CHAPTER 16

3.4K 89 16
                                    

Chapter 16

"Lord, kahit malasin na po ako sa lahat, huwag lang po sa ka-grupo ko sa Practical Research."

Finnley and I nearly squeezed each other's hands as we crossed our fingers. Para kaming mga tanga na nagdadasal nang mahina dahil ngayon din ang araw kung saan kami kailangang i-grupo para sa Practical Research 1. Bali maghe-head count kami hanggang lima dahil five groups daw.

"Group 1, please stand," malumanay na wika ni Ma'am Halili.

Tumayo ang mga number 1 kanina sa headcount at halos kabahan ako dahil ang mga magagaling sa klase ang magkaka-grupo.

I was group in Group 3, and I couldn't decide if I was lucky or just plain blessed today. With Rhyolite and Finnley being my groupmates, para tuloy akong naka-jackpot. Tuwang-tuwa naman na parang bulate si Finn dahil mukhang malakas ang swerte niya.

"Salamat, Lord! Napakabuti mo!" dramatikong sabi ni Finn.

"Raven, dito ka rin, aba! Saan ka pumupunta?!" anas ko sa isa pa naming kagrupo na si Raven. Siya ang Rank 3 ng section namin.

Umakto naman ang loko na parang nagtatakip ng mukha, mukhang ayaw kaming maka-grupo ng traydor na 'to!

"Ayaw ko na maging leader dito, please lang! Goal ko pa naman ang magpabuhat!" pabalik niyang singhal.

Grupo pa lang naman ang ginawa namin, para sa mga susunod kung kailan kailangan na naming magconduct ng study ay hindi na kami magra-rush. Nagsimula na rin agad ang klase sa PR1.

Sobrang bilis lamang ng mga pangyayari at halos dalawang buwan na ang lumipas dahil second semester na!

Alam kong hindi na rin magiging madali ang mga gawain at schedule namin dahil mukhang mas maiistress lang kami sa mga subject sa second semester.

I quickly straightened myself up and rushed out of the room, eager to make the most of break time. Hindi mawala ang ngiti ko habang tinatahak ang daan papunta sa Petal's Garden.

At dahil break time, may mga nakatambay na rin dito.

I followed my footsteps towards the last gazebo inside the garden. And there, my heart began to race when I spotted Jayscen. Mukhang abala siya sa ginagawa niya dahil mayroon pa siyang hawak na pencil. Sa tabi niyon ay isang makapal na libro tungkol sa astronomy.

I gently tapped his shoulder from behind him.

"Hi!" I greeted.

Nagliwanag ang mukha niya at ibinaba ang lapis na hawak. "Hey," bati niya.

Umupo ako sa tabi niyang concrete chair.

"Nagmeryenda ka na? I bought snacks for us. Let's eat."

It's been also months, persistent pa rin si Jayscen sa panliligaw sa akin. Wala pa rin nagbago, mas lalo lang akong nahuhumaling sa mga simpleng gesture niya. He is caring, patient, passionate, gentle, and sweet. But still, consistent pa rin kaming makilala ang isa't isa.

At laking pasasalamat ko dahil alam ni Jayscen ang respetuhin ang desisyon ko, ganoon din naman ako sa kanya.

"Woah! Para saan 'yan?" usisa ko sa canvas niya na may sketch habang kumakain ng meryenda.

Natuwa ako dahil ang cute ng mga nakadoodle dito.

"Cutie!" bungisngis ko.

I giggled as I grin. Mga maliliit na planets kaya iyon na doodle. May mini rockets, spaceships, at kung ano ano pang planeta na may ring.

He chuckled. "Secret."

Napangiwi ako. "Dami mong alam," pabiro kong sagot at bahagyang ngumuso.

"Anyway, ang hilig mo sa planets, 'no? Baka mag-assume na ako niyan na na-inspired ka sa ginawa kong doodle, ha. Nakakahiya naman," nang-aasar kong patuloy.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now