Chapter 02: Involve
Ito ang unang beses na makakapasok ako sa Hacienda Silvero kaya kailangan ay mag mukha akong maayos at desente. Ayoko namang makita ako ng mga tao roon na mukhang kaawa-awa kaya nang makaalis iyong lalaki kanina ay pinalitan ko na agad ang uniform ko para malabhan ko rin mamayang gabi.
I like wearing dresses and hairclips kaya isinuot ko ulit ngayong araw ang off shoulder kong bistida. Dahil kulay asul ito, ibinagay ko iyon sa suot kong butterfly hairpin na gawa sa kulay asul na mga bato ang disensyo. Bagay rin ito sa mahaba at naka layered kong buhok. Pagkatapos ay tsaka ko isinuot ang luma kong flat shoes.
Inilagay ko lahat sa isang tote bag ang mga porselas at kwintas na ginawa ko kagabi para maibenta mamaya pagtapos kong dumaan sa mansyon ng mga Silvero.
"Calustina, apo, handa ka na ba? Aahon na tayo." Narinig ko ang boses ni Nana sa labas.
"Palabas na po, Nana!" Sagot ko mula sa kwarto. Matapos mailagay lahat sa aking bag ay sinarado ko na ang zipper nito. I then patted my dog who's waiting on the door for me.
Mabilis rin siyang sumunod sa akin nang lumabas na ako ng kwarto. Sabi ni Nana ay ayos lang naman raw na dalahin ko ang alaga kong aso roon. Hindi naman ito nanggugulo. Hindi rin siya malikot kasama. She's been protecting me since I was a kid.
Sumakay kami ni Nana ng tricycle patungo sa Hacienda Silvero. Ilang minuto rin ang biniyahe namin bago kami makarating sa harapan ng malaking gate kung saan may nakapaskil na "Hacienda Silvero" sa itaas nito.
Hindi na puwedeng pumasok ang tricyle sa loob kaya naman nilakad namin ni Nana ang mahaba pang daan kung saan nadadanan rin namin ang malawak na palayan at ilang taniman ng mga halaman, bulaklak at mga prutas. Sa hindi kalayuan, tanaw rin mula rito ang dalawang gusali ng kanilang mga plantasyon.
Tama nga ang narinig kong balita. Maraming mga taong nagtatrabaho sa loob ng hacienda. Secured rin ang buong paligid dahil may mga ilan akong nakikitang mga nakaitim na lalaki suot ang kanilang mga earpiece. Malamang ay nagbabantay sa buong paligid.
Hindi ko maiwasang ngumiti dahil kahit nakakapagod ang trabaho ng mga tao rito sa loob ng hacienda, mukhang mahal naman nila ang ginagawa nila. Nakakahawa ang mga ngiti sa kanilang mga labi sa tuwing binabati ng ilan si Nana tuwing napapadaan.
Gumilid kami ni Nana nang dumaan ang isang truck na may sakay na tatlong naglalakihang mga baboy sa likod nito.
"Nariyan na pala ang mga baboy na pinakuha ni Senyora." Ani Nana.
"Bakit po? Anong pong meron, Nana?" Kuryoso kong tanong habang tinatanaw ang truck na iyon patungo sa malaking mansyon.
Talagang malawak ang lupaing ito. Kung ako ang tatanungin, baka limang bayan ang masasakop nito kung tatayuan nila ng mga bahay at patitirahan sa mga tao.
"Dalawang araw na lang bago ang kaarawan ng pangatlong anak ni Donya Alyana. Gaganapin rito sa loob ng mansyon kaya abala rin ang lahat sa paghahanda. Gusto kasi ni Senyora na malaki ang selebrayson para sa apo niya. Paborito kasi." Kwento ni Nana at natawa.
Marahan akong tumango, hindi binibitawan ang tali na nakakabit kay Polgoso. Sobrang yaman pala talaga ng pamilyang ito kung gano'n. Napakasuwerte.
Ilang hakbang pa ang nilakad namin bago kami tuluyang makarating sa tapat ng mansyon ng mga Silvero. Halos manlula ako sa laki at lawak nito sa malapitan. Kung titingnan kasi sa malayuan ay parang hindi ganito kalaki. Parang triple pa ang laki nito sa palasyo.
"Halika na sa loob, maghintay ka lang muna sa sala at tatawagin ko si Senyora at Donya Alyana. Kung naririto na sila. Umalis kasi sila kaninang umaga para magtungo sa plantasyon." Aya ni Nana. Tahimik ko naman siyang sinundan sa loob ng mansyon.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...