Chapter 25

2.5K 133 37
                                    




Hinampas ko ang lamesa ng matandang chief officer na malaki ang tiyan tapos kalbo na humuli kay Hermideo at talagang ipinahiya ito sa madlang nakiki-chismis kanina. "Pero, Sir! Iyong snatcher po dapat ang parusahan! Kaya po nagawa ni Hermideo 'yon—" Agad akong pinutol ng pulis na mukhang iritado na sa akin dahil sa paulit-ulit na pangungusap ko.

"Ma'am. Hintayin nalang ho natin ang guardian niya na dumating dito para maasikaso ang pag-laya niya. Assault and Battery ang kaso ng batang 'yon at muntikan pa niyang mapatay iyong tao." Aniya sa matigas na boses, "Paano pa kung napatay niya ang sinasabi mong snatcher? Homicide case na 'yan."

I gritted my teeth. He has a point pero bakit parang mas pabor pa siya sa side nung snatcher?

"Ang mabuti pa, umuwi ka na lang, Ma'am. Ka-ano ano mo ba—"

Hinampas ko ulit ang lamesa niya sa inis kaya napa-atras ang kanyang swivel chair habang may banta ang mga mata niya sa akin.

Ako pa tatakotin niya? Does he even know who I am?! Does he know that I am Amor Powers?!

Baka gusto nila matikman ang batas ng isang api nang makita nila?!

Eme lang...

"He's my boyfriend. Kaya nga dapat hindi siya ang naka-kulong dahil niligtas niya lang ako sa punyetang snatcher na 'yon! Bagal niyo kasing kumilos, parang 'di mga pulis..." Bulong ko sa huling sinabi bago padabog na tumayo sa silya at pa-irap na pumihit para talikuran ang mayabang na chief officer kuno na kanina ko pa pinapaki-usapan. Hindi ko alam kung tama ba na pinosasan nila si Hermideo habang sinusubsob nila ang mukha nito sa semento.

And as expected, kagaya sa mga palabas ay huli na silang dumating.

Sa gilid ng mga mata ko ay sinusundan ako ng tingin ng mga kasamahan niyang pulis. Dedma.

Lalabas na sana ako ng opisina nila nang marinig ko pa ang halakhak nung bwiset na pulis na sobrang kintab ng ulo. Pwede na maging salamin.

"Hindi lahat, Ma'am, eh, dinadaan sa dahas. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang isang marangal na pulis. Hindi mo pa naiintindihan ang batas, hija. Kaya sana manuwaan mo—"

"Cian!" And as the best actress of year award goes to Sophia. She entered the premises of the building with a dramatic makeup look and wearing a luxurious skimpy dress, behind her was Tita Annette who rolled her eyes because of how dramatic Sophia was.

Malakas na suminghap si Sophia habang namimilog ang kanyang mga mata at dumapo ang kanyang kamay na may mahahabang gel coffin-shaped nails sa bibig niya.

She ran over to me and checked me from head to toe. "Oh my gosh! What did you do? N-Naka-patay ka ba? Bakit may bakas ng dugo ang iyong uniform!"

Naluluha niyang pinagmasdan ang mukha ko, halata pa sa mga mata ko ang pamumugto dahil sa matinding pag-iyak ko kanina habang yakap-yakap ko si... Hermideo.

"Sophia—"

"We'll contact our lawyer to help you! Nasabi mo na ba ito kina Tito Efren? Kay Tita Carol? What did they say? Papunta na ba sila here?!" Exaggerated at hysterical niyang tanong sa akin kaya umirap ako sakanya bago humalukipkip.

"Hindi—"

"Hindi mo pa natawagan?! Wait! Let me call them for you! Don't worry, I'm sure naman na maiintindihan nila ang nagawa mo. You're their child!" Ilalabas na sana niya ang kanyang phone sa kanyang sling bag na pumipilantik pa talaga.

My eyes widened and snatched her bag away from her. "No! Hindi na kailangan! At ano bang sinasabi mong naka-patay ako? Do I look like some sort of a murderer to you? Na matagal mo nang best friend? Ako ang naabsuwelto dahil muntikan na akong manakawan kanina!"

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon