CHAPTER 10

5.5K 134 41
                                    

Chapter 10

"Rize, ikaw na talaga ang main lead. Madali mo lang naman mame-memorize ang mga lines mo, e," Rhyolite convinced me as she gently tapped her hand on my desk.

Napapikit muna ako bago sumagot, bahagyang tumango. "Fine, fine. Sige na. Alam mo naman na hindi kita matitiis, eh. Pakitaan mo lang ako ng gan'yan na asta, siguradong sa 'yo pa rin ang bagsak ko," I gave up at natatawa kong sagot.

Hinampas niya ako ng notebook sa tuktok ng ulo ko. "Guard, may baliw."

"Aysus, kunwari pa siya, oh! Kiss mo nga ak—"

I was in the middle of my sentence when she suddenly slapped my mouth with a crumpled paper ball she took the next table. Sinabunutan ko na siya bilang pangganti.

But still, in that way, I made her somehow feel relief. Nakaka-guilty din naman tumanggi na hindi kunin ang role, e!

Wala na ang akong naitulong sa paggawa ng script tapos ang kapal pa ng mukha kong tumanggi? Buti sana kung marunong akong mag video editing, ako na lang aako sa role na 'yon.

Basta't walang hahadlang na kagaguhan kapag nagfi-film na kami dahil paniguradong hindi ako makaka-focus.

Tinawanan ako ni Finnley habang tinuturo ang aking mukha, nasa tabi siya ng seat ko. "Deserve! Dapat may kissi—"

Binato ko na siya ng lukot na papel na napulot ko sa tabi bago niya matuloy ang sasabihin at saka siya tinawanan.

May buhol na tape pala ang papel na binato ko kaya medyo na-stuck pa sa buhok niyang sing-kulot ng pancit canton. Hinawi-hawi niya naman 'yon paalis.

Mahilig talagang mang-asar si Finnley, e, deserve niya 'yan.

"Si Finnley 'yong kabit na papatayin ng yandere na lalaki," biro ni Rhyolite kaya napahawak sa sariling dibdib si Finnley, namutla pa.

Natawa na lang ako dahil sa inasta ng tukmol. Obvious naman na walang ganoon na scene sa film dahil binasa ko na ang script namin.

Memorized ko na nga ang ibang linya ko, e. Baka nga kapag sinabi na ni Rhyolite na action na ay mag a-acting na talaga ako.

Tahimik ang buong classroom dahil kasalukuyan kaming nagsa-summative test sa Understanding Culture, Society, and Politics. Lapis lang ang ginagamit kong pang-answer dahil erasure means wrong daw, kahit may correction tape ay hindi puwede.

"Hoy." Narinig ko ang mahinang tawag ni Finnley sa akin.

I widened my eyes at him, pretending to scratch my forehead to shield my face. Mahirap na, baka mamaya ay makita ako ng teacher namin. Kahit na ba nasa second to the last ang row ng seat ko ay sigurado akong makikita pa rin ng teacher mula sa harapan.

How I wished we wouldn't get caught, even though I never cheat on tests like this. It's a quirk of fate that I could do without.

Hindi ko na lang pinansin ang loko at itinuloy ko na ang pagsagot sa answer sheet.

"Pass your papers forward. Late papers won't be accepted," our teacher announced in a stern voice.

Hinanap ko ang pinakamamahal kong ballpen sa bag ko dahil nakalimutan ko palang maglagay ng name, section, at date.

Nakalimutan kong minsan ay binibigyan din ng points 'yon, or kaya additional points, lalo na kapag kumpleto.

Kaya lang, naalala kong ballpen dapat ang ipangsulat dito.

"Ukitnana, asan na 'yon?!" bulong ko.

Nang hindi ko makita sa bag ang ballpen ko ay naglinga-linga pa ako sa ilalim ng upuan. Saktong pag angat ko ng tingin ay huminto ang paningin ko sa seat ni Noah, na nasa unahang row, na kasalukuyang nagsusulat.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now