CHAPTER 27

2.8K 80 72
                                    

Chapter 27

"Wow, Ms. Guillermo, you're too early for the second period," asar ng adviser namin na siyang teacher sa first period ng umaga.

"Sorry po, ma'am!"

"It's alright. Take your seat."

Napakamot na lang ako sa batok ko at awkward na ngumiti habang naglalakad papunta sa seat ko.

Anong oras na kasi akong nakapasok sa classroom. 7:30 AM kaya nagsisimula ang klase at 8:30 AM naman ang second period. And worse, 8:25 AM na ako nakapasok.

"In-absent ka na ng secretary natin!" pabulong na sabi ni Finnley na siyang nasa harapan ng seat ko.

Umakto rin siyang iniharang ang isang palad sa bibig na akala mo ay may gustong ibulong sa akin. I leaned closer so I could hear what he was going to say.

"Late din pala 'yang seatmate mo, halos magkasunod lang kayong pumasok. Halatang bad mood pa nga no'ng umupo siya, e!"

Tumango-tango ako sa sinabi niya at palihim na sinulyapan si Yuen na ngayon ay nakadukdok at may suot na headphone.

I mean, hindi naman ako magtataka kung bakit bad mood siya. E, sa sungit niyang 'yan. Akala mo pasan niya lagi ang lahat ng sama ng loob sa mundo.

"Ano pa bang bago r'yan? Ang sungit-sungit kaya niya sa lahat, baka pati sinag ng araw kinabu-bwisit-an niya na," natatawa kong bulong.

"Ay, masungit din pala siya sa 'yo? Hindi halata, 'te. Mukha nga kayong mag-jowa lagi na nag-aasaran! Parang ikaw nga lang din ang ka-close niya rito, e! How about us naman?" pahabol niya pa at tumawa.

"E, malala kaya ang galit nito sa 'kin! At anong mukhang mag-jowa? Gaga ka rin, e!"

"Sus, sure ka, ha? Magtaka ka na kung bakit hindi 'yan kumakausap ng iba maliban sa 'yo!"

"Ulol!"

Humarap na siya sa board na parang walang nangyari habang ako naman ay hinila ang collar ng uniform niya para masakal siya.

My mood at the following class hours were undeniably good and light. Buti na lang din ay na-extend nang ilang oras ang deadline ng caricature namin para ma-finalize ko pa ang artwork.

Mukha kasing gutay-gutay ang drawing ko, ang pangit pa ng mga kulay.

It was a caricature version of myself wearing a teacher uniform.

Naglagay pa ako ng simple doodle bilang background na related sa major na gusto kong kuhanin sa education. Kaya lang ay wala pa akong napili whether Mathematics, English, Filipino, etc., edi sinama ko na lahat sa doodle bilang design.

I was busy setting up the drum inside the music room. Maaga kasi kaming natapos sa last period ng hapon.

Mag-isa ko pa lang din rito, medyo napaaga ako ng dating. Excited lang talaga ako!

Umupo na ako sa harapan ng drums. Nabo-bored na kaya ako kaya nag-freestyle lang ako nang kaunti.

Nang hindi pa ako nakuntento ay nagpa-music na ako sa phone ng kanta at saka tumugtog ulit ng drum. I was passionately playing the drum with the song Still Into You by Paramore.

Maingay ang buong music room dahil sa tunog nito. Nilalaro ko lang naman ang pagtugtog ng drum dahil matagal ko nang natutunan ang kantang 'to.

I was bobbing my head as well, not taking my eyes off the instrument while grinning ear to ear. Mukha na akong tanga pero nag-e-enjoy ako, e.

Matapos ang unang chorus ay tumigil na ako at saka pinatay ang phone ko. Soon as I casted a glance at the door of the music room, my eyes formed wide when I realized that there was someone leaning against the door frame. Si Jayscen.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now