Chapter 28
"Kasi iibigan na kita. Naiintindihan mo?"
Jayscen's face quickly flushed. Medyo nakaawang ang mga labi niya at halatang pinoproseso pa sa utak ang sinabi ko.
I did not regret uttering those words because, to begin with. . . it's true.
Mas lalo akong napasandal sa upuan dahil bigla niyang pinaharurot ang kotse!
Hindi na ako nakapagsalita dahil wala rin siyang imik. Kahit ganoon, kitang-kita pa rin ang pamumula sa mukha at tenga niya.
Ayan, Rize! Pabigla-bigla ka kasi! Well, hindi ko na rin kasi napigilan ang sarili kong sabihin 'yon! I should not rush things. At isa pa, hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Mas lalo lang tuloy naging awkward habang umaandar ang kotse.
Masyado akong naging padalos-dalos sa sinabi ko kanina. I just wished he would not feel pressured! Nakakaguilty tuloy!
He meant earlier when he asked me that he wanted us to be friends. Tapos ako, biglang gano'n ang sinabi! Ang kapal ng mukha kong mag-assume.
Tumingin na lang ako sa bintana ng kotse, at base sa nakikita kong daanan, papunta na kami sa Under Ground One.
"Pasensya na sa abala. And thank you sa paghatid sa akin," sinsero kong saad nang makarating kami sa Under Ground One.
Akala ko ay aalis na rin siya agad pero lumabas din siya mula sa kotse niya.
"Wait," he called me. "Are you going to be fine?"
Tumingin ako sa paligid ng Under Ground One, wala naman kaming makitang tao, e. Pero nasa entrance pa lang naman kami. Malay ko bang baka nasa loob si Yuen, and worse, baka napagdiskitahan na siya roon.
Nakakatakot pa naman ang pagiging maangas no'ng mga lalaking narinig ko noong isang linggo pa.
"Oo," pilit kong sabi.
Pero paano nga kung nandoon nga 'yong mga lalaki at ako nga 'yong tinutukoy nila na gagamitin nila para makaganti kay Yuen?
Argh! Bahala na, edi makikipag-race ako sa kanila at saka ko sila lalampasuhin!
"Sasamahan na kita. Let's go."
Nanlalaki ang mata kong sinusundan siya ng tingin. Nauna na nga siyang maglakad papunta sa entrance.
Imbis na mag-isip ng kung ano-ano, inilibot ko na lang ang tingin ko. Mas lumala pa pala ang hitsura ng Under Ground One kumpara last year. Mas madami nang basag na mga bote, nagkalat na gasolina at spray paints, mga kinakalawang na bakal, at marami pang iba.
Dumiretso kami kung saan mismo ang racing ground. Tahimik lang naman kaming dalawa ni Jayscen habang naglalakad.
"Jayscen," I called him.
"Yeah?"
"Sa tinanong mo kanina. . . tungkol doon sa kung gusto mong makipagkaibigan, okay lang naman sa akin." Pilit akong ngumiti kahit nakatingin sa harapan, halos ibulong na lang ang mga salita ko.
Iyon naman ang gusto niya, 'di ba?
Hindi na nga lang siya nagsalita. Mas lalo tuloy naging palaisipan sa akin kung ano nga ba ang gusto niya.
Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makita na namin ang racing ground. Mayroon akong naaaninag na mga tao roon sa starting line at handa nang makipagkarera.
Kunwari kong iniharang ang isang palad ko sa noo ko dahil naaaninag ko na ang pigura ng isang pamilyar na tao. Si Yuen!
He was going to race against those one of the boys I have heard the previous week, 'yong pinakamatangkad at maangas. Siya 'yong may galit sa kanya.

YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romantizm✔ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an ea...