Chapter 25
"Bruha ka! Si Jayscen 'yon, 'di ba?!"
Halos kaladkarin ako ni Finnley nang makabalik doon sa pinagte-trainig-an namin. At dahil hindi na ako nakapagpigil ay binato ko na sa kanya ang bola na hawak ko.
Same reaction lang naman kami ni Finn. Si Jayscen nga 'yon! At paanong nandito na ulit siya? Well, hindi naman sa nagko-complain ako, pero pucha. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita tapos ganoon pa 'yong nangyari? Nakakahiya!
His eyes seemed cold as well. Mas lalo pa siyang tumangkad. Amoy galing ng ibang bansa pa talaga.
But hell! Bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa mga tingin niya kanina?
I don't really know. Maybe there was still a part of me that I wanted to be in a good terms with him? I mean, alam kong ang kapal naman ng mukha kong mag isip ng ganito dahil una sa lahat, ako ang hindi nag-take ng risk at pinaasa siya. . . Pero kahit papaano, kahit katiting lang, gusto kong bumalik kami sa dati. 'Yong in good terms pa rin. . . feeling ko tuloy may sama siya ng loob sa akin.
I simply shook my head to get rid of those thoughts away.
Hindi ngayon ang oras para mag isip isip ng ganoon. Dapat mag-focus muna ako sa training.
Pero una sa lahat, paano ako makakapag-focus sa training kung halos ma-distract ako sa sobrang lakas na tunog ng mga raketa?!
Nang lumingon ako sa pinanggagalingan no'n ay nakita ko si Jayscen na nagte-training na rin at sobrang lakas ng pagkakahampas niya.
Ako ang naaawa sa shuttlecock. Nanggigigil ba siya?!
"Sige, Rize! Kapag 'di ka tumingin dito, ikaw ang sureball na mahe-headshot!" tawag ni Vanessa sa atensyon ko.
"Sige, bring it on, beybe!" pabalik kong bulyaw.
Doon ko lang na-realize na sobrang lakas ng pagkakasabi ko.
Tinago ko na lang ang kahihiyan ko sa pagsipa sa bola dahil isinerve na 'yon ni Vanessa kaya nagtuloy-tuloy na ang training namin.
The first day of try out for intramurals finally started. Bali patas pa rin kahit papaano ang mga team dahil hindi iyon by strand. Hindi rin siya per grade level kaya sa team namin nina Vanessa at Finnley ay may mga Grade 11 din na kasama.
Naka-ready na kami ng mga ka-team ko at nagpabilog pa. Pagkatapos ay pinagpatong-patong namin ang mga palad sabay sigaw ng, "Let's go! Team Yow!"
Sabay-sabay kaming napangiwi dahil do'n. Sino ba kasi ang nag isip ng pangalan ng team namin na 'yon?!
"Ang jologs!"
"Para tayong mga walang ganap sa buhay!"
The game started in a few minutes, naunang isinalang ang team namin. Hindi ko alam kung nanggagago lang si Vanessa o ano dahil parang pa-chill-chill lang ang mga galaw niya. She's really good at this!
Nang mapansin kong medyo makakatakas ang bola ay ngumisi ako.
I then rushed towards the front and jumped up as hard as I can. Dahil malapit na ako sa net at nasa harap din ang pag atake ng kalaban ay inikot ko pa ang sarili ko kaya nasangga ko agad ang bola.
And there, we scored again!
Mabilis din natapos ang laban dahil natambakan namin ang kalaban. We all formed a circle again and shouted.
Ang mga lalaking kakatapos lang din sa laro ay nagtatatalon sa tuwa.
Maagang natapos ang Sepak kaya nagkanya-kanya na kami ng mundo.
![](https://img.wattpad.com/cover/352431595-288-k361016.jpg)
YOU ARE READING
Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)
Romance✔ | COMPLETED Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. Sheʼs a student who doesnʼt fret too much about her studies because, in her mind, she deserves whatever she receives. At the same time, Jayscen is an ea...