Chapter 66

2.1K 120 24
                                    




I parked my car beside Hermideo's Wrangler. I unfastened my seatbelt before going out of my car and headed straight to the backseat to grab the cake I had made for Lola Beatrice as a gift.

Lumabas din si Hermideo sa kaniyang sasakyan, at agad siyang naglakad patungo sa akin.

Iniiwasan ko na lang na mapatingin sa kaniya. Hindi ko nagugustuhan ang tinitibok ng puso ko tuwing malapit siya sa akin, tuwing nagtatama ang aming mga mata, at tuwing naririnig ko ang boses niya. Parang may isang pwersang humihila sa akin papalapit sa kanya, ngunit pilit kong pinapalakas ang sarili ko upang hindi magpadala. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero ang pakiramdam na iyon, ang hindi maipaliwanag na kilig at kaba, ay hindi ko kayang ipaliwanag.

Parang bumalik ako sa simula, pakiramdam ko'y para akong teenager muli. Ang mga sensasyon na noon ko lang naramdaman— 'yung kaba, 'yung mga hindi maipaliwanag na nararamdaman— ay bumangon muli. Parang hindi ako natututo, o baka naman natatakot lang akong harapin ang nararamdaman ko.

Ang mga simpleng bagay na hindi ko noon pinapansin ay ngayon nagiging sanhi ng magkahalong saya at takot.

Hindi ba't kasal na siya at may anak na siya? Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit iba ang ipinapahiwating ng mga madidilim niyang mga mata sa akin? Parang may hindi masabi, may hindi maipaliwanag na koneksyon, at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Hindi ko rin alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito, o kung may laman ang mga titig niyang iyon na may ibang ibig sabihin. Ang mga tanong ay paulit-ulit na sumasagi sa isip ko, ngunit wala akong sagot sa lahat ng tanong ko.

I don't want to assume, I don't want to be delusional. I don't want to build up illusions that might not even be true. I don't know if all of this is just a mistake of my mind or if there are things I'm not seeing yet. But the fear of being wrong, of looking foolish, is greater than whatever it is I'm feeling.

The sun was beginning to dip below the horizon, casting long shadows on the driveway, and I could already hear the faint murmur of voices coming from the house. The cake, carefully placed inside the box, sat in the passenger seat, a labor of love I had spent hours perfecting.

Habang kinukuha ko ito mula sa sasakyan, ang pamilyar na amoy ng vanilla at tsokolate ay humalimuyak sa hangin, na nagpaalala sa akin ng mga pagtitipon ng mga pamilya at ang init ng bahay ng mga Marasigan.

"Ako na." Hermideo stepped closer and carefully snatched the box of cake from my arms.

Hinayaan ko siyang kunin ang box at marahang isinara ang pintuan ng backseat ng sasakyan ko.

Namataan ko ang pamilyar na SUV nila Papa, at ang family car namin nila Dad. Hindi ko na kilala pa ang ibang sasakyan na naka-park. Ang mga sasakyan nilang iyon ay nagiging simbolo ng lahat ng iniwasan ko, ng mga bagay na hindi ko kayang harapin— ng pamilya, ng nakaraan, at ng mga hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap.

I silently followed Hermideo as we entered their Hacienda. The trees and plants around us seemed to signal silence, but my mind was filled with questions. As we got closer to the house, I could feel the weight of every step, as if my feet could no longer touch the ground fully.

It's been years since I've stepped foot in their Hacienda. The place had barely changed, yet everything felt different, like time had somehow shifted the way I saw it.

And I could clearly remember the last moment I left this Hacienda with a heavy heart. The image of that day was still vivid in my mind— the final look I gave the house, the feeling of the door closing behind me, and the weight of the words I never said. It was as if leaving this place had meant leaving a part of myself behind, something I could never get back.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon