Chapter 24
In the blink of an eye, we have already concluded the third quarter of the second semester for this school year.
And yes, it was now three over four, and one last quarter remaining. Malapit na kaming mag Grade 12, mairaraos din namin 'to!
At ganoon na nga lang din yata kapag last quarter na, hindi ka na lulubayan ng mga pending schoolworks and such. Including making a thousand words essays, recitations, groupings, interviews with other people outside the school, long quizzes, reportings na kayo ng mga groupmates mo ang gagawa ng powerpoint, at madami pang iba.
Edi sana binitin niyo na lang kami nang patiwarik.
Nakatuon ang atensyon naming lahat sa kaklase naming nag-i-speech sa front board. We were currently having our impromptu speech for our last Performance Task in Oral Communication and Context.
Hindi tuloy kami mapakali ni Finnley habang magkadikit ang mga palad namin. Akala mo naman ngayon na kami bibitayin!
Since impromptu nga iyon, possible questions are not only revolving about our past lessons or subject. Madalas daw ay iba ang tanong, malayong malayo sa ini-expect mo.
However, kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ay dahil pure english dapat ang speech namin. Heto na, totoong sasabak na sa giyera.
"Shuta kasi, grabe na talaga si sir sa 'tin. Akala mo naman hindi siya nagtake-out ng handa natin noong Year End Party," pabulong na reklamo ni Finnley kaya mahina kaming tumawa.
"Baka hindi niya nagustuhan 'yong ginawa mong ice cream kaya niya tayo pinarurusahan," gatong ko pa.
"Ay sis, choosy! Ang dami nga rin niyang na-take out na chicken wings!"
"Guillermo, Ritienzy Lourence."
My heart almost stormed out from my chest when I heard my name. Ibig sabihin ay ako na ang susunod.
Pumunta na ako sa tabi ng subject teacher namin. Hinintay muna namin na magsimulang magsalita ang nangunguna sa akin pagkatapos ay doon na pinakita sa akin ng teacher ang tanong.
We were only given a minute to prepare for the speech, and a minute for delivering it in front.
Nag isip ako agad ng isasagot dahil one minute lang ang binigay na oras. Nang matapos ang nauna sa akin, nagpunta na rin ako sa harapan.
Wala naman nang kaso sa akin kung madaming nakatingin sa paligid ko, tinatawanan pa nga ako ng iba.
Kinakabahan lang talaga ako dahil sa tanong sa akin!
Our teacher cleared his throat before asking. "Do you have a nickname? If you do, does it have a meaning?"
'Di ba? Unexpected talaga 'to para sa akin dahil hindi naman ako nagse-search ng mga possible questions sa impromptu speech sa internet kaya wala talaga akong idea sa ganito.
The time started as I heaved a deep sigh first. "Good day, dear listeners! My name is Ritienzy, and you can call me Rize! Personally, my nickname do not have any specific meaning at all. I thought Rize just simply came from my mother's name, whose named Rizena. . . I did not give any meaning to it at all, I am contended being called that way since my real name is a bit long," I started with emotion to keep the audiences pay attention.
![](https://img.wattpad.com/cover/352431595-288-k361016.jpg)
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an ea...