CHAPTER 7

5.1K 136 65
                                    

We Are by One Ok Rock

Chapter 7

"Fighting! HUMSS 11 and 12! Go!"

Parang isang kurap ko lang ang mga pangyayari at nagsimula na agad ang Intramurals.

Pasok sa try-out sina Jester at Davin na volleyball ang sinalihan. Magka-team pa talaga silang dalawa. Magkakahalo naman ng grade level ang bawat team kaya kahit papaano ay patas ang laban.

We were currently watching at the covered gymnasium. Sa kabilang court ang basketball kaya madaming space sa lugar na 'to.

Marami nang estudyante ang nandito, kasama na ako at sina Rhyolite at Jedidah. May hawak pa kaming banner pang-suporta para sa dalawa kong kaibigan na tukmol.

"Ambrocio for back row attack!"

Halos magtatatalon kami nang maka-score sila, hindi ko mapigilang humiyaw-hiyaw. Aba, kahit mahilig manggago ang mga 'yon ay mayroon naman silang ibubuga pagdating sa mga ganitong kompetisyon. Pumuntos na naman ang team nila, halos sunod-sunod na dahil namumuro na si Jester.

"A great save from the libero!" muling komento ng nasa mikropono na ang tinutukoy ay si Davin.

We boasted in cheers and screams when he caught the ball, even from a distance, using his foot to kick it back. He's really fast and quick to react whenever the ball will land at his direction. Gan'yan dapat! Hindi 'yong puro pasaway lang ang ginagawa niya. May use naman ang pagiging malikot niya, 'no.

Tumingin sa gawi namin si Jester at nag-money sign pa siya sa amin. Kumindat pa nga ang loko, akala mo naman ka-appeal-appeal. Pero hindi 'yon para sa akin o kay Jedidah, kay Rhyolite lang.

"Napaka-feeling niya!" singhal ni Rhyolite habang nakahalukipkip kaya tinawanan namin siya.

"Wooh! Ah! Wooh! Ah! Road to Area Meet! Wooh!" sabay-sabay namin na cheer ng iba pang students na sinusuportahan ang team nina Jester at Davin. "ROAD TO AREA MEET!"

Mainit talaga ang labanan dahil competitive ang mga players. They fought tooth and nail, pushing the match to five thrilling sets. Halos mamaos na kami sa kasisigaw nang manalo ang team nila.

As I stepped off the court, I checked the schedule on my phone.

2 PM pa ang badminton.

Gusto ko nang manood sa laban ng badminton!

Ang sabi pa naman sa akin ni Jayscen sa akin ay double ang sinalihan niya. Ka-partner niya 'yong isa niyang kaibigan sa classroom nila.

And guess what? The Battle of the Bands is tonight at 7 PM. Medyo kabado ako pero nawawala rin kapag nalilibang akong nanonood. Ready na ang mga tutugtugin namin na kanta. Tatlong banda ang magpeperform mamaya: Kanluran, Caelus, at Alliac.

It was almost lunchtime, yet the field remained lively with students scattered around since there were still a lot of ongoing matches.

I simply took my phone from my black crossbody bag, dressed in a simple black shirt tucked into my high-waisted wide-leg pants. And then a sleek suit black bucket hat completed the way I look, while a silver watch added a feature to the final touch.

Tinignan ko agad ang Instagram ko dahil mayroong message si Jayscen.

jaysendiego:

Where are you?

Tara nood ng basketball

rizeyourize:

G!! Punta ako dyan sa building nyo wait

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now