Chapter 1
I tend not to get bogged down over things, knowing that it only clouds my peace of mind. Instead, I choose to focus on what brings me joy and simplicity. I prefer to take actions that light me up, without fixating on what might come next or what the end result will be.
I'm not consumed by the future; I find it more meaningful to stay present. Being in the moment allows me to engage with the things that truly bring me joy. As long as I can express myself freely and authentically, I believe it's entirely valid to prioritize what feels right for me, without guilt or hesitation.
Kaya naman ngayon, kahit ubos na ubos na ang pasensya ko sa dalawa kong kaibigan, okay lang. Doon sila masaya, e. Huwag na natin ipagkait. Sana hindi pa sila kunin ni Lord.
"Hindi naman kayo nasagasaan. Na-injured kayo dahil sa pagtama niyo sa lupa. Which is a good thing dahil magiging malaki ang kasalanan ko kung sakali! Hehe!" paliwanag ni Jester nang makapasok siya sa rito sa clinic.
Binato ko tuloy siya agad ng unan mula sa clinic bed.
"Sorry na, idol Rize! Libre na lang kita sa susunod!"
"Galing mo, Rize. Idol na idol talaga kita," natatawang asar ni Davin. "Sayang 'di ko nakita ang perfect dive. Jester, pa'no ba ang nangyari?"
"Gan'to kasi 'yan, par—"
He stopped midway when I attempted to throw my shoe at him. Gagatungan pa talaga. Hindi na lang manahimik!
"Talaga ba, Davin? Edi sana pina-tattoo mo sa noo mo," sabi ko at inambahan na rin siyang babatuhin ng unan.
"True, ipa-tarpaulin pa kita kamo." Tumango siya.
"Chupi! Lumayas ka sa harap ko!"
Tinawanan lang nila akong dalawa nang sabay. Hindi pa sila nakuntento at pinagtututuro pa ang mukha ko sunod ay sa binti. Akala mo magkadikit ang mga pusod nila sa ginagawa nila.
"Lakas ng sumpa mo, Jester. Siguro tulisan ka noong past life mo!" I sneered as I tried to stretch my feet.
Hindi na ako nakauwi sa bahay para mag lunch dahil sa clinic ng school na kami idiniretso.
Ayaw ko rin naman umuwi ngayon. Huwag muna.
Siguradong kapag nakita ako ng lolo ko ay mapapatay niya ako. Maliit lang naman ang injury sa binti ko. Agad din naman 'yon naagapan dahil maraming tumulong sa amin kanina na mga schoolmates namin.
Nag-insist pa nga ang may ari ng kotse na idala kami sa hospital pero sinabi ko sa kanilang okay na, goods na! Hindi na 'yon masyadong big deal sa akin. Kasalanan ko rin naman 'yon pero sila pa ang nag-sorry sa akin.
"Teka, si Jayscen! Okay na ba siya?" tanong ko agad. Umupo ako sa higaan at sumandal sa headboard.
"Yeah, naroon siya banda." Sumilip si Jester sa kabilang parte ng clinic. "Si bro ay nag-feeling hero," asar niya.
Tinawanan tuloy siya ni Davin. Umiling na lang ako sa kagaguhan nila. Ako na nga 'tong niligtas; dapat pasalamatan ko 'yong tao na 'yon.
I'm still quite guilty about what happened. So, first and foremost, I must apologize to Jayscen, who endured much worse than I did. It was my fault to begin with that he got involved in the accident.
![](https://img.wattpad.com/cover/352431595-288-k361016.jpg)
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an ea...