Chapter 23
It had been a week by now, and my gaze had been staring up to the bedroom's ceiling, unsure of whether I should get up from bed or lie down for a while longer.
When I casted a look at the window, I saw multiple tear of raindrops slowly gliding through the glass. Sobrang lakas ng ulan at dahil sa panahon ay lalo ko lang gustong manatili sa kwarto ko.
I do not know how to describe what I had been feeling lately. Halos hindi ko nga ramdam ang Year End Party namin noon, eh. The days just went by so fast at hindi ko manlang inabalang umalis sa bahay ngayong holidays.
Wala lang. I feel like my whole being was floating through the space. In short, lutang.
"Ayos, what a good morning world," I uttered.
Nang matapos akong mag ayos ng sarili at gawin ang morning routine ko, bumaba na ako sa hagdan at dumiretso na sa shop ni Lolo Kenzy.
Ma'am Racquel and Lezin have been staying here since then. Pero kahit ganoon, matapos ang mga nangyari, hindi ko na hinayaang maglandas ang mga direksyon namin sa bahay, lalo na si Papa.
I would just stay inside Lolo Kenzy's shop at tinutulungan siya rito. Minsan, ako rin ang taga-deliver sa ibang customer na taga-Centro o kaya sa malapit na kabilang bayan. At dahil naabutan ko na naman siyang nagpa-pack sa counter ay lumapit na ako.
"Morning, Lo! Ako na r'yan, ang dami mo pang i-pa-pack, oh!" bungad ko sa kanya. Hinayaan niya lang naman ako.
Malago ang benta ng skateboard ngayong buwan. Karamihan sa mga bumibili ay ipangreregalo raw nila ang mga ito.
I playfully grinned when I thought about an idea. Dahil taga-pack lang naman ako, at minsan ay tinutulungan si lolo na mag design ng skateboard, mayroon na naman akong naisip na gagawin.
"Saan ka pupunta? Iniwan mo pa mga pina-pack mo, oh," kunwaring sabi ni Lolo pero tinuloy ko na ang balak ko.
"Lo, hindi naman masama kung magbigay tayo ng freebie sa mga bumibili sa 'tin, ano?" mapaglaro akong ngumiti.
"Freebie? Aysus, ano na naman ang iniisip mo?"
"Ako ang bahala! Watch me!"
Kumuha ako ng mga kahoy sa storage room ng shop. Sobrang daming materials dito na sigurado akong magagamit ko sa paggawa. Winner talaga si Lolo Kenzy dahil kumpleto ang gamit niya.
I thought about making a mini finger skateboard as a freebie.
Wala lang, feeling ko iyon ang magugustuhan ng mga skateboard enthusiast lalo na kung kapareho pa iyon ng skateboard na napili nila. Parang mini version ba. I just know they would love that.
Bagay na nagustuhan din niya sa lahat-lahat.
I shook my head as I started my attempt. Sinukat-sukat ko muna ang mga kahoy, ano!
Pagkatapos ay minamarkahan ko pa ng lapis. Hindi na ako inabala pa ni Lolo Kenzy dahil seryoso talaga ako sa ginagawa ko. I also wore my headphone while busy doing my thing.
I wonder what he's doing right now?
Umiling na naman ako. Focus lang, Ritienzy! Kung ano anong lumalabas na tanong sa utak mo! Change question, next question!
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔️ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an e...