CHAPTER 20

3K 66 36
                                    

Trigger Warning: mention of death/suicide.

Chapter 20

"Rush sa pag-gawa ng chapter 3 before mag holiday, defense naman sa pasukan. Lord, ready na po akong magisa sa kawali," reklamo ni Finnley.

"Kahit magisa lang sa mabangong margarine, sapat na," mahinang gatong ko.

"Noche Buena muna bago magkanda-leche leche."

Tumango-tango kaming pareho dahil sa kung ano-anong sinasabi namin. Magkasama kaming nagpi-print ng paper namin dito sa classroom dahil iyon ang utos ng leader namin na si Raven.

It was break time, giving us our own time to focus on our tasks and the things we had to do. Print na lang naman na ang kailangan, ang kaso, sobrang daming copy pa ang ipi-print namin para sa mga panelist tapos defense na rin sa January.

Nararamdaman ko na ang pagkalam ng tiyan ko pero kailangan kong tiisin para sa paper namin.

"Rize, may naghahanap sa 'yo sa labas!" dinig kong tawag ng isang classmate ko.

Finnley nodded at me upon glancing at him. Nagtungo ako sa sliding door at nilakihan ang pagkakabukas nito. Naabutan ko si Jayscen na nasa tabi ng pinto at may dala-dala siyang snack. His expression lightened up when he saw me.

"Jayscen, hi!" I greeted.

"Hi, dinalhan kita ng meryenda," mahinahong sabi niya at iniabot sa akin ang isang paper bag. "Alam kong busy ka ngayon dahil sa PR niyo but you have to eat still. Take care, see you." He quickly gave me a head pat.

Nakaawang ang bibig ko habang tinitignan ang laman ng paper bag. Mas lalo lang akong nagutom dahil sa amoy nito.

I beamed. "Thank you!"

He left with a genuine smile plastered on his face as he made his way out from the building. Hinatid ko siya ng tingin ko mula sa bintana at nakitang naglalakad siya sa pathways papunta sa building nila.

Hindi ko na tuloy naalis ang pilyang ngiti ko hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

When I entered the classroom, Finnley blocked my way with his rose eyebrow. Umakto pa siyang suminghot dahil naaamoy niya ang pagkain na dala ko.

"Taray, may pa-snack ang ante ko. Magbigay ka, aba! Sino bang katuwang mo sa pagpi-print, ha?" Mataray niya akong tinignan.

"O, siya, tara kain!" anyaya ko.

"Pahingi kami!" At nagsimula nang mamburaot ang mga kaklase ko.

"Ginawa niyo 'kong instant buffet, ah! Kakapal!" singhal ko.

"Bigyan na lang kita Primogems, 'te! Huwag ka nang magreklamo!"

Napailing na lang ako sa inasta nila at bumalik na ako sa pwesto ng printer ng classroom namin.

It was Friday, one week na lang ang natitira bago mag holiday. Sigurado akong sa week na 'yon ay mababawasan na ang mga gawain namin dahil sa nalalapit na Student's Day at Year End Party sa Thursday and Friday.

I was slumping my face on my hand on the desk. Kaunti na lang ang pumapasok na mga subject teacher namin kaya ang haba ng free time para magmuni-muni. Balot pa ako ng sweater at nakadukdok.

I was facing the window while looking at the vast green field outside. Nakabukas na ang mga bintana ng building dahil tag-lamig naman na at nakapatay na ang bawat aircon. Nanahimik akong nakadukdok nang mamatay ang headphone ko dahil na-low-batt na. I had no choice but to remove it from my head.

For my bud luck, ingay agad ng mga walang hiya kong kaibigan ang bumungad sa aking pandinig. Wrong timing ka, headphone!

"New Year's resolution niya siguro ay mananahimik na siya," saad ni Finnley.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now