CHAPTER 15

2K 67 52
                                    

Trigger Warning: sexual harassment.

Chapter 15

"Bye, mga anak ko. Practice sa banda."

Excited akong nagligpit ng gamit dahil nag announce sa group chat ng Kanluran Band sina Ate Jillian and Steve. Sakto pa at tumunog na ang bell ng school, hudyat na uwian na. Favorite part ko 'to sa pagpasok sa school, ang mag uwian.

Nang makatapak ang mga paa ko sa pinto ng classroom ay bumungad sa akin si Jayscen na nakasandal sa pader, sukbit niya ang electric guitar, hawak ang skateboard sa isang kamay, at mukhang hindi pa ako napansin dahil nagpo-phone siya.

"Jayscen! Thank you sa paghihintay!" I approached him with a joyful grin.

Agad nagliwanag ang tingin niya at sinalubong ako ng matamis na ngiti.

"Hi, Ritienzy, let's go together. I can't wait to play an instrument with you again," hirit niya at siya na ang nagdala ng bag ko kahit ang dami na niyang dala!

Hindi na ako nakaangal dahil palagi naman na niya iyon ginagawa. Pero ako na ang nagdala ng sarili kong skateboard. Simula nang pumagayag akong magpaligaw sa kanya ay mas lalo niya pang ibinibigay ang atensyon sa akin pero hindi ako nagrereklamo. Sakto pa noong Area Meet, nang manalo sila ng partner niya sa badminton, ang siyang pag approach niya kila Jester at Davin at diretsahan niyang sinabi na nililigawan na niya ako.

Mabilis kaming nakarating sa music room kung saan kami magpapractice dahil malapit na naman kaming tumugtog ng mga instrumento.

"Don't worry, hindi naman na 'to Battle of the Band. Intermission na lang siya para sa PE Fair na magaganap sa Friday," mahinhing anunsyo ni Ate Jillian. "So, shall we start?"

Pito kaming miyembro ng Kanluran Band at halos lahat kami ay excited na nag-practice. We were enjoying each other's play, halatang passionate ang bawat isa sa amin sa pagtugtog ng instrumentong gusto namin.

We took a quick break with our bandmates. May dala pala na snacks sina Steve at Luis, libre raw nila 'yon kaya lumantak agad ako.

Siyempre, libre 'yan, hindi ko 'yan tatanggihan.

Nang maubos ko ang isang slice ng pizza ay uminom ako agad ng pineapple juice na panulak. Kukuha pa sana ako ulit ng slice ng pizza, ang kaso ay ubos na. Dalawang box kaya 'yon pero naubos na agad.

"Here, take a bite," alok ni Jayscen kaya napalingon ako sa kanya.

Itinutok niya sa bibig ko ang pizza niya at agad naman akong kumagat. Napangiti naman siya sa ginawa ko.

Nakikipag usap at nakikipag asaran siya kila Steve, Luis, at Kuya Castier habang ako ay ipinagpatuloy ang pagnguya.

Kukunin ko na sana ang cup ko ng juice, kaya lang ay wala nang laman.

Nakita kong inabot sa akin ni Jayscen ang styro cup niyang may laman na juice kahit nakikipag usap pa rin siya. Kinuha ko naman 'yon at ininuman.

"Hey, everyone. This is Yna, she's the seventh member of Kanluran Band."

Lumingon kaming lahat sa pinto ng music roon dahil pumasok si Ate Jillian. Kasunod niya ang isang babae, nabigla ako dahil siya 'yong babaeng taga-STEM na kakilala ni Jayscen. 'Yong isa sa mga badminton player.

"Hello, I'm Yna Rivera po, STEM 11-A," pakilala niya.

Winelcome namin siya at hindi ko maipagkakailang sobrang soft spoken niya. Nagpakilala na rin kami sa kanya.

Hindi ko ma-imagine na sa hinhin ng pananalita niya ay nanghahampas siya ng raketa.

Mas mahinhin pa siyang magsalita kaysa kay Ate Jillian. Nang pinag-sample naman namin siyang kumanta ay halos ngumanga ako sa galing niya!

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now