Chapter 14

2.3K 104 10
                                    




I woke up the next day feeling energetic. Kaya naman habang nag-aayos ako ay kausap ko ang kaibigan ko sa video call sa Messenger. Himala, active ang mga chararat. Kitang-kita ko mga recent post nila sa social media kasama ang family nila.

"Tell us more about what happened in the party! At Anong ginawa niyo sa Calaguas Island?! Gosh! Kababayan mo lang pala ang 'yang dream guy mo," Kinikilig na sabi ni Serena at sunod-sunod ang pang-uusisa niya kaya mahinang natawa si Vienne na nagbabasa na naman ng Manga. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok gamit ang aking mga daliri matapos ko itong i-blower. Smooth and manageable! Baka Sunsilk 'to?

Ano? Hindi pa satisfied sa fairytale-like storytelling ko? Eme.

I smirked, not planning to spill more. "Nasa Baguio ka ngayon 'di ba? Padalhan mo naman ako ng strawberries!" I changed the topic, making her scrunched her nose at me.

"That's it? Hindi kayo nag-sex? Ang hina mo naman pala sa crush mo—"

"Sa panaginip ko kami nag-sex..." I sighed dreamily as I rested my chin on my palms. Pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ni Eros. Alam na alam ko na i-handle ang kabastusan ni Serena. Palibhasa kasi laspag na siya. Eme.

"Serena..." Sita ni Vienne na umismid kaya humagikhik si Serena.

"Joke lang! Ano? Hindi na mabiro, Ven?"

My cheeks flushed when I remembered our call last night. Ano ba naman 'yan! Wala naman kaming label tapos ang lakas ko mag-daydream na kami? Eh, crush ko lang naman siya! Gosh.

Lalabas ulit kaming dalawa ngayon ni Eros, kasama ang pinsan niyang si Hunter at si... Hermideo. Kakain kami sa Hills and Garden for lunch tapos gagala sa SM Daet. Ewan ko ba kung bakit hindi ko ma-solo si Eros, paano ko siya chuchupain kung palaging may kasama? Laro! Kimi lang.

Lumipad na naman ang mga paru paru sa aking tiyan. I squealed like a little girl kaya naman inokray na ako ng mga kaibigan ko. And random ko raw tumili ng impit, ih. Ayon, hindi ko na napigilan na sarilinin ang kilig ko kaya todo support ang mga bading sa akin.

Umamin na raw ako na gusto ko si Eros? Hay naku! Baka mabalitaan nalang nila na dedu na ako, dahil ipina-ligpit ako ni Heneral Marasigan, na lolo ni Eros. Shucks! Katakot...

"You should never beg for attention, Serena. Tapos sabi nga ni Reese, trust your instincts. If you feel something is wrong, confront agad." Pangangaral ni Vienne sa kaibigan naming may bago na namang kausap at ine-entertain, not that I want her to settle again. It's just that, we haven't met the guy in person pero nakita na namin ang hitsura dahil pinakita niya sa amin ang litrato and now she's asking for our advice again, na hindi na naman niya pakikinggan. Kausap na pala niya 'yung lalake, matagal na. Ngayon niya lang nasabi sa amin.

Ngumuso si Serena haban pinaglalaruan niya ang kanyang buhok. Sa huli ay bumuntong-hininga siya at tumango-tango.

I cocked my head to the side. "Just don't put yourself in a situation where you have to settle for less than you deserve, okay?"

"And besides, hindi pa naman kayo, right? For your peace of mind, kausapin mo siya and ask him what's really up between you two," Gatong ni Vienne.

As usual, sa dating app na naman niya nakilala ang kausap niya ngayon na sa Ateneo raw nag-aaral. Mukhang playboy, ih. Tapos ngayon, nag-open up siya na dalawang araw na silang walang communication nung lalake. Busy daw. Hay nako, tanga talaga nitong babaeng 'to kahit kailan. May hinuna na siyang may iba nang kausap 'yung lalake ayaw pa makinig sa instinct niya! Boba talaga sa lalake kahit kailan.

"Kaysa naman sa mahulog ka na naman sa flowery words na sasabihin niya, ano? Isang sorry? Dahil massive ang penis, forgive agad? Don't be like that, Serena. Pahalagahan mo worth mo kasi 'di mo deserve 'yan. Honestly, bare minimum lang naman ang attention na binibigay sa'yo," I said.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon