Chapter 2
"Huy, bakit kabado ang beshy ko?"
Inusisa ako ni Rhyolite na Class President namin habang nagka-klase sa General Mathematics. I wobble in my seat like I was sitting on a bed of pins, worried about lending Jayscen my notes. Each second is making me feel restless. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Ano ba 'to?!
Ngayon ko lang na-realize na ang pangit ng sulat ko kaya ano na lang sasabihin niya kapag nakita niya ang notes ko?! Nakakahiya, Rize!
Nakabukas naman ang aircon, yet here I was, sweating like a popsicle in the sun.
"Pahiram nga ng notes mo sa Reading and Writing," balisa kong tugon sa kaibigan ko.
Pinaningkitan niya tuloy ako ng mata, kumukunot-kunot pa ang kilay. "Mind telling me the reason?" she asked suspiciously.
Napabuntonghininga na lang ako nang wala sa oras.
"What's the answer again, Ms. Guillermo?"
Umupo ako nang diretso mula sa pagkakasandal nang tawagin ako. Ayan, sa sobrang distracted ko, hindi na ako nakinig sa klase.
Okay lang, madali ko lang naman matandaan ang mga numbers at formula sa math, pero kasi, sobrang occupied ng utak ko ngayon!
Tinignan ko ang given problem sa white board at isinolve sa utak ko.
Given:
f(x) = 3x - 2
g(x) = x² + 5
Find: f × gI narrowed my eyes for a moment while looking at it. After a quite seconds, I solved the problem faster than a squirrel on caffein. Phew, basic lang naman 'yon.
Tumayo ako at sumagot. "Ma'am, 3x³ + 15x - 2x² - 10."
Madali ko lang naman iyon isinolve dahil sa FOIL method. Mabuti na lang madali-dali pa ang binigay ng teacher.
"Good. Sit down," she strictly announced. "Next time, ayaw ko nang may sumasagot ng buntonghininga sa klase ko kung ayaw niyong mag-quiz na walang gamit na scientific calculator."
E, ma'am, kaya ko po 'yan i-solve kahit walang calculator.
I mentally shook my head. Good thing I didn't say that aloud.
Malamang narinig niya ang buntonghininga ko kanina. Ayaw ko naman madamay ang mga classmate ko dahil sa kagagawan ko.
Pinaka ayaw pa man din ng teacher namin na hindi kami nakikinig sa subject niya. She's really strict.
'Yan, Rize, napapala mo, kakaisip mo sa notes-notes na 'yan! Mag o-offer ka sa taong nadamay mo sa aksidente tapos ikaw din ang aatras.
Pero kasi, sa dami-raming puwedeng ipagawa ni Jayscen, bakit sa panghihiram pa ng notes?
Sabagay, baka kasi hindi na siya nakapasok ng klase nila kahapon kaya kailangan niyang maghabol?
Ah basta, bahala na ang mga santo at superhero.
"So, bakit parang nerbyos na nerbyos ka r'yan, ha? Gorang-gora ka sa solving kanina pero naging balisa ka na naman," Rhyolite interrogated once again.
"Nevermind, nevermind. Kalimutan mo na," pagsuko ko na lang.
Natapos na rin ang GenMath na second subject sa umaga kaya break time na, saktong tumunog ang bell.
"Pupunta lang ako sa building ng STEM," paalam ko.
Nagside-eye agad ang gaga sa akin pagkatapos ay pinanlakihan na ako ng mata. Luh? Anong problema nito?
"May ibibigay lang saglit, huwag kang ano riyan," agad kong dipensa.
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔️ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an e...