After helping my brothers out with their 'supposed easy-to-do home chores', I went back to my room and busied myself with checking out the dress I was going to wear at the party. Lumipas ang isang oras na umuwi sina Mama galing sa bayan. Lola Evelyn was with them. Hindi nag-tagal ay dumating si Tita Jing at si Kuya Bruno, ang sikat makeup artist at hairstylist na kaibigan ni Mama rito sa Bicol."Ang ganda mo, anak! Ang laki ng ipinagbago mo talaga," Namamanghang puri sa akin ni Tita Jing, ang baklang makeup artist na kaibigan ni Mama. She even offered me to join a beauty pageant. Naalala ko tuloy si Tan, nag-hahanap daw ng alaga ang kanyang Tito sa mga gay pageant. Hello? Maganda lang ako pero hindi ako brainy, okay?
They should seriously stop proposing to me, hindi bagay sa akin ang sumali sa mga pageant na iyan! Gosh.
"Totoo, Madame! Inosenteng anghel ang feslak tapos barbie ang katawan!" Segunda ng hair dresser na bading pero malaki ang katawan. Semi-kalbo siya na blondie ang buhok pero pango ang ilong niya. Siya ang kasa-kasama ni Tita Jing sa tuwing may client sila. Si Kuya Bruno. Big boy na bading.
"Laro kayo, shuta! Hindi ba hulk?" Humalakhak ako habang naka-pikit ang mga mata dahil nasa eyeshadow part na kami.
"Hindi hulk at sayang ang pag-turok ng anti-androgen sa katawan mo!"
"Hindi ko na kinapalan ang makeup mo, Matet. Mas bagay sa'yo ang fresh looking innocent l slash sweet girl," Ani Tita Jing kaya marahan akong tumango dahil nilalagyan niya ako ng matte lipstick na kakulay ng ball gown ko. Dumako ang mga mata ko sa susuotin kong maskara.
Sinimangutan ko siya at mataray na inirapan. "Gosh naman, Tita Jing! Hindi ako si Matet!"
Humagikhik siya bago pinisil ang kanang pisngi ko. "Emerut lang, 'nak." Sabay peace sign niya. Hayop. Hindi wide ang forehead ko, ha? Hindi naman ako si Sophia. Eme.
Muli akong pumikit dahil inabot na niya ang setting spray. Inangat niya ang aking baba. Gusto kong mag-reklamo na nabibigatan na ako sa suot kong mga hikaw. Parang mas bagay sa akin kung 'yung maliliit lang? Hindi ganito na malaki, mahaba at agaw pansin talaga.
"Head-turner kana nito mamaya, baby girl!" Sabi ni Kuya Bruno matapos niyang tanggalin isa-isa ang mga curler sa aking buhok. They did the natural way to curl my hair without using the electronic one. Anong tawag ulit dito? Hair roller?
I love how it turned out at the end, the ends of my black hair were so wavy that it looked sophisticated and elegant. Bumagay nga naman sa inosente kong mukha, kahit na malibog at malandi ako sa kaloob-looban. Charot!
"Ay huwag naman sana!" Biro ko kahit na seryoso ako na sana hindi mangyari 'yon. I don't wanna be a head-turner for Pete's sake! At imposibleng makuha ko ang atensyon ng mga bisita dahil paniguradong madaming kababaihan ang dadalo ngayong gabi na mga kasing-edad ko lang. Birthday ba naman nung Hunter na manyakis at mahangin slash pinsan ni Eros.
Buti pa si crush, hindi manyak. Chupa talaga sa akin 'yon. Eme.
Firstly, for sure lang na madededma sila sa akin dahil alam kong mas maraming magagandang bisitang dalagita kaysa sa akin mamaya. Secondly, I will not even try to stand out in the party! Never!
Tinapik niya ang aking balikat. "Tapos na, ganda. Tingnan mo na ang iyong sarili sa mirror-mirror on the wall," Hagikhik niya kaya hinawakan ko ang aking gown at bahagyang inangat ito bago tumayo pagkatapos ay humarap sa salamin. My lips parted in so much satisfaction. Lantad ang aking mga makikinis na hita, tuhod at binti. Buti nalang ay kinuskos ko ang aking tuhod, ubos na ubos ang libag. Charot.
I paired up my ball gown with a three-inch ankle strap black stilettos.
Mabuti nalang talaga ay nag-exfoliate ako at nag-shave ng bongga kanina. Kaya ang kinis at maputi akong tingnan sa malayuan, sana 'wag na silang lumapit sa akin dahil baka makita nilang magaspang ang balat ko. Charot!
BINABASA MO ANG
Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)
RomanceCian Reese Cansino, a young transgender college student from La Salle, has always been dismissive of love. With a bitter view on relationships, mainly due to her friend's heartbreaks, she focuses on her studies and flirts in her own mind, but avoid...