Chapter 15: Concern
If there's a chance to rewind my life, I will. Babalik ako sa nakaraan para pigilan ang sarili kong gawin ang mga bagay na ayaw kong gawin pero napitilan dahil sa kagustuhang mapasaya ko ang mga taong nasa paligid ko. Kahit alam kong ikakasira ito ng buhay ko.
If only I could go back in time, I would save the little old me that no one had ever saved because she is afraid to trust people and believes that everyone around her will only do the same.
Ilang beses ko na bang pilit na ipinapaliwanag ang sarili ko sa iba para lang maintindihan nila ako? Ilang beses kong ibinaba ang sarili ko para mataas ang iba. Parati ko silang inuuna dahil mahal ko sila.
Yet, everyone still left. Everyone abandoned me. Tinulak at tinaboy. Pinandirihan.
Sobrang sakit at bigat na ng mga napagdaanan ko pero pinipilit ko pa rin ang sarili kong tumayo at lumaban dahil wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang.
Ang kaibigan na dapat kong matatakbuhan sa ganitong klase ng bagay ay tinalikuran ako. Iyong tao na akala kong mas makakaintindi sa akin, iniwan ako.
Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako sa main field kung saan nagtitipon ang ilang mga estudyante ng BNH para makanood ng laro ng soccer team. Pinilit kong isiksik ang sarili ko makarating lang sa pinakaunahan dahil gusto kong makita si Leon.
Umaasa na sana ay muli kong masasalubong ang kaniyang mga mata pero nagkamali ako.
Pagkatapos ng huling laro nila, alam kong nakita niya ako rito pero pilit niyang hindi ako pansinin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang sa wakas, matapos ang ilang linggo ay nagawa kong masalubong ulit ang mga mata niya. Umaasang kakausapin na niya ako sa pagkakataong ito pero nagkamali ako.
Parang paulit-ulit na tinusok ng karayom ang puso ko nang makipagkamayan at tawanan siya sa mga kasamahan niya bago sila tuluyang umalis ng field. Nakasunod pa rin ang ilang mga babae na panay ang cheer sa kaniya at sa team niya.
Tinanaw ko si Leon habang papalayo sa akin. Kada hakbang niya paalis ay ang siyang pagbigat rin ng aking dibdib.
Bumagsak ang mga balikat ko sa pagkabigo.
Is it always this hurt to watch someone you fell in love with walking away from you as if you never existed in their life?
Parati ko iyong napapanood sa mga teleserye at nababasa sa mga libro pero hindi ko akalaing ganito pala kasakit sa totoong buhay.
Nanigas ako sa aking kinakatayuan. Nagdadalawang isip kung susundan ko ba siya o hindi. Pero gusto ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang makausap dahil parang sasabog na ang puso ko sa sakit.
Hindi pwedeng ganito kami habang buhay. Hindi ako papayag na iwasan niya ako pagkatapos nung nangyari nung araw na iyon.
Bukod kay Nana, siya na lang ang meron ako. Siya na lang ang natitira kong kakampi sa mundong ito. Ayokong pati siya... tuluyang mawala sa akin.
I've been always invisible. And I used to stay to be invisible and not be seen by anyone.
Tahimik ang buhay ko dahil walang gulo kung mag-isa lang ako kaya sinanay ko ang sarili ko sa ganoong uri pamumuhay dahil akala ko, I will remained invisible forever and not to be notice until Leon came.
He made me feel that... As long as he's there... with me... I wouldn't be invisible anymore. I wouldn't be alone anymore. Dahil nandiyan siya para sa akin.
Pinaramdam niya sa akin na kaya ko ring makisalamuha sa mga taong mas nakakataas sa akin. Pero paano kong mararamdaman ulit iyon kung isang araw, bigla na lang rin siyang nawala sa buhay ko?
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Fiksi RemajaSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...