CHAPTER 14

3.5K 108 40
                                    

Chapter 14

"Olats, guys! Ballroom ang ipeperform ng section natin sa PE!" anunsyo ni Finnley, kasama si Rhyolite.

Pumunta kasi sila sa room ng teacher namin sa PE at bumunot ang bawat president ng Grade 11 HUMSS. Malamang ay ballroom ang nabunot ni Rhyo kaya iyon na talaga ang ipeperform namin. Performance Task pa man din iyon at malaking points.

"Obviously, by partner siya kaya mag assign na tayo." Kinuha ni Rhyo ang list ng name namin sa teacher's table.

Bali lalaki at babae ang magpa-partner kaya ang ginawa na ni Rhyo ay by alphabetical para walang lugi.

"Finnley, huwag kang hihiwalay sa akin! Pareho tayong G!" Hinatak ko agad si Finnley. Alam kong siya lang ang magdadala sa akin sa sayaw dahil hindi ako magaling doon.

"Guillermo and Guzman," Rhyolite announced.

I almost slapped my forehead out of disbelief. Hindi Guzman ang apelyido ni Finnley dahil Galvez siya! Naalala kong hindi lang pala siya ang letter G ang apelyido. Labas tuloy ang dila ni Finnley habang inaasar ako.

Tumungo na lang ako kung nasaan ang pwesto ni Noah dahil siya ang makakapartner ko sa ballroom.

"Ikaw ang bahala sa akin dito, Noah. Wala akong alam sa sayaw," pabiro kong wika.

"Sure," sagot niya.

Tuwing remediation lang kami puwedeng mag-practice sa PE o di kaya ay free time. Mabuti na lang at isang linggo ang binigay sa amin ng teacher para paghandaan ito.

Bali sa ibang section ng HUMSS ay may hiphop, folk dance, contemporary, at iba pa. Sa amin lang talaga napunta ang ballroom.

"One, two, three, fo—again! From the top!" striktong anunsyo ni Rhyolite dahil siya ang nagtuturo sa amin.

Of course, isa siya sa mga magagaling sumayaw sa section namin kaya siya na ang napili namin na maging leader.

"One, two, tie my shoe!" gatong ni Finnley, inambahan tuloy siya ni Rhyo na babatuhin ng pamaypay na hawak niya.

Talak nang talak si Rhyolite at mukhang stressed na ang gaga. Natatawa na lang ang ibang classmate namin sa kanya.

"'Yong mga walang balak makinig d'yan, pasasayawin ko ng dayang dayang dito!" dagdag pa niya.

"I volunteer!" Nagtaas pa ako ng kamay.

Gumulo na ang formation namin dahil sa mga pasimuno kong kaklase na nagsimula nang sayawin ang dayang dayang. Inaasar lang talaga namin si Rhyo.

So far, wala namang nagkakainitan dahil nahahaluan ng biruan ang practice namin. S'yempre nangunguna rin si Rhyo, minsan hindi ko na matanto kung nagseseryoso pa ba siya o hindi na. Talagang pinagtitripan niya lang kaming mga sumasayaw.

"Sorry, ang hirap sundan ng sway-sway!" sambit ko sa ka-partner kong si Noah. "Let's try nga ulit."

Wala naman siyang imik kaya gumalaw na ako. Nag basic step ako ng paa sabay ikot.

I flinched when I felt his hand on my waist, at dahil medyo umikot ako ay na-slide pa pataas ang hawak niya. Agad akong lumayo dahil doon.

"Noah, walang gan'yan na step! Nasa first basic pa lang tayo!" sita ni Rhyolite. "Alright, break muna! Good job, everyone!"

Mabilis akong nagpahinga sa benches sa tapat lang ng building namin. Sobrang presko ng paligid kaya pakiramdam ko ay aantukin na ako. Kaya lang ay dahil sa ingay ng paligid, lalo na sa tapat ng building ng STEM na katabi lang ng building namin, napatingin ako roon.

Nakita ko ang iba sa kanilang nagpa-practice din ng sayaw. Malamang ay sa PE subject nila.

"May PE Fair kasi after ng Area Meet," ani Rhyo na umiinom ng tubig. "Baka pag showdow-in tayo ng mga PE teacher natin."

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now