Chapter 3

1.9K 78 15
                                    




Lumabas na kami ni Ma'am Lumabe ng room matapos niyang ipakolekta sa akin ang portfolio bago matapos ang klase. Sinasabayan ko siya sa paglalakad habang kwento siya nang kwento sa akin noong dalaga pa siya. Iisipin na siguro ng iba na sipsip ako. Haha!

At sa tuwing may dadaan na mga guro ay napapahinto siya at nakikipagusap. Grabe naman kasi makipag-chikahan si Ma'am Lumabe, parang walang bukas! Hello? I have a lot of things to do po! Hindi lang kayo. Punyeta.

Sa gitna ng usapan nilang dalawa ni Sir Avellana ay binalingan ako nito kaya tumuwid ako ng tayo at ngumiti sakanya.

"Babaeng-babae na, ah? Ang ganda mo na, Reese." Puri niya matapos niyang pasadahan ng tingin ang aking kabuoan. Tuloy-tuloy na sana kami nang tinawag niya si Ma'am Lumabe kanina papatungo sa faculty room. Pero heto, nahinto na naman kami sa tapat ng gymnasium at na-eenganyo na namang makipag-chikahan si Ma'am Lumabe.

Napansin kong tumagal ang mga mata ni Sir Avellana sa aking skirt, o guni-guni ko lang 'yon. Phys-Ed teacher ko siya noong first year college ako. At talagang hirap na hirap ako noon! Puro lalake pa ang mga kasama ko sa gym. Kapagod makipag-plastikan at maki-sama sa mga lalake, akala mo naman eh mamanyakin sila dahil lang sa bading ako? Excuse me? I have preferences and I am not that cheap para manyakin sila. Kakapal lang ng mga mukha. Sa awa naman ng Diyos ay naka-pasa ako. Kinaya at pinilit ko talaga nang hindi ako nagiging borta. Char!

"Salamat po, Sir!" Nahihiyang sabi ko. Hala? Napansin niya kaya na sobrang iksi ng palda ko kumpara sa ibang students na babae rito? Nanlamig ako. Tumagal kasi ang mga mata niya roon. Hindi guni-guni. Naka-tingin talaga siya sa skirt at legs ko. Pinagpapawisan tuloy ang mga palad ko nang dinilaan niya ang kanyang labi. Baka pagalitan niya ako! Susmaryosep naman!

Bumaling si Ma'am Lumabe sa akin. "Itong si Reese ang pinaka-paborito ko sa aking klase, matalino at maaasahan mo talaga!" Oh see? Siya na mismo ang nag-sabi, pag ito ay nalaman ng ibang tao ay iisipin na talaga nilang sipsip ako. Haha.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko. Sa akin na kasi naka-tuon ang kanilang atensyon at panay na ang tanong sa akin ni Sir Avellana ng kung ano-ano. Kaloka. Hala... bakit parang nasa hot seat ako? Nauuhaw na ako! Nabibigatan na rin ako sa mga dala kong portfolio kaya inayos ko ang pagkaka-yakap dito sa aking mga bisig.

"May boyfriend ka na ba, Reese?" Nang-uusisang tanong ni Sir Avellana sa akin habang nilalaro niya ang kanyang pang-ibabang labi gamit ang kanyang forefinger. Bahagyang kumunot ang noo ko. What's up with people ba? Bakit love life ang nasa isip nila?

Umiling ako at idinaan nalang sa tawa ang iritasyon sa naging tanong niya. "Wala po, Sir... wala pa po sa isip ko ang love life," I smiled at him.

"Gano'n ba? Imposible namang walang manligaw sa iyo, sa ganda mong 'yan. Sexy pa." He grinned widely, showing his set of pearl teeth. He slowly raked his eyes on my body once again. From head to toe. Umangat ang mga mata niya sa akin at kumindat. My lips parted. The way he rizz tells me that he's trying to hit up on me. What the fuck?

It felt uncomfortable. Tumuon ang mga mata niya sa naka-awang bibig ko. Inipit ko ang ilang hiblang tumatakas na buhok sa likod ng aking tainga nang humangin ng malakas. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang naramdaman, he's known to be a playful teacher after all.

"Bolero ka po pala, Sir!" Biro ko kaya natawa si Ma'am Lumabe.

"Sir Avellana!" Sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa pamilyar na malalim na boses na iyon kaya namilog ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang hitsura. Si light brown eyes! At papalapit siya sa amin ngayon. Naka-suot ng jersey at...

Halos tumulo ang laway ko dahil inihahain niya sa mga mata ko ang naglalakihang mga biceps at triceps niya. Sarap niya, punyeta. Papalapit siya sa amin habang naka-ngiti kay Ma'am Lumabe. Kahapon lang ay nakita ko siya sa bahay nila Denzel! Hindi ko naman talaga siya tinanong dahil hindi makapal ang mukha ko. He's just a crush!

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon