Chapter 58

1.6K 96 7
                                    




The moment I heard the words leave Eros's mouth, my heart shattered, a thousand thoughts racing through my mind. Hermideo was still alive, but barely— trapped in a world between life and death, tethered to a hospital bed.

"D-Dalhin mo ako sa kaniya, Eros. G-Gusto kong makita si Hermideo, please..." I managed, my voice catching on the words, pleading. Desperation clawed at me, raw and insistent, making it hard to breathe.

Eros looked at me, hesitation flickering across his face, and for a moment, I thought he might refuse. But then he must have seen something in my eyes, some feelings I hadn't dared to say out loud. He nodded, his face softening, as though he understood without me needing to explain.

Eros and I entered his car, and the moment I sat down, I felt my whole body begin to shake uncontrollably. My hands trembled in my lap, and I clenched them into fists, trying to hold myself together. But the hollow, icy ache in my chest only seemed to grow, spreading through me until I felt cold all over.

Napansin 'yon ni Eros, at hindi siya nagsalita. Hinawakan lang niya ang kamay ko, ang init ng kaniyang kamay nagbigay ng konting ginhawa sa gitna ng pagkalugmok ko. Pero hindi ko mapigilang muling pumatak ang mga luha ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang mundong dumadaan na parang walang kamalay-malay sa sakit na nararamdaman ko.

Habang nagmamaneho siya, sumiksik sa isip ko ang mga alaala ni Hermideo— ang init ng presensya niya na parang lagi akong pinapalakas. Ngayon, ang ideya na nakahiga siya sa malamig na kama ng ospital, tahimik at walang galaw, ay nagpapabigat lalo sa dibdib ko, at lalong lumalalim ang pangungulila.

Nang makarating kami sa ospital, pinarada ni Eros ang kotse at hinarap ako. Marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Tara na?" Tanong niya, mahina, alam niyang wala talagang makapaghahanda sa akin sa makikita ko.

Huminga ako nang malalim, pilit kinokolekta ang lakas ko para harapin ito. Tumango ako at humakbang palabas ng kotse. Nanatili si Eros sa tabi ko, ang presensya niya nagbigay ng konting lakas habang naglalakad kami sa tahimik na pasilyo ng ospital. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko, ang takot at pangamba na parang bumibigat sa bawat sandali.

Huminto kami sa harap ng pinto ng silid ni Hermideo, at muli akong huminga nang malalim, ang mga kamay ko nakakuyom, pilit pinapalakas ang sarili na maghanda. Naramdaman ko ang kabog ng puso ko, mabilis at malakas, parang hindi kakayanin ang sakit na naghihintay sa loob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at sa pagpasok ko, para bang huminto ang mundo. Nakahiga si Hermideo sa kama, walang kibo, ang mukha niya maputla at tila ba walang sigla. Nakapalibot ang mga makina, bawat tunog nito ay nagpapaalala na kahit nandito siya, parang malayo siya, nasa isang mundo kung saan hindi ko siya maabot.

Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko, at bago ko pa mapigilan, pumatak na ang mga luha ko. Parang wala na akong ibang maramdaman kundi sakit. Lumapit ako sa gilid ng kama niya, hinawakan ang kamay niya, at ramdam ko pa rin ang konting init ng balat niya. Pero malamig pa rin ito, malayo sa Hermideo na kilala ko.

"H-Hermideo..." Bulong ko, ang boses ko basag, puno ng hinanakit at pighati. Hindi ko na napigilang humagulhol, ang mga luha ko walang patid na bumabagsak.

"P-Patawarin mo ako... h-hindi kita n-nailigtas sa k-kasamaan ni Lucio... p-patawarin mo ako kung naging m-mahina ako... kung wala a-akong nagawa..." Garalgal ang boses ko habang nagsasalita, ramdam ko ang masakit na paghapdi ng lalamunan ko, parang nagagasgas na ito sa bawat pagdaing at paghikbi.

My breathing isn't consistent, my heart is failing me. My heart is hurting so bad— so bad that I think I'll have a cardiac arrest right now. The ache in my chest feels overwhelming, as if it's being squeezed by an unseen force.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon