CHAPTER 3

6K 152 31
                                    

Chapter 3

"Angas naman ng windbreaker jacket mo, akin na lang, oh!" puna ni Davin. "Pa-arbor, dali!"

"Kay Jayscen 'to, manahimik ka!" sagot ko sabay kagat sa oreo churros na binili ko pa sa mga Grade 12.

Nasa HUMSS building na ako at saktong nakasalubong ang dalawang kumag, paniguradong hindi na nila ako lulubayan. Wearing Jayscen's jacket, which he had offered me earlier, was the very first thing they noticed. And because of that, they stopped trying to silence me, opting instead to tease or really push my buttons.

His windbreaker jacket was oversized on me. With his height and broad shoulders, I feel like the jacket has completely swallowed me whole. Pero hindi naman ako nangco-complain. It was actually comfortable.

I'm not sure if it was the school's plan or just fate, but the HUMSS building got more cold—bagay na hindi naman nangyayari madalas—making his jacket feel like a warm hug around my body. I could smell his gentle scent from it.

I wonder if Jayscen have an extra jacket? Paano kung lamigin siya sa room nila?

Dapat ko na bang ibalik 'tong jacket niya?

"Hala, ang beshy ko ay namumula!" Sinipat ni Jester ang leeg ko sumunod ang noo. Tinampal ko tuloy ang kamay niya.

"Nilalagnat ka yata, e," komento ni Davin sabay kagat sa ice cream mochi niya. "Feel na feel niya naman!"

"Nagseselos ako, hmp! Si Jayscen pala, ah!" pagmamaktol ni Jester habang nakanguso. "Sa bubong ka matutulog mamaya!"

"Bakit ba, anong problema niyo, ha?!" kunwari ay iritado ako.

"Madami."

Inirapan ko na lang sila at sumandal sa mga pader. Dahil air-conditioned lahat ng classroom ay talagang sarado ang mga building. Hindi siya 'yong tipong pang public na eskwelahan, hindi rin naman private ang Morgen High. Sarado rin lahat ang malalaking bintana at nagmo-moist pa.

I was really amazed for the first time I stepped my foot inside the school. It felt like I had walked into a scene straight out of a Japanese movie or anime, which was one of the reasons I was drawn to study here. The cozy surroundings added more features to it.

Ilang minuto na lang makalipas ay tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na naman ang klase kaya nagkahiwa-hiwalay na kaming tatlo.

"Bango ng jacket mo, geng! Amoy bagong ligo, e, hindi ka naman naliligo!"

Sinipat-sipat na rin ako ni Jedidah, ang Vice President ng room, na pinsan ni Rhyolite. They quickly made their way over my direction, their teasing gazes locking onto me. And before I knew it, I was already surrounded by them, their playful grins making it feel like I was about to face a Q&A showdown.

Ano bang mayroon sa mga tao ngayon? Ang daming mapang-asar! Hindi na nila ako tinigilan! Don't tell me they are already thinking about something malicious that there was going on between me and whomever they may guess?!

"Nagpunta ka lang ng STEM building tapos pagbalik mo may jacket ka na?!" pag-iintriga ni Rhyo. "Magsabi ka ng totoo! Sino ang ama?!"

I cussed mentally. Masasabunutan ko ang babaeng 'to nang wala sa oras!

"Ano ba, 'te! Anong ama pinagsasasabi mo r'yan?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Aysus, halatang may bago tayong ishi-ship, bes." Jedidah glanced at Rhyo.

"Ship-ship na? Issue niyo, ha! Pinahiram lang naman sa 'kin 'to. Ibabalik ko rin naman." Sa pagkakataong 'to, medyo uminit ang pisngi ko.

"Huwag kang mag-alala, d'yan na magsisimula ang lahat. Malay mo lang, d'yan na magsimula ang lov—"

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now