CHAPTER 13

4.7K 118 75
                                    

Chapter 13

"Guys, kilala ko na agad kung sino 'yong mga Top 4 sa section natin!" ani Finnley habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa daliri niya. "S'yempre, 'di ako kasali ro'n, hehe."

The weekend flew by after our exam, and with the second quarter of the semester underway, I know there is no time to relax anymore. But I refuse to accept that! Dapat magchill pa rin kahit dinidelubyo na ng mga schoolworks.

Sa sinabi ni Finnley ay wala naman na akong say doon. Kahit anong Top ko naman ay ayos lang. Kahit noong junior highschool ako ay ganoon din. Basta ba nakakapasa ako ay ayos na sa akin. Satisfied na ako basta't alam kong hindi ako nandaya at ginawa ko ang makakaya ko.

"Everyone, nakapaskil na sa bulletin board 'yong mga kasali sa ranking! Let's G!" Rhyolite announced when she entered the classroom, causing me and my classmates to burst out of the room like kids on a sugar rush.

Soon after leaving the classroom, most of the students gathered and squirmed around the bulletin boards like a school of fish. I quickly searched for the list of names for HUMSS 11-B and found it right away.

Mulat na mulat pa ang mga mata ko habang tumintingin, ang isang hintuturo ko naman ay nakaturo pa sa papel na parang focus na focus sa binabasa.

"1. . . 2—holy kalabaw!" Muntikan na akong matumba sa kinatatayuan at mauntog sa bulletin board dahil sa walang hiyang tumulak sa akin. "Jester! Hahambalusin kita!"

Tinawanan ako ng bugok at saka niya ako inakbayan habang ini-scan ko pa rin ang pangalan ko sa bulletin board.

"Nando'n 'yong Guillermo, oh. Bulag." Tinuro ni Jester ang kabilang parte ng bulletin board.

My jaw nearly dropped as I stared at the bold letters above the list of names.

HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
HUMSS 11 RANKING LIST

Pinasadahan ko ulit 'yon ng tingin at muntikan pa akong mapamura nang makita ang pangalan ko. Over all Grade 11 HUMSS 'yon at hindi ako makapaniwalang kasama ang pangalan ko roon!

5. Guillermo, Ritienzy Lourence T.  . . . . 96.1

"Holy shit!" Hinampas hampas ko si Jester dahil sa nakita ko.

Pinasadahan ko pa ulit 'yon ng tingin dahil mukhang namamalikmata lang ako pero hindi! With High Honors 'yon, gracious heavens!

"Gagi, ulit nga! Jester, sampalin mo nga ako, bilis!"

Kaya lang ay dahil abala akong nakatingin sa list ay hindi ko na siya nahagilap.

I instantly felt someone behind me despite the bustling and rowdy surroundings. Sobrang pamilyar ng kanyang presensya, lalo na ang amoy niya. He then leaned his arm against the bulletin board as he started scanning the other list using his forefinger.

Tumingala ako nang bahagya dahil nakita ko na ang mukha niya, seryoso siyang nakatingin sa bulletin board. Nakulong na tuloy ako sa harap ni Jayscen dahil sa kamay niyang nakasandal.

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING, AND MATHEMATICS
STEM 11 RANKING LIST

3. San Diego, Jayscen Denisse C.  . . . . 97.4

"Woah! Congrats, Jay!" masigla kong bati nang maka-recover.

Tumingin siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Ngayon ko lang na-realize ang ginawa ko.

Duh, wala naman masama kung i-congrats ko siya.

At isa pa, walang masama kung babatiin ko ang crush ko. Deserve niya ang pagbati ko, 'no!

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now