PROLOGUE
Buong buhay ko alam ko kung anong gusto ko at ano ba ang dapat kong gawin. I like everything to be in order. Ayaw ko ng magulo. Ayaw kong nalilito ako.
Lumaki akong ako ang nasusunod sa lahat ng gusto kong gawin. Iniisip ko ang lahat ng gagawin ko. Bago ko gawin, iniisip ko muna kung ano ang magiging kalalabasan nito.
I don't rush things. Mamadaliin mo ang isang bagay then kapag hindi naging maayos ang kinalabasan, magsisimula ka na naman sa umpisa. 'Yon ay kung may sisimulan ka pa, paano kung wala na? Kaya dapat sa tuwing may gusto kang gawin, ibuhos mo ang buong puso at atensyon mo sa bagay na yun.
Hindi ako naniniwala sa hating desisyon. Your decision must be firm. Kaya nga desisyon ang tawag dahil pinagisipan mo na bago ka pa magkaroon ng desisyon. It make sense, right?
That is why, this is new to me. Bago lahat sa akin ang nararamdaman kong ito. Bago lahat sa akin ang gulo ng utak at pusong mayroon ako.
Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung sino. Basta ang alam ko lang, I can give up my happiness for the one that I treasure the most. Okay nang ako ang masaktan, wag lang sila.
Lumaki akong malakas. Lumaki akong matapang. Kakayanin ko to. Kakayanin ko ang lahat ng ito. Kakayanin ko nga ba?
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...