Chapter 12: Date
The next few days were not easy for me. Hindi ko alam kung paano ako kikilos pagkatapos lahat ng nangyari.
I don't know how I will react anymore. I don't know what to feel anymore.
Amara started avoiding me. Kung noon ay halos araw-araw kaming nagkikita at sabay na pumapasok sa iskwelahan, ngayon, hindi na. Umiiwas siya sa akin.
Sinubukan ko siyang kausapin noon para sana makipag ayos pero hindi niya ako pinansin. Hindi nuya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa. Nilagpasan niya lang ako na para bang hindi niya ako nakita.
It was hurting me so much that I could feel like I was slowly losing a friend once again. And this time, it was my fault. Kahit anong dahilan pa ang sabihin ko sa kaniya, kung titingnang mabuti ay kasalanan ko naman talaga.
Hinayaan ko ang sarili kong maging malapit kay Leon sa pag-aakalang mas makabubuti iyon sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko naman inaasahan na... Mahuhulog ang loob niya sa akin.
Kung nagsasabi talaga siya ng totoo. Kung totoo nga ba lahat ng sinabi niya sa akin nung huling araw na kinausap ko siya.
Iniiwasan ko na rin siya sa tuwing sinusubukan niyang makalapit sa akin. Kahit ang makausap ako. Dahil laging nakamasid sa amin si Amara. Dahil sa tingin ko, ito ang tama para mabalik sa normal ang lahat.
Sinusubukan ko namang gawin ang sinabi ni Amara para matulungan siya kay Leon. To prove to her that stealing him away from her was really not my intention. Pero sa sitwasyon naming tatlo ngayon ay nahihirapan ako.
Hindi ko na akam kung ano pa ba ang dapat kong gawin.
"Congratulations, everyone. Some of you did get a high score as per the results of your midterm examination but I'd like to congratulate Miss Calustina Sarmiento for getting the highest score, 49/50."
Pumalakpak ang mga kaklase ko nang inabot sa akin ni Mrs. Escobar ang test paper ko para sa kaniyang subject. Pilit akong ngumiti at tinanggap ito bago ibinagsak ang mga mata sa aking papel.
Ilang linggo rin akong nag-aral para sa midterm week kahit na magulo ang isipan ko ngayon sa mga nangyayari.
Nag-iwan pa ng ilang paalala si Mrs. Escobar para sa susunod na quarter bago ang bagong semestre para sa ngayong taon. Nang matapos siya ay agad rin naman siyang nag dismiss.
Tumayo ako at niligpit na ang mga gamit ko pabalik sa loob ng aking bag. Aalis na sana nang mahagip ng mga mata ko si Leon na seryoso at malamig ang mukhang nakaupo sa kaniyang puwesto kahit na nagsisilabasan na ang mga kaklase namin ng kwarto.
He's staring at me darkly. Anger and annoyance could be seen in his eyes. He didn't get his eyes off me as if he was waiting for something to happen.
Nag-iwas ako ng tingin bago dali-daling lumabas ng classroom para makaalis at makauwi na. Pero kahit papalabas na ako'y nararamdaman ko pa rin ang matalim niyang mga matang nakasunod sa akin.
Mariin akong pumikit at bumuga ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Just him staring at me made my heart beat so fast.
Gaano katagal ko na ba siyang iniiwasan? Isang buwan at dalawang linggo? Hindi ko alam. Ang tagal na rin simula nung huli ko siyang nakausap.
Bumagal ang lakad ko nang makasalubong si Amara kasana ang iba pa niyang mga kaibigan. Nagtama ang paningin naming dalawa.
Matipid ko siyang nginitian, umaasa na sana ay hindi na siya galit sa akin pero bumagsak ang mga balikat ko nang hindi niya iyon inanyayahan. May sinabi siyang kung ano sa mga kasama niya bago tumayo. Matapos makuha ang mga gamit ay nag paalam na siya sa mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
RomantikSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...
