hindi nakikita dahil noong bata pa ako ay dinala sa magaling na albularyo si Lolo Salvador, sumasakit kasi ang balakang niya pababa sa paa noon at wala namang makitang findings ang mga doktor sa lagay niya, niresetahan lang si Lolo Salvador ng pain reliever pero hindi naman epektibo dahil mas lumala ang pananakit ng kaliwang paa ni Lolo Salvador kaya iminungkanghi nalang ng doktor kina Papa na ipa-confine nalang si Lolo Salvador.
May nagsabi naman kina Papa sa ospital na sa albularyo dahil si Lolo Salvador, napansin kasi nito ang pamimilipit at kakaibang sakit na nararanasan ng matanda.
Long story short, ang dahilan pala ng pananakit ng kanyang kaliwang paa ay dahil natamaan ni Lolo Salvador ang hindi nakikitang nilalang ng itak nang mag-tabas siya ng mga damo sa haligi ng Hacienda. Na tinatawag nilang naligawan or something. I don't remember the scene much because that was years ago, kaya nga ang laging paalala sa amin ni Lolo Salvador ay mag-sabi ng tabi tabi po sa mga lugar na hindi kami pamilyar.
Biglang gumaling si Lolo Salvador sa isang hilot lang ng albularyo, grabe ang pawis niya nun kasi isinama ako ni Papa kaya nakita ko kung paano siya hilotin nung albularyo, talagang humihiyaw sa sakit si Lolo Salvador pero wala na siyang nararamdaman na sakit sa kanyang kaliwang paa pagkatapos.
At dahil sobrang tanda ni Lolo Salvador ay palagi na ako nitong gustong kasama, kaya sobrang malapit ako sakanya hanggang sa huling hininga niya.
Bigla ko tuloy naalala na hinawakan nung albularyo ang kamay ko at tiningnan ang aking palad, hinahaplos haplos nang marahan ang bawat linya sa palad ko at tandang-tanda ko pa ang sinabi niya sa akin. Akala ko pa naman kaya niya in-offer ang kanyang kamay sa akin kasi gusto niyang makipag-handshake.
Inangat ko ang kanang palad at tinitigan iyon nang pumasok sa isip ko ang ginawa ng albularyong 'yon sa akin, sampong taong gulang ako nun. Bumalik kasi ako sa loob ng bahay nito para maki-ihi nang papaalis na kami nila Papa at umuwi na pero tumawag ang kalikasan, ih.
"Ginagamit mo ang pinaka-makapangyarihang kagamitan na mayroon ka, ang iyong isip at ang iyong puso. Palatuntunan sila para sa iyong pagkatao, kabiguan at sakit na mararanasan mo. Kaya gamitin mo sa maayos na paraan ang iyong isip at maging wais, sundin mo ang sinasabi ng iyong puso at huwag mong pigilan ang sininigaw nito." Tango nito sa akin nang i-angat niya ang mga mata sa mukha ko. Naguguluhan ko lang tiningnan ang albularyong matanda. Ano raw? Anong sinasabi niya? Naki-ihi lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...