CHAPTER 17

3.5K 82 37
                                    

Chapter 17

"HAPPY, HAPPY, HAPPY HALLOWEEN!"

Nabalot ng maingay at sunod-sunod na pagbati ang covered gymnasium. It was 7 PM and the party was still ongoing. Neon LED lights were everywhere within the gymnasium as well. 

May mga banda pa na kasalukuyang tumutugtog sa stage kaya halos lahat kami ay nakikisabay.

"The Halloween Costume Runaway will be held later! And of course, may pa-premyo tayo sa best costume! Stay tuned!" anunsyo ng dalawang emcee sa stage kaya mas lalong umingay ang paligid.

"Steve, dapat nag-scarecrow outfit ka na lang!" natatawa kong asar sa kanya nang mapadaan siya sa table namin.

Magkakasama pa rin ang bawat section at may color coding ang bawat table namin. Kulay red ang mga table ng HUMSS kaya maa-identify kaagad ang bawat strand dahil ibang kulay din ang sa kanila.

"Correction; taong grasa," mahinang komento ni Jedidah.

Halata talagang mainit ang dugo niya kay Steve. Pero ako lang ang nakarinig ng sinabi niya kaya natawa ako roon.

"Ah, ganoon ba? Dapat nag devil outfit ka, e," asar niya sa akin pabalik at saka diretso nang nagpunta sa table ng mga STEM, which is kulay blue.

Nakasuot lang ako ng black cloak. Inilihis ko pa ang hood nito paalis sa tuktok ng ulo ko dahil medyo naiinitan na ako. Simpleng grim reaper lang naman ang napili kong costume ngayon. I even have a small toy scythe as a prop, adding a touch of spooky charm to the outfit.

Ready na akong magsundo ng mga kaluluwa!

Apat kaming magkakatapat nina Rhyolite, Finnley, at Jedidah sa iisang maliit na table. We were busy eating our treats, puro dessert and choco drinks ang karamihan.

I was busy scanning the whole surrounding as I mouthed the lyrics of the song that was being played at the stage na Beauty and a Beat. Nakikisabay na rin ang lahat.

'Cause all I need is a beauty and a beat

Who can make my life complete

It's all 'bout you when the music makes you move

Baby do it like you do

"Let's party!" sigaw ng vocalist na nasa stage.

Nagtayuan na kami at halos magsalo-salo sa gitnang space ng gymnasium. Nangunguna na na si Finnley na nagba-body rock na dahil iyon na ang nasa kanta.

Todo bigay ang bugok at halos agawin na niya ang atensyon ng mga nagsasaya sa gitna. Nakikipag dance showdown pa sa ibang HUMSS student. Ang realistic din ng mga costume nila! How creative of them.

Soon as the song concluded, we settled back into our own little world again. When I ran out of snacks, I bid farewell to my friends for a while and made my way to the buffet to have my own tiny feast.

Nilagyan ko ng choco macaroons, cookies, at oreo cheesecake ang dalawang plato ko. Kukuha na sana ako ng drinks pero hindi ko na pala mahahawakan.

I was startled by the sight of Jayscen, already standing next to me. He then took out a mug that was on the table and stuffed it with a chocolate drink.

Hindi pa ako nakuntentong nakatitig sa kanya dahil sa suot niyang costume.

Nananagip ba ako?! He was wearing a black suit and black gloves. His dark hair was tied up knot at the back kaya para na siyang may apple hair.

Naka-contacts pa siya at kita ang kulay nito na natamaan ng sinag ng ilaw. May props din siyang espada na nakalagay sa likod niya. May subo siyang lollipop sa bibig, instead of a cigarette, probably to complete the look of the character he chose.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now