Trigger warning: mention of death/suicide.
Chapter 5
"Genggeng Rize, may naghahanap sa 'yo sa labas!"
Rhyolite's call pulled me away from my phone as I rushed to the door and opened it, finding Jayscen standing there while holding my notes for Reading and Writing. I almost stood frozen in place because I wasn't really expecting him to go here. Grabe naman, nambibigla lang? Thank goodness I played cool with it despite my loud heart beat that was already dominating my ears.
He handed me my notes with a gentle smile across his lips, at alam kong nakita niya na kung gaano kagulo ang sulat ko. Mas naghari tuloy ang kahihiyan sa akin kaysa sa kaba. Ngayon lang siya nakakita ng obra ng isang kalaykay ng nokma.
"I'm done with the notes. Salamat." He genuinely smiled.
"Ay, wait!" Natataranta kong kinuha ang maliit na paper bag sa seat ko, halos mabunggo ko pa ang ibang mga upuan. Inabot ko 'yon sa kanya dahil naroon na ang jacket niya.
"Sorry, hindi na siya mabango tulad kahapon." Kabado akong ngumiti.
Nilabhan ko naman 'yon, ano! Kaya lang ay hindi long lasting ang downy namin. Okay na 'yan!
"Okay lang," sabi niya at may dinukot sa bulsa ng slacks niya. "Here, give and take, tapos peace offering."
Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin.
Peace offering?
Para saan naman?! Wala naman akong naaalalang may nagawa siyang hindi maganda.
Inilahad ko ang aking palad at inilagay niya ang tatlong pirasong O'Puff dito. Magkakaibang flavor 'yon: mango, chocolate, and ube.
"Nagustuhan mo raw 'yong graham ball na may O'Puff sabi ni Steve," sabi niya sabay iwas ng tingin. "Pero sa akin galing 'yan."
Bago pa man ako makapagsalita ay dinumog na ako ng mga babaita kong kaklase. Nangunguna sina Jedidah at Rhyolite!
Jayscen took the chance to ditch us as he left me dumbfounded. Damn, what was that?!
Pinagtutulak ko ang mga mukha ng mga babaeng pinagkakaguluhan ako. They're still around, just teasing and prodding me! Goodness, can I get a moment of peace? Just once, please? Hindi na nila ako pinatahimik!
"Sino 'yon, Rize?! BF mo?" intriga ng ibang babae kong kaklase.
"Traydor ka! Akala ko ako lang?!" asar lalo ni Kim.
"Ang pogi, shuta! Anong strand no'n?" Rianne asked aggressively.
"Do'n nga kayo! Issue niyo masyado!" I grunted. "STEM siya."
"Malakas na aircon nila, tapos halatang malakas ka sa kanya. Yie!" Jed poked my waist kaya halos makiliti ako sa ginawa niya.
"Hindi gano'n 'yon. Friends lang kami. D'yan na nga kayo!" Ngumuso ako pero hindi nila ako tinigilan lalo.
As weeks flew by, our studies grew more hectic. Jayscen and I were thrilled to join the Kanluran Band kaya expected kong magkikita kami lagi tuwing may practice. Ngunit dahil organized ang schedule nito, tuwing Tuesday and Thursday lang ang practice ng mga banda.
In-announce na rin ni Rhyolite na marami nang event ang mangyayari sa mga susunod na buwan. Wala naman ang nagbago sa acads, mas lalo lang dumarami ang mga gawain sa bawat subjects. Patong-patong na sila, puwede ko nang akyatin at saka tulugan.
"Malapit na ang Intramurals! Magpalista na ang mga gustong sumali, may additional points daw 'yon sabi ni Sir PE!" bungad ni Rhyo sa classroom.
May hawak siyang mga papeles na siguradong paglilistahan ng mga gustong sumali.
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔️ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an e...