CHAPTER 6

5.1K 143 71
                                    

Chapter 6

"Hindi ko dala ang skateboard ko. Wala akong gana maglakad!"

"Anong gusto mo, buhatin ka namin?! Ano ka, gold?!"

Hinila ko nang sabay ang bag nina Jester at Davin kaya muntikan na silang matumba habang naglalakad.

Babawian na sana nila akong dalawa kaya umatras ako at natigil lang nang mabunggo ko ang isang tao sa aking likuran.

Muntikan ko pang mabitawan ang bulaklak na ibinigay ni Jayscen kanina. Agad akong lumingon para mag-sorry sa taong 'yon ngunit halos malaglag ang panga ko dahil si Jayscen ang bumungad sa akin, sukbit ang electric guitar niya.

"Jayscen, sorry! Hindi ko sinasadya!" nataranta ako dahil mas gulat pa ang ekspresyon niya.

Natahimik ang dalawang bugok na kasama ko at tinitignan nilang dalawa si Jayscen. Kasunod noon ay ang pagbukas na ng gate kaya puwede na kaming umuwi.

"Are you okay?" Jayscen asked, medyo nanlaki pa ang singkit niyang mga mata.

"Oo! Sorry ulit!"

"It's alright." He smiled in assurance. "Uuwi ka na? We can walk home together."

Nakipagkarera na naman ang tibok ng puso ko. Mabilis tuloy akong lumingon sa dalawang bugok na ngayon ay nakatayo malapit sa aming dalawa ni Jayscen.

They were talking about something but they were obviously talking nonsense. Uma-acting lang sila. Pansin ko pa nga ang pagpigil nila ng tawa!

"Kita mo 'yong lumilipad do'n?" turo ni Jester sa langit. "Ibon 'yon."

Ginatungan naman siya ni Davin. "Kita mo 'yong pisngi no'n?" turo niya mula sa langit hanggang huminto sa akin! "Kamatis na 'yon."

With no hesitation, I pulled Jayscen away from them, overwhelmed with embarrassment by the things the two crackheads were saying. Mga walang hiya talaga!

Mabilis ang hakbang ko habang hatak-hatak si Jayscen hanggang sa makalayo roon.

"Kaya pala walang skateboard! Hindi na siya magso-solo walk!" pahabol pa ni Davin.

Nang tuluyang makalabas ng school ang siyang pagbitaw ko kay Jayscen. He was at a loss for words! Hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa utak niya sa pagkakataong ito, pero kasi. . . namumula ang pisngi niya.

Ngayon ko lang napagtantong hawak niya ang purple lilac na binigay ko at nakalagay sa maliit na plastic bottle na may tubig. Siguro ay para hindi ito malanta agad.

Wow, alagang-alaga niya naman masyado ang purple lilac na binigay ko.

Samantalang halos mapatay ko 'yon sa munti kong bag kanina lang.

"Sorry ulit. Hayaan mo 'yong dalawang tukmol doon, masama sila sa kalusugan." Ngumiti ako habang bina-backstab ang mga kaibigan ko.

"Tara, sabay na tayong umuwi."

Tahimik lang siya pagkatapos ng ilang minuto. Sobrang strange lang! Napa'no kaya ang isang 'to?

"Huy, ang tahimik mo, ah. Okay ka lang ba?" tanong ko.

I suddenly halted in my tracks kaya huminto rin siya sa paglalakad. I could see his parted lips and his monolid eyes grow wide as I leaned my face close to his.

I was just checking if he was alright, and I tried to touch my palm on his forehead to see if he had a fever. Kanina pa kasi siya namumula. Hindi ko na nga alam kung tama pa itong gesture ko. Concerned lang naman ako!

"Uh Ritienzy, I'm alright, really," he said nervously while trying to look away. "Let's go? Or do you want to grab a snack?"

Well, I guess I was convinced already by what he said as I took a step back. At dahil nakarinig na ako ng salitang snack, doon na natuon ang atensyon ko. Mukhang gutom nga lang ito.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now