Chapter 26
"Oy, Rize, ikaw ang nakaisip ng dessert sa product natin! Ikaw ang in-charge do'n, ah."
Iniabot sa akin ni Raven ang scratch paper at saka lapis. Nakapabilog na naman kami ng grupo dahil Entrepreneurship time na. At dahil ako ang nag-suggest na mag-dessert kami, ako ang in-charge doon.
Sige sure, pananagutan ko 'yan!
Ang sabi kasi ng teacher namin sa Entrepreneurship ay tatlo o hanggang apat na product lang ang puwede namin gawin para sa product testing.
At kapag na-approve 'yon ng mga future judges na mga teacher din, kasama ang adviser namin, ay 'yon na ang product na ibebenta namin sa business summit ng overall Grade 12.
"Sige, ako na ang bahala!" nag-thumbs up ako at malawak na ngumiti.
Isinulat ko na rin ang pangalan ng product na 'yon at mga ingredients. Si Raven na daw ang bahalang ayusin ang business plan.
Iniisip ko pa lang tuloy ang product na 'yon ay sigurado akong magugustuhan ito ng mga bibili sa business summit.
In-excuse kami ng coach namin sa sepak dahil schedule ngayon ng training. Kasama ko si Finnley at akala mong para kaming ibon na nakawala sa koral dahil excused na kami sa quiz mamaya sa TNCT 21st.
Kaya pabor talaga sa akin ang ganitong may training, eh. May chance kaming ma-excuse sa ibang subjects.
"Anong trip mo't suot-suot mo ang jacket na 'yan?!" intriga ni Finnley habang naglalakad kami.
"Miss ko na kasi siya," simple kong sagot habang tinataas-taasan ko pa siya ng kilay.
Suot ko kasi ngayon ang jacket ni Jayscen. It was the windbreaker jacket he draped over my shoulder that night when I turned him down.
I was not even able to return it back since sa mga panahong 'yon, parang nawala lang ang lahat. Ang nakapagtataka nga lang, hindi ko alam ang rason niya kung bakit niya iyon isinuot sa akin noong gabing 'yon samantalang. . . binusted ko siya.
"Pa-jacket-jacket pa 'to! Magte-training tayo, hoy!" Agresibo akong inakbayan ng hunghang na Finnley at saka ako kinaladkad. Nagpipisikalan na nga kami habang papunta sa covered court.
Hindi rin nagtagal ay natanaw na namin ang covered court. Even before we entered, we could already hear the lound sounds coming from the various strikes and smashes of multiple rackets.
What a good day to be alive.
Mukhang makakasama na naman namin ang mga player ng badminton sa pagte-training sa iisang court.
More chance to see him! Kahit pasulyap-sulyap lang ay okay na. Nami-miss ko na kasi siya.
Napailing na lang ako dahil sa kung ano-anong iniisip ko. I aggressively dragged Finnley and went straight to where our teammates are.
Naka-PE uniform na ako. Simpleng white shirt lang naman 'yon at may lining na kulay sky blue. Hindi na ako nag pants dahil shorts version na lang ng uniform ang suot ko.
Inalis ko na ang pagkakasuot ko windbreaker jacket at saka ito isinabit sa upuan.
The training started after a quite moment. This time, hindi na namin puwedeng hindi seryosohin ang training dahil pasok kami sa Area Meet. Paniguradong hindi biro ang mga makakalaban namin doon.
The training session for us athletes usually lasts for two to three hours. At dahil sa schedule namin ay two hours sa pang umaga, tatlong oras naman sa panghapon. Strikto rin ang coach namin kaya hindi kami umuubra sa kanya.
Hindi ko na namalayan ang oras, pagod na pagod kami ng mga ka-team ko na bumalik sa mga benches para mag-break saglit.
Ang kaso, nauuhaw na ako, wala pala akong dalang tubig.
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔️ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an e...