CHAPTER 11

5.3K 139 74
                                    

Crush by Dept feat. Sunny Zero and Nathania

Chapter 11

I was about to sink into a deep sleep, but it all shattered with the blaring sound of my alarm clock. Ayaw ko pa sanang dumilat pero sobrang nakaririndi na ang tunog nito dahilan para mapabalikwas ako agad mula sa pagkakahiga. Naalala kong nilakasan ko 'yon kagabi para mas maaga akong magising sa umaga.

"Pucha, heto na! Gising na!" I let out a sharp sigh and reached for the blue alarm clock on my bedside table to turn it off.

I immediately checked my phone, just in case there was an urgent announcement in our group chat with our section adviser. Madalas kasi iyon na ginagawa ng adviser namin, kaya nakasanayan ko na rin buksan ito palagi tuwing gigising ako.

As soon as I opened the messenger, a new message showed up, totally waking up my spirit and soul. What the the pit of heck! It was from Jayscen himself.

6:30 AM

Jayscen:

Good morning, Ritienzy : )

Nag-reply ako agad sa kanya. Naalala kong sabay nga pala kaming papasok ngayong araw sa school. Ang sabi pa naman niya noong nakaraan ay before mag-seven o'clock  ay pumapasok na siya sa school. Masyado pa iyon maaga para sa 'kin.

Ngunit naalala ko, at bilang considerate na schoolmate niya, baka ma-late pa siya dahil sa akin kaya nakakahiya naman iyon. Almost 7:30 AM pa naman ako pumapasok sa school, start na 'yon ng klase sa first period. Kaya ngayon pa lang, kailangan ko nang magmadaling igayak ang sarili.

Ritienzy:

Hiii good morning

Gagi kagigising ko lang waittt

Sabay tayong papasok sa school ah

Nag-heart react lamang siya sa una kong message. He usually does that. Kahit minsan ay walang sense 'yong message ko o simpleng greetings lang, nag-re-react siya ng heart dito.

Jayscen:

It's fine

Take your time, Rize

After I stretched my body, I got out of bed and did a quick jumping jack before rushing to the bathroom to take a shower, as if I was racing against time itself. Hindi ko na nga naramdaman ang lamig ng tubig noong naligo ako dahil sa kamamadali.

Mabilis akong nagbihis ng uniform at bumaba na sa hagdan para kumuha ng agahan.

"O Rize, bakit nagmamadali ka? Mag umagahan ka na, anak," bungad ni Papa na nasa dining habang nagkakape. He's still checking some papers, with a calculator in hand. Those answer sheets probably belonged to his students.

"Papa, mag toast na lang po ako! Nagmamadali kasi ako, e. May kasabay po akong papasok, baka ma-late siya dahil sa 'kin! Ba-bye po!" sunod-sunod kong wika.

"Sino 'yang kasabay mo? Bago 'to, anak, ha? Sinasabi sa 'kin ni Papa na halos late ka nang pumapasok. Tapos ngayon may kasabay ka na?" he suddenly brought up, making me halt in my place.

Medyo ngumiti ako at kumurap-kurap. "Kaya nga po, Pa. Ganoon naman ako palagi, e. Ayaw mo bang nagbabagong buhay na ako?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinamaywang ang isa kong kamay.

"Nagbabagong buhay? Nabanggit din pala sa 'kin ni Papa na may kasabay ka laging umuuwi, taga-riyan yata sa boarding house? Napapansin niya kayong dalawa. Iyon ba 'yong sinasabi mo kasabay mo ngayon?" tanong niya na naman.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now