Chapter 21
I isolated myself the following morning, submerging my whole body in my bed. I could feel my eyes in maim due to crying the entire night.
Alam kong medyo late na ng umaga pero Sunday naman ngayon kaya okay lang na tanghaliin akong bumangon. The morning sun rays were reflecting through the window, causing for me to close my eyes shut as I felt its warmness against my face.
Nang makapag-muni-muni ay kinuha ko agad ang phone ko. All I could see from its lockscreen was Jayscen's multiple messages.
Puro greetings 'yon at minsan nagse-send pa ng cute stickers and emoticons. I smiled bitterly as I opened his messages. Hindi ko maiwasang mapatulala sa phone ko.
7:45 AM
Jayscen:
good morning, sun rize : )
did you sleep well? hope you did
ang ingay ni daddy, kagabi ka pa kasi namin pinag uusapan tapos ngayong umaga talak pa rin nang talak tungkol sa 'yo (。-_-。)
My mood lightened up at hindi ko na napigilang matawa dahil sa emoticon. I guess naroon pa rin siya sa mansiyon nila. Nai-imagine ko tuloy ang mukha niyang asar na asar sa Daddy niya pero pinipigilan niya lang. Parang ganoon na ganoon nga ang mukha niya!
He often sends messages like that when he feels like teasing or annoying me, using lots of emoticons and emojis. Ako naman ay sinasabayan ang trip niya kaya para kaming mga jejemon minsan.
I checked the time on my phone and it was almost ten o'clock in the morning. Hindi pa ako nag-umagahan kaya ramdam ko na ang pagkalam ng tiyan ko. Na-realize kong hindi pa pala ako nagbihis, ito pa rin ang suot ko simula kagabi kaya naligo muna ako. Dugyot, Rize!
Sinubukan kong sumilip nang makababa sa hagdan. I tried so hard not to get caught as I sneaked out from the house.
After what happened the previous night, I don't think I have already gathered enough courage to talk to them. . . Lalo na kay Papa.
Dala ko ang skateboard ko at sinubukang dumaan sa bandang likod ng bahay dahil mahuhuli rin ako ni Lolo Kenzy kung sa harapan ako dadaan. I don't know where should I go right now since hindi ko sila kayang harapin ngayon.
So I thought that instead of locking myself in my room, I should do something that would occupy and entertain my mind. . . kahit panandalian lang.
Kaya ito na muna ang naisip kong paraan, ang idala ang skateboard ko at pupunta ako sa Ground One.
"Ymir! Anong mayroon?!" I approached when I arrived. Nakita ko si Ymir, kasama ang ibang kakilala namin na nagmamadali. Dala-dala nila ang kani-kanilang skateboard na may magagarbong custom-design.
Ymir quickly halted from rushing upon seeing me. Sinalubong niya ako ng usual boyish smile niya.
"Ritz! Aba, nakalimutan mo na agad? Skate Tournament week ngayon kaya kung gusto mong sumali ay sumama ka sa amin sa Under Ground One," sagot niya.
Naalala kong Skate Tournament week nga pala ngayon. Matagal na 'yon nagaganap dito sa district namin at once a year lang ito, during every month of December. Kaya lang ay para sa mga 18 and above lang ang puwedeng sumali sa tournament.
I did not attempt to go there before since ang bilin sa akin ni Lolo Kenzy ay medyo delikado roon, not just about the location but also about the organization that manages it.
And there, natagpuan ko na lang ang sarili kong sumama sa kanila. It would not hurt to try it for the first time.
Ang Under Ground One ay medyo malayo pa sa Ground One. Ibang-iba ang hitsura ng UGO dahil nasa dulong parte ito ng district namin.
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔️ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an e...